Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Zoren: Bida na, Direktor pa

Zoren Legaspi



 Bumalik muli si Zoren Legaspi sa pagdidirek sa TV at nataon pa na ang kanyang pamilya ang ididirek niya sa mga panibagong episodes ng cooking talk show na Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition. 

Dahil sa COVID-19 pandemic, sa Legaspi house kinunan ang mga episodes nila Carmina Villarroel, at ng kambal na sina Mavy and Casy Legaspi na dinirek ni Zoren.
Zoren and his family
Inamin ni Zoren na malaking challenge ang idirek ang kanyang misis na si Carmina at madali lang idirek ang kanyang kambal.

“Mas mahirap ito kaysa i-direct si Robert de Niro. Mahirap i-direct si Honey. Sina Mavy at Cassy kasi, syempre they know me as tatay, so it’s very normal na ang approach nila sa ’kin ay kaibigan," sey ni Zoren na nadirek na si Carmina sa pelikulang Shake, Rattle & Roll 12 noong 2010 sa episode na "Mamanyiika".

Sa GMA-7 nabigyan ng break si Zoren na maging TV director.
Dinirek niya ang action-fantasy series na Fantastikids noong 2006 kunsaan bida sina Isabella de Leon, BJ Forbes at ang yumaong si Marky Cielo.

Naging director din siya ni Mark Herras sa pinagbidahan nitong TV series na Fantastic Man noong 2007.


Naging second director naman siya sa pinagbidahan na teleserye ni Dingdong Dantes na Atlantika noong 2006 hanggang 2007.

Nagdirek din si Zoren ng isang episode for Magpakailanman noong 2019.
*****

Matagal nang nire-request ng fans at YouTube subscribers ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang magbigay ito ng house tour. 

Sa ini-upload ni Gabbi na house tour video, may higit na 2 million views na ito. 
 Bahay ni Gabbi, inspired sa Encantadia character niya
“Urban jungle” at “tropical glam” ang theme na napili ni Gabbi para sa bahay.

Dahil sa green accents ay mapagkamalang “Alena-inspired” o mula sa character niya sa ‘Encantadia’ ang overall design na personal touch ni Gabbi.

Napapanood si Gabbi sa rerun ng Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad.

*****

Ang supermodel-producer-TV host na si Tyra Banks ang bagong host ng Dancing With The Stars.

After 15 years, pinalitan na ng show ang kanilang host na si Tom Bergeron.

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Bergeron na hindi na raw siya inimbitahan ng DWTS para sa 29th season nito.
A new hosting job for Tyra
Banks, whose reality TV credits include hosting America’s Next Top Model and America’s Got Talent, will also serve as the show’s executive producer.

Sey ni Tyra: “Tom has set a powerful stage. And I’m excited to continue the legacy and put on my executive producer and hosting hats.”

Bergeron had been outspoken about the show’s decision to cast political guests, which included Sean Spicer, the former White House press secretary and communications director for President Trump.

In the statement announcing the new host, Karey Burke, the network’s president, praised Banks’s broad experience. 

“Tyra is an award-winning multihyphenate whose fierce female prowess and influence across many industries have made an indelible mark.”

In a statement on Wednesday, Banks said of the show: “I will do my best to honor its legacy while also injecting new ideas to reach new generations of audiences.”


Heart with a heart sa panahon ng COVID-19

Heart Evangelista





Sa latest Instagram post ng aktres, ipinakita niya sa kanyang followers ang mga ido-donate niyang masks sa mga healthcare workers. 

May special message pa na sinasama si Heart para sa mga  matatapang nating frontliners at iba pang nangangailangin.

Heart, sharing during the pandemic COVID-19
“Leaving a little note with all the boxes. Hoping this helps lift up their spirits. Sending out more masks to our frontliners and those out there who have none,” caption pa ni Heart.

Marami na ring natulungan si Heart na ating mga kababayan na pinadalhan niya ng mga gamot, pagkain, at iba pa. 

*****

“Don’t forget to stay active!” 

Ito ang paalala ng Kapuso It Girl na siGabbi Garcia sa netizens sa kanyang Instagram post. 

Importante raw sa lahat ang mag-exercise kahit nasa bahay lang para lumakas ang resistensya at maiwasan ang COVID-19. 


Gabbi Garcia
Sine-share naman ni Gabbi via social media ang ilang paraan na makapag-exercise sa inyong bahay or sa garden.

Muli ngang napapanood si Gabbi bilang Sang’gre Alena sa top-rating series na ‘Encantadia’, na pansamantalang pumalit sa ‘Descendants of the Sun’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.

*****

Kanya-kanyang paraan ng pagpapalipas-oras ang mga tao ngayon sa kani-kanilang tahanan matapos ipatupad ang ECQ or enhanced community quarantine 

Pati ang mga celebrities na dati’t busy sa taping, kaliwa’t kanan din ang post ng kanilang mga pinagkakaabalahan sa bahay. 

Mike baked a birthday cake for Baby Priscilla

Isa na rito ay ang Kapuso actor na si Mike Tan na proud na ipinost via Instagram ang kanyang first ever cake na na-bake niya para sa kanyang second baby girl na nag-celebrate ng first month nito.

“Flex ko lang ang vanilla-flavored number cake na nagawa ko para sa 1st month ni Baby Priscilla dahil wala na kaming ma-order-an. Done with the virtual presence of our pastry chef friend Dory and the help of my wife. Mukha bang 1?" 

Magbabalik-telebisyon si Mike para sa kanyang pagbibidahang GMA series na Seed of Love kasama sina Glaiza de Castro at Valerie Concepcion.

*****


Nagbalik ang programang Stand for Truth (SFT) via  online noong nakaraang Monday night. 

Dahil sa enhanced community quarantine at banta ng COVID-19 ay kasama ang nasabing pioneering mobile journalism newscast sa mga kinailangang huminto pansamantala sa pag-ere both online at sa telebisyon. 

Atom with Richard Heydarian and Joyce Pring-Trivino
Di man tumigil ang SFT sa paghahatid ng updates at breaking news mula sa Facebook page nito, marami pa rin ang umaasa na mapanuod ulit nila ito. 

Simula nga noong Lunes ng gabi ay balik regular programming na ang  SFT sa Facebook page at YouTube channel nito. 

Sa pangunguna ni Atom Araullo kasama ang SFT reporters, magiging updated pang lalo ang netizens sa mga nangyayari sa paligid maparito man sa Pilipinas o ibang bansa. 

Sa pamamagitan ng kanilang mobile phones, nagagawang makapaghatid ng balita ang mga batang journalist. 

Hit ang show sa netizens na karamihan ay millennials na ang hanap ay mga balitang madali nilang mapapanuod at maiintindihan gamit ang kanilang gadgets.