Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Robin Padilla: Biktima ng Fake News

 



 

Fake News ang balitang nagka-COVID-19 si Robin Padilla at misis niya na si Mariel Rodriguez

"Common flu lang. Ok na," mensahe niya sa amin thru our regular correspondence. "Mahirap magkasakit ," dagdag pa niya sa message niya sa amin.

He can't afford na magkaganun(magkasakit), lalo pa't muling aktibo siya sa kanyang community work at sa dalawang bagong television shows ng NET25 on agri-business, livestocks and small businesses like pagawa ng kakanin, food (karideria), etc na "Unlad' Kaagapay sa Hanapbuhay na devcom para sa mga kababayan natin na kailangan ng tulong impormasyon na napapanood every Sunday at 7:00PM and Saturday at 9:00 in the morning na nagsimula noong July of this year.


Last Sunday, September 27 ay may bagong musical sitcom na ini-launch ang istasyon na siya ang main host together with Vina Morales and Pilita Corrales titled "Kesaya Saya" na mapapanod naman at 6:30 in the evening.

*****

Ang ganda ng unang sultada ng Kuwentong Sandaan series kung saang nagbibigay pugay ang FDCP sa pangunguna ng kanilang Chairperson @lizadino sa mga living legends ng pelikulang Pilipino at ng industriya. Nakakatuwa ang kuwento ng beterang aktres na si Ms. Gina Pareño tungkol sa pagsisimula niya bilang isang extra sa pelikula hanggang sa dumating ang takdang panahon niya bilang isang bida.

 Congratulatios FDCP sa effort ninyong ito in selebrasyon ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino at sa Isang Daang Taon pa ng Pelikulang Pilipino. Mabuhay ang FDCP! 

Bukas, Wednesday ay mayoong dalawang oras na selebrasyon ang FDCP para sa pagtatapos ng sandaang taon ng pelikulang Pilipino at ang pag-welcome naman ng #SineSandaanNext100 with an online concert featuring Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Lea Salonga to name a few.

The show starts at 8:00PM at mapapanood online sa Facebook.com/FDCPPH. Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Good work FDCP!
 
*****
Tama lang na idinemanda ni Liza Soberano ang isang netizen para malaman ng mga gumagamit ng social media na may responsibilidad sila sa mga ipino-post nila na opinyon na kung hindi sila maingat ay pwede sila mademanda at makulong. Sabi nga "Think Before You Click!"
 
Kaya sa mga netizens na walang pakialam na akala nila ay kahit sino ay pwede na mag-rant ay hinay-hinay at baka kayo mademanda ng cyber libel.   
 


Liza, Janina at Pinky: Mga Babaeng Sawinpalad

Liza Soberano, Janina San Miguel at Pinky Amador




  Is there a premium or value that we place on the freedom and independence we enjoy as a nation and people of this great republic?

We are on the eve of the Philippine Independence Day celebration, and with the manner things are going and moving, it is indeed bothersome to accept that the nation of so many billions continue with their claim of several heavily disputed territories and yes, before we can even unleash hell to the best and brightest, with the terror bill now a shoo in as a law,even if there is no evidence of actual lawlessness and civil obedience, we all have to be artistic and creative in expressing our opinions, especially with the manner our gobiyerno nacional is handling the current state of affairs of the Republic.

Saan kaya patutungong ang carrer ni Liza?
Kaya nga, mabuti na lang may magagandang mga babae na kahit paano, nagiging source of distraction nating lahat dahil nga parang mas malalaki ang mga pasabog at problemang kanilang kinahaharap kung ikukumpara sa mga dalahin natin na basic na basic lang naman – anda, datung, pera, salapi para mabayaran ang lahat ng bills, may makain sa araw-araw ang ating pamilya at minamahal sa buhay, mapag-aral ang 



mga pinag-aaral, mabili ang mga gamot pang-maintenance at pangkasulugan at makapag-impok kahit paunti-unti para naman handa sa mga hindi inaasahang kaganapan,

Siempre, on a sad note ang kanyang fans ni Liza Soberano dahil nga tinigbak na ang Make It With You drama niya kung saan kapareha niya ang jowang si Enrique Gil.

Malaking blow at tadyak sa karera ni Soberano ang pagka-chugi ng kanyang primetime series dahil all of a sudden, neither here nor there ang kanyang karera at dagdag stress pa ang katotohanan walang kasiguraduhan kung ang inaasam na ABS-CBN prankisa ay maibibigay pa sa embattled Mother Ignacia based network.

With the way the payasos in the Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) na paulit-ulit at paikot-kot lang ang mga argumento at kamalasudahan, parang nanganganib na mag-gone with the wind at gone in 60 seconds, and ma-lost in space, lost in emotion at ma-lost in translation ang dapat sanang star hot career ni Soberano.

Is her beauty her curse? O mas sumpa sa former beauty queen Janina San Miguel ang kanyang alindog at rikit?

Janina,ano kaya ang ending ng kanyang expose'?
Bumagasak pa ba ang panga nating lahat sa kanyang pasabog na diumano ang mga tulad niya, at ibang pang babae na may hinhin na tangi at dakilang ganda ay sold to the highest bidder sa karnehan ng predatory big spenders?

Bb.San Miguel, tale as old as time na ang prostitution sa kung saan-saan lugar, mula sa barangay level hanggang sa alta sociedad. In a macho culture like our, ang hombrelicious na hindi best in good manners and right conduct at may sobrang sexual insecurity or appetite ang siyang nag-o-objectify sa mga babae at siempre pa, kung may datung sila, lahat kaya nilang bilhin, even the beauty conteseras na may mala-porselanang kutis at whistle bait figures. Daig pa nilang lahat si the late anchor Bob Barker na lahat ay may if the price is right tag.

So saan patungo ang aria ni Janina? Eh di saan pa kundi sa kankungan, kalabasahan at pansitan. Hindi na priority sa kasalukuyan ang ganyang kalandian kalakaran.
 "Peace na..."- Pinky
Eh ang aria ni Pinky Amador? Humingi na siya ng paumanhin dahil nahimasmasan na ang starlet na forever under the starlet category na never malalaos dahil hindi naman talaga sumikat in a major, major way.

Hayaan na natin ang nagmamainobra sa kanyang karera ang mag-magic sa kanyang inahe at kung paano nila babaguhin ang katotohanan tungkol sa kanyang ugali na pumutok at sumabog na parang bulkan.

Janine, Kobe, millennial powers, activate!

Janine Gutierrez and Kobe Paras




  Now that we do not know what will happen to us especially when the unthinkable that is the terror bill becoming a law, someone sent me these messages. Let us embrace the wisdom of these words: : Suddenly… Disney has no magic. Paris is no longer romantic. In New York, everyone sleeps.  And the Great Wall of China is no longer a fortress.

Hugs and kisses become weapons. Not visiting parents and friends become an act of love. You realize that power, beauty and money are worthless. The world continues its life and it is beautiful.  It only puts human in cages.

The Universe is sending us a message: That we are not necessary. The air, earth, water and sky without humans are fine. So as we live, remember that we are its guests. Never its MASTERS.

Kaya super nakaka-impress ang dalawang millennials na tama ang pag gamit sa celebrity stature they are in.

Janine on Anti-Terror Bill : MnDJ Loonyoay parinig kay Ate Vi?
Si Janine Gutierrez, bull’s eye talaga ang hanash na alam mong para sa isa sa huling apat na movie queen : “Kung ‘yes with reservations’ang nararamdaman mo, hindi ba dapat mag- ‘no’ ka na lang hanggang sa masolusyunan o matanggal ang mga bagay na ikinababahala mo?”

Naku, ayaw ni Ka Dencio ang playing safe mode and acting like a star for 


all season na  politico. Nakakalungkot at super disappointing na kahit naging si Sister Stella L ka pa, hindi ka pala talaga “enlightened” at “lumalaban para sa bayan.”

Si Kobe Paras, may hamon sa kapwa niya millennials na mag-ingay patungkol sa kontrobersyal na bill: “Fighting for your rights is not a crime. For all those so called influencers use your voice and stand for what is right.”

Janine and Kobe, may tapag sa kanilang paniniwala
 May official reaksyon rin sa Paras para sa mga kapwa niya Isko at Iska na mga taga-Cebu na in a peculiar situation: “To all my people there who got arrested, thank you for standing up for what is right. To all mu Iskjo and Iskas in Cebu  everywhere else, stay strong , stay safe and stand ten toes down. We will raise money to bail those affected.” 

“Fighting for your rights is not a crime"-Kobe
Slow and strong clap para kay Janine Gutierrez and Kobe Paras, youth is not wasted on the young dahil sa inyo.

Of course, kung may pluses, may minuses rin. Sinibak na ang top rating “Make It With You:” program na pinagbibidahan ni Liza Soberano at Enrique Gil.  Sorry na lang sa dalawang Kapamilya stars at the rest of their cast dahil hindi makakasama ang programa nila sa line up of shows para sa the Kapamilya Channel. 
 

Hindi ko alam kung magiging malaking alingasngas at usapin para sa embattled Mother Ignacia network ang move na ito 


pero for sure, alam nilang lahat ang legal pros and cons kaya nila ilalagay sa digital television ang kanilang mga piling-piling at miss na miss na mga programa,

Eh si DJ Loonyo ba ma-mi-miss niyo kung sakaling biglang mawawala sa platforms where he dances? Ang daming kuda at hanash ni Loonyo of late kaya ang dami ring bashing at hating niyang tinatanggap.

Sa mga nagmamalasakit sa dancer at choreographer, please tell him na tama na ang chika at mag-concentrate na lang siya sa pagsasayaw.  Huwag na mag-opinyon pa tungkol sa mga usaping polikal, pisting veerus at kung ano-ano pa, Your public loves you because of your dancemab moves and not because of your personal and political convictions,

 Loonyo, please follow the footsteps of Janine at Paras. May tamang panahon at pagkakataon para sa makabayang pagpapahayag. Hindi pwedeng maka-mema lang just for the sake of being ma-mema. Yun lang,

Liza, Mystica, McCoy, rumesbak sa mga pasaway


Liza Soberano, Mystica and McCoy de Leon



 Let us start this column with a heart-tugging quote from Lori Deschene: “Maybe when social distancing is a thing of the past, we’ll hug a little harder, hold on a little longer, and remember that nothing matters more than the time we spend with the people we love.”

What a beautiful way to start today’s Divalicious, right? Now that it is about two days before we are in general community quarantine, if we want to experience once more the hugging and make it tighter than tight, holding another person’s hand and not minding that is sweaty and remembering the special scent of someone dear as your body is pressed against him or her, let us be a more disciplined and mindful of our actions so that the number of people being afflicted of the pisting veerus will no longer escalate knowing the fact that a possible vaccine for it remains to be an elusive dream. Kaya, bawal maging pasaway at ang walang kadahilanang pagrampa here, there and everywhere, huwag gawin. Hindi masama ang tumigil sa bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas. Mas mainam magpaka-ermitanyo o mongha ang drama hanggat ang ang panganib ay pangmalakasan pa.

Kaya, pagtuunan na lang natin ang mga pinagkaka-abalahan ng mga artistang na somehow, they moved me to make them pansin.


Liza
Ang panawagan ni Liza Soberano na magkaisa ang lahat ngayong patuloy pa rin silang nakikipaglaban para sa network renewal nila. Siguro, kung ni-revive ni Soberano ang “Magkaisa” ni Virna Lisa, baka mas matuwa pa ako sa panawagan niya. Wala naman kasing gravitas ang basta panawagan na lamang dahil ang dami na namang hindi lang ganiyan ang ginagawa, pagsusumamo pa at may kasamang matinding panalangin. Hindi ko alam kung hanggang saan aabutin at kung paano matatapos ang moro-moro na silang mga taga-Mother Ignacia ang siyang major, major players.

May naka-ambang 8 counts of counter demanda si Mystica laban kay Arnell Ignacio na siyang unang nag-demanda sa kanya. Ay! Exciting ito! Magkaka-alaman kung sino ang tunay na kabogera at kung sino ang dakila at tunay na baliw sa giyera-giyerahan ang mga mga nag-aaktingan ay isang bakla at babaing ang pag-uugali ay pambakla.

Sige, pahabaan kayo ng mga pisi at magpagalingan ng mga abogado para magkaalaman na kung may merito at saysay nga ba ang inyong mga ikinakaso sa isa’t-isa. Ang hindi ko talaga maunawaan sa tunggaliang ito, pareho namang la ocean deep at super trying hard na magpaka-relevant ang matatandang ire, bakit pa natin papatulan ang tripping nila? Ay! Nasa demokrasya nga pala tayo kaya may karapatan silang gawin ang gusto nila.



Eh ano naman ang maikukuda ko ba fake news na attributed sa super cutey na si McCoy de Leon? Kung ako sa binate, inangkin ko na ang alegasyon lalo na nga’t talaga namang the way the gobiyerno nacional is handling this pandemya, hindi mo talaga maunawaan kung the best and the brightest nga ba silang lahat o sadyang ginagawa nilang laro ang pagpapatakbo sa bayan?

Hindi ba naman kung kailan mas spaghetting pataas ang may pisting veerus affliction saka tayo ilalagay lahat under the GCQ? Parang ginigisa tayong lahat sa sarili nating mantika. Kaya sayang talaga na hindi inangkin at inari ni Mc Coy ang Law of CR na paandar.

Kung sabagay, ang bantot nga naman kung sa walang kwenta at gawa-gawa lang na balita niya ikakabit ang kanyang pangalan lalo na nga’t kahit paano, kilala na siya, may kakarampot na following at marunong naman umarte from time to time. Ang savage! Hahahaha!

Ngayong under GCQ na tayo, ano pa nga ba blooming ang dapat sabihin kundi good luck, good health and God bless us all!

FRESH: Erik Lennart Visser is "12"

Erik Lennart Visser




 Si Erik Lennart Visser ay isang Filipino-Dutch na nanalong Ginoong Pilipinas Mr. Universe Tourism. Based siya ngayon sa Cebu City.


Pero huwag isnabin. Hindi lang face at body ang puwedeng ipagmalaki ni Erik
Ang 21-year-old na pageant title holder na ito ay isang licensed pilot at degree holder ng International Studies mula sa Silliman University sa Dumaguete City.

Ang hunk na ito na may height na 6'3 ay isang beach lover. Kaya huwag kukurap kung sakaling nasa beach kayo. Who knows baka makasabay ninyo si Erik sa isang favorite beach hang out.


Wanna swim with Erik?
Sa looks ni Erik, hindi nakapagtataka kung pasukin ni Erik ang modelling o showbiz at makipagsabayan siya sa ating mga sikat na male stars.

Kilalanin pa natin si Erik Visser:

* Celebrity crush - "Liza Soberano."

* What would you do if you had one millions dollars? - "Buy one million one-dollar meals for street children."

* What are your personal goals? - "To become a pilot someday, but not before I pursue my modelling career."

* What do you find attractive in a woman? - "Her teeth and the way she laughs."

* At what age you lost your innocence? - "16 or something."

* What should every man try at least once in his life? - "To travel the whole world."

* What is the best gift you have ever received? - "My car."

* Shoe size: "12"

* What is the happiest event in your life? - "When I won Ginoong Pilipinas Mr. Universe Tourism."
Ginoong Pilipinas Mr. Universe Tourism

*  What is your go-to karaoke song? "She Will Be Loved, probably?

* Love or money? - "Love."

* Car or motorcycle? - "Car."

* Hamburgers or hotdogs? - "Hotdogs."

* Fruits or vegetables? - "Fruits."

* Mountains or beach? - "Beach."

* Boxers or briefs? - "Boxers."

* Describe yourself with one word - "Charming."



Liza, Maja at Julia, tres mujeres bonitas

Kapamilya's  Liza, Julia and Maja






An optimistic post from Facebook, and yes, we look forward to this happening: “When this ends, AND IT WILL, every game will sell out, every restaurant will have a 2-hour wait, every kid will be glad to be in school, everyone will love their job, the stock market will skyrocket, and we will embrace and shake hands. Every other house will be filled with laughter and love.  That’s going to be a pretty good day.  Hang in there, World.”
          
Habang inaantay natin ang katuparan nito, sino ba muna ang mga prettiest artistang babae sa kasalukuyan na bonggang-bongga sigurong makayakap ng mahigpit na mahigpit pag tepok na nga ang pisting veerus na ito.

LizQuen, may sawa factor na ba?


Siempre pa, ang pinaka-magandang dalagaga para sa mga millennial, si Liza Soberano. Daig pa nga ni Enrique Gil ang tumama sa lotto dahil talaga namang makabagong Venus itong si Soberano. Kahit ang buhok niya ay pinakulot o tuwid na tuwid, may make-up o wala, at parang pagsubok sa kakayahan ng styling team kung gagawin siyang babaing dukha dahil kahit saan anggulo tignan, yayamanin ang arrive na ito.

Of course, ang hiling ng lahat, ipareha naman si Liza Soberano sa ibang artistang lalaki dahil nga nakakaumay at nakakabagot na palaging si Gil ang kanyang katambal.
          
Panalo kung pagtatambalin sila ni Daniel Padilla. Wagi rin kung makaka-sparring niya sa aktingan si James Reid. At mas siksik, liglig at umaapaw sa takilya ang isang pelikula, kung sila ni Alden Richards ay pagtatambalin.

Ang pambansang harot, si Maja Salvador, Marami ang lalaki ay kanyang binibighani dahil may taglayu na pang-halina at karisma na talagang nakakabuhay ng mga ugat na tulog at kalamanang pumipintig-pintig. 

Ang artistang lalaki na rin naman ang narahuyo sa kanyang kaharutan, maski itanong pa natin sa mga naging malalapit sa kanyang sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Carlo Aquino at Coco Martin.

Maja and boyfriend Rambo Nunez

Kahit pa nga masaya ang kasalukuyan nilang relasyon ni Rambo Nunez, it does not diminish her allure at elya factor sa mga barako.

Maja, please naman, huwag mo na lang uulitin ang walang wawang drama na mala-The Killer Bride para hind maging spaghetting pababa ang iyong karera.

Sa totoo lang, mas pinag-usapan pa ang closeted gay character ni James Blanco sa evening show na parang kayo-kayo lang ang nanood kesa sa iyo na supposedly eh ang major character, huh!

Siempre, pasok na pasok rin sa kagandahan scale aalakasang nympha, ang babaing kayang tumibag ng relasyon, si Julia Barretto.

Paki-baba ang mga collective niyong kilay kung hindi kayo nanalig na si Julia ang siyang dahilan kung bakit noong unang panahon, ang relasyon nina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion ay nawasak.

Si Barretto rin ang natatanging teen-actress na noong lumnabas ang alleged photo o bidyo scandal nga ba ni Marco Gumabao, may tweet siya rito, if my memory serves me right, na parang binibiro niya ang binatang makisig sa kakakaibang pinagkaka-bisihan nito.

Julia, nagbabadya
Siempre pa, alam na rin naman natin kung paano niya nilaspatangan ang closeness nila ni Joshua Garcia at kung paanong, ang halos buong Pilipinas, buong-buo pananalig na may kakayahan siyang agawin si Gerald Anderson kay Bea Alonzo.

Kaya, may pagdadabog pa ba ang inyong bangs at hindi kayo kumbinsido na si Julia ay nympha of the highest order?  

Liza, Maja or Julia, pasok ba sa pihikan niyong panlasa bilang tres mujeres bonitas?



LIZQUEN serye, nakakaumay na!

Liza Soberano and Enrique Gil, may sawa factor na!




Tila nauumay na ang ilang Kapamilya fans sa istorya ng Make It With You na pinagbibidahan ng reel-to-real couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Sa Twitter ay tadtad ng negative comments mula sa mga fans ang nasabing Kapamilya teleserye. “MIWY is all over the place and does not flow well! I have no idea where you guys are going with this, and I don't mean that in a good way. Love liza and enrique, but it's getting harder to stay invested in this story”, tweet ni @sizzlasaladbar na halatang hindi gusto ang nangyayari sa sinusubaybayan n’yang programa. Panghihinayang naman ang laman ng tweet ng isang kilalang parody account. “Sayang ang potential ng LizQuen kung ganto lang ang plot ng mga series niya. TBH, hindi siya pasabog like Forevermore,” ang say ni @majasuperstar. Sinisi ng ilan ang writer ng LizQuen series na si Mark Angos. Ayon sa mga fans, hindi na raw kasalanan ng mga idols nila kung “pangit” at “mababaw” ang istoryang ibinigay ng Kapamilya network sa kanila. “Shoot to air sila, shoot sa umaga e.air sa gabi...ung director iba.iba...5 sila at the worst of all is yung writer,..daig pa ang nakatira ng katol...sabog!” paninisi ni @BlairBa70809442.



Noong 2018, si Angos din ang nagsilbing writer ng Bagani, another LizQuen series, kung saan kapansin-pansin ang tahasang pambababoy nito sa istorya. Tadtad din ng pambabatikos ang inabot ng Bagani dahil sa mga elementong isinisingit ni Angos, at iba pang mga eksenang halatang isiningit na lamang para pahabain pa ang istorya. Ngayon ay napag-trip-an n’ya naman ang Make It With You. Walang masyadong character development sina Billie at Gabo. Sana naman ay alisin na ng ABS-CBN si Angos sa buhay ng LizQuen kung paulit-ulit n’yang bababuyin ang mga proyekto ng dalawa. Hindi lang ratings ang maaapektuhan sa ginagawa n’ya, kun’di pati na rin ang mga fans na nagtitiwala sa mga idolo nila. Well, mabuti na lamang at malakas ang charm ang LizQuen kahit nakakaumay ang plot ng teleserye nila. Wagi pa rin ang Make It With You sa ratings game laban sa Filipino adaptation ng Descendants of the Sun, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, mapa-Kantar Media man o AGB Nielsen. Pakak!

*****

Ikinasal na nitong March 7 ang dating Goin’ Bulilit star na si Carl John Barrameda sa kanyang fiancĂ©e na si Nikolai Cimatu.

Si Carl ay kasama sa first batch ng nasabing kiddie gag show na umere sa ABS-CBN mula noong 2005 hanggang 2019.

Mabuhay ang bagong kasal!
Sa loob ng 14 taon na pamamayagpag nito sa ere, si Carl pa lamang ang kauna-unahang Bulilit alumnus na ikinasal.

Present sa kasalan ang mga co-stars niya noon at mga kaibigang sina Miles Ocampo, John Manalo, Igiboy Flores, CJ Navato, at Alfred Alain.
Noong February 19 ng nakaraang taon nang ma-engage ang dalawa sa Hong Kong.

Best wishes, Carl and Nikolai!