Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Sharon, may isyu na naman kay KC

Sharon Cuneta and KC Concepcion



 Megastar Sharon Cuneta once again poured out her sentiments days ago via her IG live as she spontaneously talked about issues concerning her and her family. Recently, Sharon was facing controversies as she came to her daughter Frankie Pangilinan’s defense after being cyberbullied by a certain Sonny Alcos. Dito na nagsimula ang pag-apela ni Sharon na pakinggan at sana ay unawain ang kanyang hinaing lalo pa’t anak at asawa na niya ang tinitira ng mga detractors nila sa pulitika. It’s a known fact that Senator Kiko Pangilinan belongs to the Liberal Party pero si Sharon ay mayroon ding koneksyon sa mga Duterte dahil itinuturing niyang kaibigan ang Pangulong Rodrigo Duterte at si Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio. 
 
Ano kaya ang dahilan at deadma lang si KC?

Her parents’ stand and connection in politics doesn’t stop Frankie from having her own political conviction, views and opinions. Sa edad na 19, maagang namulat si Frankie sa pulitika. She outspokenly writes her thoughts and speaks her mind on social media platforms na talaga namang malaki ang impluwensya lalo na sa mga kabataan ngayon.

Dito rin makikita na malaya si Frankie na ihayag ang saloobin. Ayon pa kay Sharon, her daughter has her own mind at hindi nila dinidiktahan ang kanilang mga anak sa kung ano ang gusto o ayaw nilang paniwalaan sa nangyayari sa paligid.

Being Frankie’s mom, Sharon knows very well kung kanino nagmana ang anak sa pagiging outspoken at pagkakaroon nito ng interes sa usaping pulitika. Siyempre, bukod sa Senador ang ama ni Frankie na si Sen. Kiko, malaking bahagi rin ng katauhan ni Sharon and kanyang amang si Mayor Pablo Cuneta .

Sabi pa ni Ate Shawie, baby pa man daw si Frankie nu’ng mawala ang Lolo Pablo niya, pero nasa genes na nila ang public service. ‘Yun malamang ang namana ni Frankie. Wala man siya sa pulitika pero naipapa-abot niya sa tao ang gusto niyang sabihin concerning our country’s social and political issues. 

May tampuhan na naman ang mag-ina
Hindi natapos ang mga bashers sa pag-lambast kay Frankie. They shamelessly compare her to KC Concepcion (Frankie’s elder sister) who is Sharon’s eldest daughter from her first husband Gabby Concepcion. Grabe pa ang mga salitang ginagamit ng mga ito laban kay Frankie, kawawa talaga si bagets.

Dito na umalagwa ang luha ni Mega at umapela kay KC. “I wish Ate (KC) would say something and come to the rescue of everybody…I wish Ate would come out and say, “Stop doing this to my Mom and my sister.”

“At the same time I don’t want her to get involved because I know they’ll pick on her.” agad pang bawi ng Megastar.

Silence from KC’s end may be misinterpreted by others but it’s the only way to be at peace in this mad world.




KC-Inigo: Goodbye showbiz kapag hindi pa umawra

KC Concepcion and Inigo Pascual




 If they do not get their acts together, especially in the manner of delivering to the public vital information about the COVID 19 pisting veerus we are all so scared and wary of, then the key people in the gobiyerno nacional are becoming the clowns and jesters of the general populace.

We don’t need to cite the latest shenanigans they have recently committed with regard to the curve, waves or wave-let,  peaks and valleys, wrath and deaths caused by veerus. It is indeed lamentable to hear and watch the supposedly the best and the brightest having different “realities” about the continuous onslaught of the pandemic.

Kaya kesa madagdagan ang ating wrinkles sa ating mga noo at ihabla natin ang manufacturers ng collagen supplements dahil nga imbes na maging banat at fresh tayong lahat eh nagiging singganda tayo ng mga QUE, si DuQUE at si RoQUE, mas gustong maging concerned sa sorry states ng karera nina KC Concepcion at Inigo Pascual na talaga namang kataka-taka at kakahibang.

KC Concepion
Si Kristina Cassandra, kahit pa masaya siya na meron siyang sariling platform sa Youtube, into jewelry design and making, endorser of a high end make up brand and yes, she doesn’t have to work her butts off like other artista kasi mayaman naman siya talaga, as a follower and a fan, I get this nagging feeling na she can achieve and do more.

Sa akin lang, oo, super hands on siya sa kanyang charitable causes and that is laudable pero hindi niya ba na-mi-miss na umarte in front of the cameras or even on stage lalo na if the situation permits and presents it na?

Ano ba talaga ang pwedeng gawing comeback project ni Kristina para every one stops, looks and listen to her once again at makita ba there is more to her than being a berdaderang showbiz royalty, na tunay siyang aktres who loves and respects the craft and treats it as a vocation kaya out of the box, challenging and be o sa theatre?

memorable chracters ang binubuhay niya sa silver screen, boob tube
Ang isa pang sayang na sayang ako sa state of his karera ay ang only begotten son ni Papa Piolo Pascual, si Inigo.

He even has a couple of hit songs to his credit and boy, this young man can really dance. Pag pinanood niyo ang TikTok videos niya, best in pagkanyod at pag giling, sensual na sensual ang grooves at mooves at may appeal siyang kanyang-kanyang lang.

Inigo Pascual,pwede sa BL drama
Parang keri niya na mas maging braver and naughtier sa role choices at hind imaging kasing predictable ng tatay niya na kung hindi dramatic eh romantic lead.
           
What must he do nga ba para he truly makes a mark and carve a niche sa showbizlandia at makakawala sa anino of his actor-dad? Sayang naman kung pabidasulpot-sulpot na hits lang ang mangyayari. He needs to do something daring pero kakikiligan pa rin.
           
What do you think, ang nubile Pascual ba, dahil sobrnag in naman nowadays ang BL dramas, bagay pa sa kanyang magbida sa ganitong genre? And if he will 


dare to star in one, sa tingin niyo, sino ang bagay niyang maging kapareha? 

Kung ako ang pipili, parang bagay na bagay si Patrick Quiroz na maka-BL  partner ni Pascual dahil pareho nilang fresh and hot, at magkaiba ang pagka-guapo.

Hope springs eternal para sa mga karera nina KC Concepcion at Inigo Pascual kaya umasa tayo when the pisting veerus is kicked out, siguradong may pasabog at payanig ang dalawang ito.



Walang Balikan: Napatawad na ni KC si Piolo





Naniniwala si KC Concepcion na may second chances ang pag-ibig.

Sa kanyang Instagram account may nagtanong na netizen, “Do you have a boyfriend?”
Sagot ni KC, “single.”

“Do you believe in second chances?” muling tanong ng netizen."I do," KC answered.

Ang last na nakarelasyon ng mega daughter ay ang French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart but she confirmed that they broke up last September 2019.

Years before this, the star was known for her relationship with Kapamilya actor Piolo Pascual.


No more balikan with Piolo

Tumagal din ang relasyon nila ni Papa P, pero nagkahiwalay din sila year 2011.

Sa isang interbyu last year kay Papa P. natanong ang actor kung magkakabalikan ba sila ni KC dahil single na muli ang mega daughter.

Sagot ni Papa P., "May posibilidad," dahil maging siya raw ay single pa rin.

Nakarating kay KC ang sinabi ni Papa P. and she said napatawad na raw niya ang ang 'ex"  and she cares for him as a friend. ‘Yun na.

Sa ngayon ay nali-link si KC sa Fil-Am rapper singer at isa sa judge ng The Voice Teens na si Apl.de.Ap.


  

Nadine Lustre: Kinakaya ang lungkot na wala si James

Nadine Lustre



 After the much talked about break up and other personal and professional issues she has faced as 2020 started, Nadine Lustre is up and about to conquer her world, alone. Yes, living alone and independent ang peg ngayon ng aktres at ayon pa sa chika ini-enjoy ni Nadine ang bawat segundo ng pagigingg independent woman niya. She lives in a condo now at siya raw mismo ang nag-aasikaso at naglilinis lalo pa’t naka-lockdown pa rin ngayon sa buong Luzon.

Mabuti na lang meron nang social media at internet, she is able to get in touch with her family and friends ‘pag bored o nalulungkot siya.

Solo living minus James 

Do you know what else keeps Nadine busy during this ECQ period? Aside from doing her own grocery shopping, learning to cook her own food and inventing new recipes, busy si Nadine sa pagsusulat ng poems at mga kanta. Actually, she already has the talent for writing but really wants to enhance it further. Masaya raw siya at nabibigyan niya ng oras ang pagsusulat at paggawa ng mga kanta as writing is her best way to express herself and her thoughts.

Since her break-up with Jame Reid, nagsimula nang maging tahimik ang mundo ni Nadine. Hindi na siya masyadong naiintriga at tahimik na ang buhay ni Nadine. More projects at wa na muna lovelife sana sa aktres para maka-focus sa career at sa pagiging independent woman, di ba? Taraaay!

*****

Willie Revillame, may diskarte sa kanyang GMA Show
Balik live na ang Wowowin ni Willie Revillame pero hindi sa GMA studio ha. Kinonvert ni Willie ang isang floor sa kanyang Wil Tower para gawin temporary studio at doon ginagawa ang segment na Tutok to Win. Ito rin daw ang paraan ni Willie para na rin makatulong lalo na sa mga naghihirap nating mga kababayan dahil sa lockdown. Ayon kay Willie, nakiusap daw ang mga bossing ng Kapuso network sa kanya na kung puwede ay umere sila, dumaan sila sa tamang proseso para makaluwas ng Manila from his rest house in Puerto Galera kung saan sila inabot ng lockdown kasama ng mga staff niya. Hindi naman napigilan ni Kuya Will na maiyak habang nagbigay sila ng tribute sa frontliners. Alay niya sa kanila at sa mga kababayang apektado ng lockdown ang show niya. Mabuhay ka, Willieboy!



*****
Deal with bashing the KC Concepcion way, na tipong cool lang kahit tinawag na siyang “gaga” ng isang netizen at sinabihan ding walang hips at curves ng isa. Nireplayan sila ni KC pero in fairness, na disappoint yata ‘yung iba dahil ini-expect nilang makikipag-sagutan si Mega daughter sa kanila. Nope, very polite si KC sa pagsagot sa bashers ha? Ang say niya “I’m sorry if my hips disappointed you…”

KC: Cool lang sa mga bashers niya

Pero marami naman ang natutuwa sa pa-Tiktok ni KC, na ito rin yata ang past time niya bukod sa pagluluto at pag-aalaga sa mga aso while on lockdown and living alone. ‘Yun na!

May Romansa: Alden Richards, may ka-"something"?

Alden Richards



         
Sa live gaming stream ni Bianca Yao a.k.a. Slice of Bian Cake sa Twitter ay binigyan siya ng 43 stars ni Alden Richards na senyales na sinusuportahan niya ang fellow gamer na katulad niya,
          
Nadistract sa paglalaro ang gamer sa pagpasok ng name ng Kapuso actor. But she’s happy at pinasalamatan niya si Alden
.
Alden, may ka-"something"?
          
Post ni Ni Bianca: “Wala na, nawala na ako sa laro. Hi Alden, thank you for the stars.” Biniro pa niya ang actor, “Sige na nga ‘di na kita bubugbugin, aalagaan na lang kita.”
           
Ang pagbibigay ni Alden ng 143 stars ay umani ng panunukso sa gaming world.
           
Klinaro naman ni Bianca na hindimsilanromantically involved kaya siya binigyan ng 143 stars ng actor. Wag daw bigyan ng malisya ang pagsuporta ng binata sa kanya.

Sa panunukso ng mga kasamahan ni Bianca linking her sa aktor, she denied and made it clear na: "Gusto ko lang sabihin na mabait lang talaga ‘yung tao.”

*****

Nagluto si KC Concepcion ng Italian food named Paprika at pinost sa kanyang social media account.      
Hindi nagustuhan ng basher ang kanyang gawa. Reaction nito:  “Dislike! Sana bibili aka ng mga ingredients kung sa palengke lang ang punta nila. Be practical hindi ka nakatutulong sa mga kabayan na sa palengke lang ang takbo… paprika? Gaga!”
      

Cooking with KC

Reaction ng dalaga:  “Hindi ko na ba ishare yong mga niluluto ko gamit ang laman ng pantry ko ate kung bad mood? Pati gluten free pancales, honey, cinnamon powder, chocolate spread hindi na ba pwede ishare sa followers ko? Gaga na agad ako  na nag-share lang ng totoong niluluto ko sa bahay – hindi naman sinabing exact ingredients ang gamitin. Hindi ko pa nga napost ang quthoa at ube pandesal galit ka na agad.”           


Sabagay, hindi naman sa kanya ipapakain ni KC ang niluto niya. OA ang netizen.       
Sa panahon ngayon hindi na kailangan pang mag-iinarte sa pagkain lalo na’t kung ang laman ng ref ay yun ang ingredients. Dahil sa lockdown, bawal pa lumabas hanggang ngayon kaya tiis-tiis muna hanggang sa April 30 dahil extended ang enhance community quarantine.          

*****

Sa comment section ng socmed account ni Kris Aquino ay may nagtanong, ‘if given a chance ano raw ang gusto niyang ibalik o balikan sa part ng buhay niya.’
           
Sagot ni Kris, “end of January 2007, I should have left my dignity intact… and April 2014, the end should have been THE END.”
            
Analisa ng netizens, si James Yap daw ay 2007 at ang year 2014 daw ay nu’ng pumasok si Herbert Bautista sa buhay ng Queen of All Media kaya talagang mahirap na raw ibalik ang nakaraan.

Kris Aquino, nagtago sa Puerto Galera
Siguro alam ni Kris na hindi siya maswerte pagdating sa love.Ilan na rin kasing guy ang nakarelasyon at minahal ni Kris nang todo, siguro natauhan na rin naman siya, at least may dalawa na siyang anak (Josh at Bimb) na nakapagpapaligaya sa kanya.
           
Payo naman ng isang follower niya, “Ate Kris learn to appreciate what you have. Minsan kailangan mo na din mag-give up and kung may dumating edi go. Huwag ka na maghanap kasi kapag pinipilit mong hanapin may mahahanap ka nga pero baka hindi siya para sayo at masasaktan ka lang. Ang sarap ng buhay mo at wala pang sakit sa ulo kung saan sumusuot ang bf or asawa.” -(Tumpak!-Ed)



Gabby Concepcion: Hot Papa

Gabby Concepcion is a hot daddy






Nag-viral sa social media ang unshaven look ng aktor na si Gabby Concepcion.

Tinawag ito ng aktor na “no shave, quarantine look”. 

Sa kanyang rest house sa Lobo, Batangas kasalukuyang naka-quarantine si Gabby at dahil pahinga sa trabaho ng ilang linggo na, pinabayaan niyang tumubo ang kanyang facial hairs na para sa maraming netizens ay nakadagdag sa pagiging “hot daddy” niya.

"Another 30 days baka sa puno na ako mag-vlog dahil buong katawan ko puro buhok na!” sey pa ni Gabby.

Gabby with daughter KC Concepcion
Biniro si Gabby ng kanyang mga anak na sina KC Concepcion at Garie Concepcion na kamukha na niya si Tom Hanks sa pelikulang Cast Away.

Panay nga raw ang paghuli ni Gabby ng sariwang isda at iba pang lamang dagat habang may lockdown pa.

\
\

Inaabangan na si Gabby sa first TV team-up nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa GMA series na First Yaya. 

Makakasama rin nila dito sina Sandy Andolong, Pancho Magno, Cassy Legaspi, Kelvin Miranda, at Bae-by Baste.

*****

Umiral ang pagiging creative ni Heart Evangelista-Escudero para mapagaan niya ang emosyon ng maraming tao.

Heart in her trash bag fashionista look

Nag-trend sa social media ang TikTok video ni Heart kunsaan ginawa niya sosyal na dress ang isang simpleng trash bag.

"Trash bag, styled by yours truly, and I hope this makes you smile,” sey ni Heart.

Patuloy pa rin si Heart sa pagtulong financially sa mga apektado ng global pandemic na COVID-19 sa bansa. 

Kelan lang ay nagpadala si Heart ng maraming bed foams para sa mga frontliners sa Sorsogon.

*****

Nag-celebrate ng kanyang 18th birthday ang The Clash Season 1 champion na si Golden Cañedo.

Walang engrandeng debut si Golden dahil sa ECQ (enhanced community quarantine), nagpasalamat ang Kapuso singer sa mga bumati at nagpadala ng regalo sa kanya.

“Thanking God for another year of my life. I pray for God's protection, guidance in my actions, steps and thoughts. Above all, praying for a healthy and lucky life ahead. To those who greet me, thank you so much po.”

Golden Cañedo

Birthday wish ni Golden ay ang maligtasan ng marami at matapos na ang pagkalat ng COVID-19.

“Wala man akong party ngayon kasi quarantine tayo. Wish ko lang mawala na ang COVID-19 dito sa mundo at maging okay na ang lahat. God bless us all.” 

Napapanood si Golden kasama ang ibang Kapuso stars sa online shows ng 'All-Out Sundays' tuwing weekend sa GMA. 

*****

Patuloy ang GMA Artist Center (GMAAC) stars sa paghahatid ng Serbisyong Totoo sa ating mga kababayan. 

Pinangunahan ng GMAAC talents ang Project RICE Up na tinutulungan ang mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine. 

Panalangin ng mga Kapuso artists na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom pati na rin  ang hirap na nararanasan ngayon sa bansa. 

As of April 8, mayroon ng pondo para sa 225 na sako ng bigas ang GMAAC na siyang ipapamahagi ng GMA Kapuso Foundation upang mai-distribute sa iba’t ibang komunidad na nangangailangan. 

Kung nais mag-donate, maaari lamang bisitahin ang link na ito: https://ticket2me.net/e/6520/tickets.


KC Concepcion: Pinagmamalaki ang katawan at boobs

KC Concepcion



 KC Concepcion now more comfortable with her body that she doesn’t care whatever she pose on her instagram account. Yes, ang simpleng dalagita noon ni Mega Star, Sharon Cuneta ay nagiging daring na sa kanyang mga fashion statement. Kung naalala nyo last year ay nagsimula na syang magpost ng mga daring photos sa kanyang IG account. Isa sa kanyang mga ipinost ay yong halos kalahati ng kanyang dibdib ay kita na. Sabi nga she’s exposing more skin now.

Just a few weeks ago ay nagtrending na naman ang lola dahil sa kanyang ipinost na appreciation sa mga frontliners. The intention was good unfortunately yong suot nya ang hindi naging appropriate sa kanyang ipinost at dahil dito ay umani na naman sya ng mga bash sa mga netizens. Alam nyo naman, marami pa ring Maria Clara dito sa Pinas.


Sexy KC na may ipagmamalaki

Tama naman siya sa kanyang sinabi na katawan nya yon at wala tayong paki kung ano man ang kanyang gawin. Walang basagan ng trip. E sa trip nya yon gawin eh.

So ano nga ba etong pinagkaguluhan na post sa IG? Well ang sabi sa post ay cyber applause para sa mga frontliners. Parang tulad ng panawagan ng isang TV Station na palakpakan natin ang mga frontliners tuwing hapon tanda ng ating pagsuporta sa kanila. Siguro ito yong bintana ni KC na sure syang mas marami ang makakakita ng kanyang palakpak. Teka alin ba talaga ang pumapalakpak yong kamay o yong boobies nya? Anyway panoorin nyo na lang sa kanyang IG account.

Maine Medoza, happy sa piling ni Arjo Atayde noong birthday niya

Belaaat.. ang mahalaga happy sina Arjo at Maine




Masayang nag-celebrate ng kanyang 25th birthday si Maine Mendoza sa El Nido, Palawan noong March 3.

Kinilig naman ang kanyang mga fans nang mag-post si Maine ng picture sa Instagram ng isang lalaking nakatalikod at nakaupo sa buhangin habang nakatingin ang guy sa sunset.

Hindi man pangalanan ni Maine ang guy na kasama niya sa Palawan pero sa looks pa lamang nito ay malalaman mong si Arjo Atayde ang kanyang kasamang nagbakasyon sa beach.

"Grateful for many things," ang tanging caption ni Yaya Dub sa picture na umani na ng higigit 183,000 likes sa IG.



Maine with her future sister-in-law Ria and Gela
Mukhang smooth sailing ang relasyon nila Maine at Arjo at walang humahadlang sa kanila harangin man ng sibat.

Kahit ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez, mother ni Arjo, ay aliw na aliw kay Maine.

Remember nitong February lang nang nakipag-bonding si Maine sa family ni Arjo at tinuruan niya silang lahat sa bahay na sumayaw ng "Tala." Pinost pa ni  Sylvia ang video sa social media.

Inamin naman noon ni Sylvia na alam niya ang lakad ng kanyang mga anak lalo na pag-pupunta ang mga ito sa abroad.

"Siyempre ako ang nanay kaya alam ko na magkasama sila," sagot ni Sylvia sa mga nakapaligid na media sa kanya noon.

Sinabi rin ni Sylvia noon na kung saan masaya ang kanyang mga anak, su-suporta na lamang siya sa kanila. "Basta masaya sila, masaya na rin ako."

Ang suwerte naman ni Maine! Kung magkakatuluyan man sila ni Arjo, wala pala siyang magiging problema sa mga in-laws niya.


*****

KC flaunts her sexy body in a sexy bikini
Enjoy rin si KC Concepcion sa kanyang beach vacation sa Boracay kung ang kanyang mga Instagram photos ang pagbabatayan. Nakapag-isip daw siya ng seryoso at malalim sa kanyang beach vacation.

Ano at sino kaya ang iniisip niya ng malalim noong nasa bakasyon siya? Ang kanyang mother kaya na si megastar Sharon Cuneta?

Alam natin na hindi close ang mag-ina ngayong mga panahon na ito. Nagtampo si Sharon nang hindi sumipot si KC sa surprise birthday celebration para sa kanyang mama na ginanap sa ASAP noong January.

Kasunod nito ay nalaman na lamang ni Ate Shawie sa mga tsismis na may relasyon daw diumano sila KC at Apl De Ap, member ng sikat na grupong Black Eyed Peas.

Wish ni Sharon na maging close uli sila ng panganay niyang anak kay Gabby Concepcion.

Sa kanyang Bora vacation, walang kiyemeng ipinakita ni KC ang kanyang voluptuous body sa Instagram kamakailan lamang.


Enjoying Boracay. Enjoying her freedom
Tanggap na niya ano man ang magiging komento sa kanya ng mga netizen sa kanyang pangangatawan.

Sabi nga niya, nagbabago raw talaga ang katawan natin gustuhin man natin o hindi.

Ang mahalaga, ayon kay KC, ay mahal mo ang katawan mo at sarili mo. Sinabi niya na gumagawa siya ng paraan o hakbang para makamit ang kanyang body goals.

Sinuportahan naman si KC ng mga netizens sa kanyang post na ito at sinabing sexy pa rin ang tingin nila sa kaniya ngayon.