Sa latest Instagram post ng aktres, ipinakita niya sa kanyang followers ang mga ido-donate niyang masks sa mga healthcare workers.
May special message pa na sinasama si Heart para sa mga matatapang nating frontliners at iba pang nangangailangin.
Heart, sharing during the pandemic COVID-19 |
Marami na ring natulungan si Heart na ating mga kababayan na pinadalhan niya ng mga gamot, pagkain, at iba pa.
*****
“Don’t forget to stay active!”
Ito ang paalala ng Kapuso It Girl na siGabbi Garcia sa netizens sa kanyang Instagram post.
Importante raw sa lahat ang mag-exercise kahit nasa bahay lang para lumakas ang resistensya at maiwasan ang COVID-19.
Gabbi Garcia |
Muli ngang napapanood si Gabbi bilang Sang’gre Alena sa top-rating series na ‘Encantadia’, na pansamantalang pumalit sa ‘Descendants of the Sun’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.
*****
Kanya-kanyang paraan ng pagpapalipas-oras ang mga tao ngayon sa kani-kanilang tahanan matapos ipatupad ang ECQ or enhanced community quarantine
Pati ang mga celebrities na dati’t busy sa taping, kaliwa’t kanan din ang post ng kanilang mga pinagkakaabalahan sa bahay.
Isa na rito ay ang Kapuso actor na si Mike Tan na proud na ipinost via Instagram ang kanyang first ever cake na na-bake niya para sa kanyang second baby girl na nag-celebrate ng first month nito.
“Flex ko lang ang vanilla-flavored number cake na nagawa ko para sa 1st month ni Baby Priscilla dahil wala na kaming ma-order-an. Done with the virtual presence of our pastry chef friend Dory and the help of my wife. Mukha bang 1?"
Magbabalik-telebisyon si Mike para sa kanyang pagbibidahang GMA series na Seed of Love kasama sina Glaiza de Castro at Valerie Concepcion.
*****
Nagbalik ang programang Stand for Truth (SFT) via online noong nakaraang Monday night.
Dahil sa enhanced community quarantine at banta ng COVID-19 ay kasama ang nasabing pioneering mobile journalism newscast sa mga kinailangang huminto pansamantala sa pag-ere both online at sa telebisyon.
Atom with Richard Heydarian and Joyce Pring-Trivino |
Simula nga noong Lunes ng gabi ay balik regular programming na ang SFT sa Facebook page at YouTube channel nito.
Sa pangunguna ni Atom Araullo kasama ang SFT reporters, magiging updated pang lalo ang netizens sa mga nangyayari sa paligid maparito man sa Pilipinas o ibang bansa.
Sa pamamagitan ng kanilang mobile phones, nagagawang makapaghatid ng balita ang mga batang journalist.
No comments: