Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Nora: Inayudahan si Boy Alano

Nora Aunor and Boy Alaga



July 16, Huwebes nang ipahanap ni Nora Aunor sa kaniyang staff ang dating aktor  ng Sampaguita Pictures na si Hernando Alano o mas kilala sa showbiz bilang Boy Alano. 

Nabalitaan kasi ng aktres ang hindi magandang kalagayan ni Boy at ito ay nag-alala. Kaya naman tuwang-tuwa siya nang makita siya ng kanyang staff. 

As usual, umandar na naman ang pagiging matulungin ni Nora kaya dali-dali niya itong pinadalhan ng tulong. 
Tumolong pa rin si Guy sa dating kasamahan
Sa Sampaloc Manila naninirahan ngayon ang dating aktor sa pangangalaga ni Kagawad Jojo Sacobo. Pansamantalang naninirahan ito sa kanyang tahanan dahil pinalayas daw siya sa kanilang bahay. 

Pera, damit, grocery items at bigas  ang ibinigay ng aktres. Bukod sa pagtulong niya sa dating kasamahan sa trabaho, nakinabang din ang ilang residente sa lugar ng relief goods na galing sa kanya.

Labis ang kaligayahan ni Boy at nagpapasalamat siya at naalala raw siya ng Superstar. Sa kuwento sa amin ng staff ng aktres ay naging emosyonal daw siya nang tanggapin ang ayuda mula sa kaibigan. 

Nakarating ito kay Nora at nangako na hindi ito ang huling pagbibigay niya ng tulong sa dating Sampaguita star. 
Si Boy ay dating kasamahan ni Guy sa Sampaguita Pictures
"Mabait si Boy at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Noong nabalitaan ko ang nangyari sa kanya noon pa man pinahanap ko na siya. Wala lang makapagsabi kung saan siya nakatira," simula ng aktres nang makausap namin. 

"Maraming salamat sa Diyos at nahanap siya. Maraming salamat sa malaking tulong at hindi siya pinabayaan ni Kagawad JoJo Sacobo. Sana makatulong pa ako sa susunod."

May panawagan naman siya sa mga gustong tumulong pa kay Boy. 

"Ngayong may gustong tumulong kay Boy nakikiusap ako na huwag naman sana siyang pagsamantalahan ng ibang tao na malapit sa kanya. 
kinukupkop si Boy ng kagawad sa kanilang barangay
’’Nakikiusap ako na kung ano mang tulong ang maipaabot sa kanya ay sa kaniya na 'yun. Hayaan na nila kay Boy 'yon dahil hindi yon para sa kanila. Sana maintindihan nila."


Maraming pelikulang pinagsamahan sina Ate Guy at Boy Alano sa Sampaguita Pictures, Tower Productions at JBC Films  noong Dekada '70. Unang movie na pinagsamahan nila ay ang "Ang Pangarap Ko'y Ikaw" na ang mga bida sa pelikula ay sina Susan Roces at Eddie 
Gutierrez. 

Bukod pala kay Kagawad Jojo Sacobo, nagpapasalamat din ang aktres sa effort ng kanyang staff na si Jojo Afable at mga tagahanga at mga kaibigang sina Susan Bondoc at ang presidente ng NOW na si Edgar Castro. Of course, kay John Rendez din na kabahagi sa pagtulong ni Nora kay Boy Alano.

na nila kay Boy 'yon dahil hindi yon para sa kanila. Sana maintindihan nila."


Nora: Mayroong regalo sa kanyang birthday

Nora Aunor



 Sa darating na May 21 ay kaarawan ng Superstar na si Nora Aunor. Wala siyang selebrasyon pero may inihanda siyang regalo sa publiko at sa kanyang mga tagasuporta.

Ito ay isang monovlog na pinamagatang  "Lola Doc" na mapapanood sa Tanghalang Pilipino Youtube channel na ginawa para sa multi-awarded actress para sa kanyang special day.  Kuwento ito  ng isang  babae na nawalan ng asawa sa gitna ng isang krisis  at kung paano haharapin ang sakit at pagsubok na dumating sa kanyang buhay.




Napakahalaga ng proyektong ito kay Nora  dahil ginawa rin ito para sa kawanggawa. Gusto kasi ng aktres at ng bumubuo ng produksiyon na makatulong sa mga frontliners na naapektuhan dulot ng Covid-19.

"Sana po maraming sumuporta sa "Lola Doc". Ito po ay alay namin sa lahat ng frontliners at iba pang mga kababayan natin na patuloy na nagsasakripisyo at nagbubuwis ng kanilang buhay para matulungan po ang mga mahal nating kababayan lalo na po ang lahat na mga mahihirap  na  naapektuhan  at patuloy na naaapektuhan pa rin po ng lockdown dahil sa Covid-19," sabi ng aktres.
Nora, excited sa gagawin para sa mga frontliners


Hinihiling niya na magsilbi na sanang regalo sa kanyang kaarawan ang pagsuporta rito. Bilang ramdam ang epekto ng epidemyang dumating sa atin ay palagi siyang nanalangin sa Diyos na matapos na ang krisis na ito at bumalik na sa normal ang lahat.

"Sama-sama  po tayong humingi ng awa at panalangin sa ating PANGINOON na nawa'y  matapos na po ang mga pagsubok na ito sa sanlibutan lalo na po sa ating bansa nang sa ganoon po ay bumalik na sa normal ang buhay po nating lahat.

"Panalangin po ang pinakamabisang sandata para malabanan po natin ang giyerang ito sanhi ng covid 19."

Labis din ang pakikiramay niya sa mga pamilyang naulila at nabiktima ng Covid-19.

"Nakikiramay rin po ako sa lahat ng pamilya na naiwanan po ng kanilang mga mahal sa buhay sa panahong ito ng krisis. Ako ay lubos na nalulungkot," pahayag pa ng aktres.



Sanya Lopez: Dahil NBSB, certified virgin pa rin

Sanya Lopez



 Dream come true kay Sanya Lopez ang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor. Nang mainterbyu namin sa pictorial ng pelikulang "Isa Pang Bahaghari" kamakailan ay kinuwento niya ang naging working relationship niya sa magaling na aktres.

"Sobrang  saya. Sobrang  professional. 'Pag acting, prepared talaga siya. Kaba at na-intimadate ako," tsika niya.

Working with Nora is a dream come true for Sanya
"Hindi ko man mapantayan , mapalapit  man lang sa akting ni Ate Guy. Bilib ako sa kanya. Walang kaarte-arte. Sana balang araw maging katulad din niya ako,"
sey  pa niya.

Bukod kay Nora, hinangaan din niya ang beteranong aktor na si Philip Salvador sa maganda nitong pakikisama.  Napaka-sweet daw ni Kuya Ipe sa lahat. Pakiramdam ni Sanya ay anak siya ng aktor sa totoong buhay.

Nanghihinayang naman siya sa hindi pagkakatuloy ng Summer Metro Manila Film Festival dahil sa Covid 19.

"Sa umpisa medyo nalungkot po kasi at last maipapalabas na sana ang Bahaghari pero since para sa kabutihan po natin ang pagkakaroon ng ECQ kaya naiintindihan ko naman po.
No boyfriend since birth, kumpirmado that she's a virgin
"May pinagdadaanan kasi na krisis ang bansa natin. Pag maayos na ang lahat ay tiyak na matutuloy na ang pagpapalabas po ng pelikula namin."

Sa kanya namang personal na buhay, sinabi ng young actress na zero pa rin ang lovelife niya.

"Siguro dahil baka hindi pa po talaga dumadating yung taong ma-iin love po ako. Gusto ko po kasi i-take  advantage ang mga panahong ito na nabibigyan ako ng magandang opportunity dito po sa showbiz.

"Alam ko po na darating din po yon in God’s time. Ibibigay din ni God ang mamahalin ko at mamahalin din ako ng lubos."

After Bona: Philip at Nora magsasama

Philip Salvador



Kahit second choice lang sa pelikulang "Isa Pang Bahaghari" ang veteran actor na si Philip Salvador ay sobrang happy siya sa kinalabasan nito. Una, muli silang nakagawa ng pelikula kasama si Nora Aunor. Nang inalok nga sa kanya ang movie ay na-excite siya agad. 

"Tatlo pa lang yung sinabi sa casting , na-excite ako," tugon ng aktor nang makausap namin sa pictorial ng pelikula bago mag-lockdown. 

Kuya Ipe with Nora Aunor
Aminado si Kuya Ipe na kinabahan siya bago pa ang shooting ng pelikula.

"Pagdating ko nung first shooting day, sabi ko direk alalayan mo lang ako kasi matagal akong di nasalang," saad niya. 


The actor with Michael de Mesa and Ate Guy
"Nanibago talaga ako. Sabi ko alalayan niya ako, sabi niya magtigil ka dyan. Huling movie ko Adolf Alix movie. Masaya naman. Ginrant ko na rin yung oppurtunity kasi gusto ko na rin umarte," dagdag niya. 

Sinabi pa ng magaling ding aktor na hanga siya sa pagiging professional ng mga kabataang artista ngayon. Puring-puri niya sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco at Sanya Lopez na mga gumanap na anak niya sa pelikulang ""Isa Pang Bahaghari" na dinirek ni Joel Lamangan under Heaven's Best Entertainment. 


Regine: Ipinagtangol ni Mega

Regine Velasquez
Hindi napigilan ng mga tagasuporta ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang patulan ang pamba-bash sa kanilang idolo. 

Isa sa sa mga sinagot nila ay ang wala raw napapabalita na tumutulong ang aktres sa panahong ito na  may krisis dulot ng COVID-19. 

Sabi ng mga fans niya, hindi raw mahilig magyabang si Regine kahit tumutulong ito. Tahimik lang daw siya kung magkawanggawa. Hindi raw siya katulad ng iba na palaging bino-broadcast ang pagtulong.

Sharon and Regine, tahimik na tumutulong

Pinatunayan naman ito ng Megastar na si Sharon Cuneta nang magpost siya sa kanyang social media account. Iniisa-isa ng aktres ang mga artista at kaibigan niya na matatawag na mga superhero sa mga panahong ito. Kasama sa listahan niya sina Angel Locsin, Marian Rivera, Sarah Geronimo at Regine Velasquez-Alcasid. 

Angel Locsin,: Darna minus ang bato ni Ding

Sa post na ito ng Megastar ay malaking sampal ito sa mga nanlalait kay Regine. Marahil ay matatahimik na sila. Kay Regine naman, deadma lang siya sa mga ganitong isyu. Sa katunayan, may source kami na nagsasabing patuloy ang pagtulong niya sa mga frontliner. Bukod dito, palagi siyang kumakanta sa mga benefit shows online. 





Snooky: Natakot kaya nagtago

Snooky Serna





Habang nasa bahay dahil sa Enhanced Community Quarantine ay abala si Snooky Serna sa pagbabasa ng libro at panonood ng videos. 

Kuwento nga niya sa amin, tanging words of God at positive thoughts ang gusto niyang basahin. Sa visual naman ay ayaw niya nakakapanood ng mga hindi magagandang balita lalo na sa krisis na pinagdadaanan natin.

Mas gusto ng magaling na aktres ang good vibes. Naniniwala kasi siya na kailangan ito sa mga panahong ito na dumadaan tayo sa krisis. Hindi nakakapagtaka na kaya ang laman ng kanyang mga social media account ay mga inspirational quotes na puwede nga namang maka-inspire sa mga tao. 

The Birthday Girl

Nalulungkot naman siya sa mga health worker na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.  

Ipinagmamalaki naman niya ang ating mga frontliner na sabi nga ay napakasuwerte natin dahil sa kanila. Buwis-buhay raw ang kanilang ginagawa kaya dapat lang daw silang protektahan.

Noong April 4 ay nagdiwang siya ng kanyang kaarawan. Walang selebrasyon na naganap dahil na rin sa lockdown. Pero kahit pa walang krisis ay hindi naman ugali ni Snooky ang mag-celebrate. 'Yung magkaroon lang ng konting salu-salo na kasama ang kanyang pamilya ay sapat na. 

Good health at kaligtasan ng lahat ang ilan sa mga birthday wish niya. Of course, kasama rin dito ang magtuluy-tuloy ang kanyang trabaho. 


Nora, may ibang talent pa

Nora Aunor



Bukod sa page-enjoy sa panonood ng tv at favorite movies niya, abala rin lagi sa pag-aayos ng bahay ang Superstar na si Nora Aunor.

Mahilig kasi maglinis at mag-decorate ng bahay ang aktres. Isang bagay na hinangaan namin sa kanya bukod sa pagiging mahusay niyang artista.

Mayroong talent si Nora sa interior design
Hindi graduate ng interior design ang Supertar, pero magaling siya mag-ayos at alam niya kung saan dapat ilagay ang mga gamit na maganda at pleasant tingnan sa mata..

Sa pakikipag-usap namin sa kanya, inamin niyang nami-miss na niyang mag-taping. Natutuwa nga siya dahil consistent sa taas ng rating ng kanilang teleseryeng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA 7.

Nalungkot naman siya sa hindi pagkakatuloy ng unang Summer Metro Manila Film Festival. Dagdag niya, baka raw may magandang nakalaan para rito.

"Sa sarili kong opinyon tama lang na hindi natuloy ang film festival nitong darating na April dahil sa pangyayari ngayon," sey niya.

"Ang saya sana dahil ready na akong sumakay ng float pero hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Nalungkot man ako pero wala naman ibang choice," dagdag niya.


Dahil sa COVID-19, postponed ang showing ng pelikula ng aktres