Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Kapamilya Stars, lipat Kapuso Network na

Pokwang,Richard Kim, Michael, Louise and Daryl


 Noon pa man ginagawan na ng isyu ang mga artista kapag lumilipat ito ng ahensya o ng istasyon. Marami na ang sangkot sa issue ng lipatan, may kapuso na naging kapamilya at bumalik sa kapuso at ganun din sa Kapamilya na naging kapuso. May kanya kanya silang dahilan at Loyalty ang isa sa pinaka matinding issue kapag nagpalit sila ng management or istasyon. At ngayon may kinakaharap ang kapamilya network, nakabantay na ang mga manonood sa mga lipatan magaganap.

'Budakel'
Una na dyan ang grupo ng BuDaKhel nina Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan ng mag guest sila sa Eat Bulaga para ipromote ang show nila. Matatandaan naglabas si Daryl ng vlog kung saan sinagot nya ang issue sa pag promote nila sa Eat Bulaga. Nabanggit niya din na ban sila ni Bugoy sa kapamilya network sa di nya tiyak na kadahilanan.

Sunod naman pinag usapan ang pag guest ni Pokwang sa "Bawal Judgemental" segment ng Eat Bulaga. Mukha naman sinagot ni Pokwang ang issue ng lipatan sa pamamagitan ng pagsagot niya sa isang netizen,

@misspendon "Mukat mukat mo makikita mo si Pokwang nasa kabilang istasyon na"

Pokwang, ready na lumipat sa Kapuso Network

@itspokwang27 " yes totoo naman yan kasi last year pa ako nagpapaalam wala pang pandemic at bearing sa prangkisa, yes matagal na akong nagpaalam pero di ako pinayagan, alam ng mga boss yan! hindi ba pwede sumuporta muna bago umalis? may mga kaibigan ako maiiwan teh!

Nakilala si Pokwang noong 2004, nung sumali sya sa "Clown in a Million" ng Yes yes show (reality show). Nanalo sya at kasama sa napanalunan niya ang kontrata sa ABS CBN at dun nag umpisa ang pagiging miyembro ng Star Magic 



na  pinamumunuan ni Johnny Manahan. Ngayon 2020 ay magiging certified Kapuso na siya?

Kapuso na naging kapamilya at ngayon mag babalik kapuso? Eto na nga ba ang estado ngayon ni Louise Delos Reyes? Kamakailan lang ay nag guest ang former ka-loveteam ni Alden Richards sa "Bawal Judgemental" ng Eat Bulaga. Iniwan ni Louise ang GMA noong May, 2017 at lumipat ng Viva Artist Agency at napasama siya sa "Ang Probinsyano" ni Coco Martin.  At nagtuloy tuloy din sya sa pag-gawa ng pelikula. Taon 2004 ng maging kapuso si Louise pero 2011 siya nagkaroon ng first lead role bilang 'Alakdana' kapareha si Alden Richards na nasundan pa ng 'One True Love'at 'Mundo mo'y Akin'. Inabangan ang kanilang pagkikita sa Eat Bulaga at maraming netizen ang natuwa dahil isa sa paborito nilang loveteam ang Louise/Alden lalo na sa One True Love at Mundo mo'y akin. 

Richard, done deal na with GMA

Nag guest din sina Kim Molina at Richard Yap sa 'Bawal Judgemental' na pareho din kilalang kapamilya stars. Madami ang nag aabang sa susunod sa listahan.

Ang Eat Bulaga ay under ng TAPE Inc. at blocktimer sila sa GMA kaya pwede silang mag guest ng kahit sa ibang network. Ngunit nagkataon ba na sunod-sunod na kapamilya ang kanilang guest o pakikisimpatya nila ito sa kapamilya network? Kahit ano pa yan, pinapakita nila na wala sila pinipili dahil ang totoo iisa lang naman ang industriya na ginagalawan nila, magkikita at magkakasama din sila.

Edward Barber: Biktima ng impostor

Edward Barber



 Warning sa mga basher at impostor ni Kapamilya star Edward Barber!

Kung ayaw ninyong "makuyog" sa social media, iwasang gamitin ang kanilang idol sa mga kalokohan!

Edward, may impostor
Ganito kasi ang nangyari: May isang impostor na nagpakilala sa Facebook na Edward Barber na diumano ay nag-post ng mga message sa kanyang ex-girlfriend.

Ang ginawa ng scammer ay nilagay rin nito ang pangalan ni Maymay Entrata sa post at lumabas tuloy na parang ang nag-uusap sa FB ay sina Edward at Maymay.

Kilala sila Maymay at Edward sa tandem na MayWard, mula sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ng ABS-CBN noong 2016.

Nakita ito ng ilang members ng MayWard Flyers, fan club nila Edward at Maymay, at sila'y na alarma dahil wala naman palang active Facebook account si Edward.

Nakarating na ang kalokohan na ito ng impostor kay Edward pero hindi naman daw affected ang aktor.

Pero hindi pa pala dito natatapos ang walang magawang impostor.

Kinabukasan, ang ginawa naman ng impostor ay gumamit ang picture ni Edward mula sa lumang Facebook account nito.

Hindi nga affected ang aktor pero hindi na ito pinalampas ng kanyang mga fans.

Dito na kinuyog ng MayWard Flyers ang pekeng Facebook account. Sama-samang binatikos ng MayWard fans ang Facebook ng impostor.

Maymay Entrata and Edward Barber
Nag-comment sila ng mga masasakit na salita laban sa may pakana ng pekeng Facebook na pag-aari kuno ni Edward.

Hindi rin ma-take ng mga MayWard Flyers na mali-mali ang grammar ng fake na Edward sa mga English post nito.

Magaling sa English si Edward ayon sa MayWard Flyers at hindi raw ito magkaka-mali sa tamang spelling ng "troback" at "cherful" na siyang nilagay ng impostor.

So ayan! Kaya ingat ang iba diyan na may plano ring isangkot ang tambalang MayWard sa mga kalokohan nila at baka sila naman ang sumunod na kuyugin at bombahin ng MayWard Flyers!


MayWard: Nilaglag ni Edward dahil kay Lexa na gaganti

Edward  Barber and Lexa Lauraine 





Yet another press conference was televised very late at night and for all who managed to wait and view the latest update on the how’s and why’s of the pisting veerus that has ravaged us all, as always, better written in Filipino than in English, “tinimbang ka, ngunit kulang pa rin” ang mga inilahad mula sa Ginoo mula sa Malakanyang.
Lexa is a model

       
No concrete news about the forthcoming of an antidote or cure. Nay on announcement of a full proof plan on how to expedite the release of the promised social amelioration package that only a minority has received. Nada on how to flatten the curve which majority do not understand the importance, diminish the number of casualties and increase the digits of survivors and healed.

Thus, I cannot help but wonder, whatever happened to Catriona Gray’s assurance that a silver lining is somewhere out there?
          
Kaya nga kesa mag-open ang closed pores, paglaruan na lang nating ang drama na hell hath no fury a woman scorned nga ba ang mantra ngayon ni Lexa Lauraine, ang dyowa diumano ni Edward Barber?
        
Before this poot at suklam phase happened, it was Edward who started liking the photos of Lexa sa IG, especially her sexy photo postings. May katotohanan nga kaya ang rumor na it was Barber who pursued the model, na hindi lang sila basta naging acquaintances, naging close, enough for Lauraine to merit a “chill time” with the young star sa condominium niya. 

And for the millennials, alam na alam na nila ang ginagawa ng mga kapwa nila millennials when they chill and hang out together, huh! Promise, hindi sila naglalaro ng scrabble, snakes and ladders at mas lalong hindi jack-en-poy!
         
Dahil nga napagtanto ng powers that be ang lambingan at si Maymay Entrata, biglang lo and behold, deleted lahat ng photo postings niya with Edward sa kanyang IG account, ang binatang tisoy na may chance na mamula-mula ang tinatago nitong Barber inside his skivvies, natauhan na daw. Iwas to death and high heavens na nga ba talaga ang dramarama ni Edward?


MayWard: Isang palabas
Afraid at umurong ang yagbols ni Barber and does not one to suffer the same fate ng mga  ibang actor na gone with the wind, gone in sixty seconds, lost in space and lost in emotion ang karera kaya mas matindi pa sa linta, tuko ang pagkapit nito ngayon kay Entrata?

May wisdom beyond his years  na nga bsi Edward at alam niyang masyado pa siyang bata para maging la ocean deep at sumanib sa League of Extra Ordinary Has Beens, huh!
         
Of course, the plot thickens and how? Sa angking ganda at rikit ni Lexa, nasaan nga naman ang hustisya now that Edward is doing a Gerald Anderson, ghosted siya ni Barber just like what Papa Gege did to Bea Alonzo.
        
Binabalewala na nga ba siya at umaarte ang ang former PBB discovery na wala silang magandang  pinagsamahan at no romantic history at all? Ouch for the lovely miss, huh!
         
Tapos na ang MayWard "loveteam"

Ang boy, oh boy! Si Lexa, malapit na malapit na raw umabot sa pagputok ng bulkan ang poot at suklam nito para kay Edward at more than ready to spill the beans and open Pandora’s box and expose how close was the closeness she and the young Barber shared?

What kind of pasabog kaya ang ready si Lauraine to unleash? Will it rival the seven deadly plagues? Will it be as catastrophic as the eruptions of bulkang Mayon, Pinatubo and Taal combined? The moment her big reveal happens, end of the days na nga ba agad-agad ang karera ni Edward, kung saka-sakali?

Wait and see and play it by ear muna tayo kung may kung may sapat na tapang nga itong si Lexa Lauraine to make Edward Barber weep.

Ang mas kaabang-abang, will we finally witness the greatest performance ni Maymay Entrat

Ang pinaka-bonggang tanong, marunong ba namang umarte at all si Entrata kaya ano ang aabangan natin? Ang savage! Hahahaha!