Zoren Legaspi |
Bumalik muli si Zoren Legaspi sa pagdidirek sa TV at nataon pa na ang kanyang pamilya ang ididirek niya sa mga panibagong episodes ng cooking talk show na Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Dahil sa COVID-19 pandemic, sa Legaspi house kinunan ang mga episodes nila Carmina Villarroel, at ng kambal na sina Mavy and Casy Legaspi na dinirek ni Zoren.
Zoren and his family |
“Mas mahirap ito kaysa i-direct si Robert de Niro. Mahirap i-direct si Honey. Sina Mavy at Cassy kasi, syempre they know me as tatay, so it’s very normal na ang approach nila sa ’kin ay kaibigan," sey ni Zoren na nadirek na si Carmina sa pelikulang Shake, Rattle & Roll 12 noong 2010 sa episode na "Mamanyiika".
Sa GMA-7 nabigyan ng break si Zoren na maging TV director.
Dinirek niya ang action-fantasy series na Fantastikids noong 2006 kunsaan bida sina Isabella de Leon, BJ Forbes at ang yumaong si Marky Cielo.
Naging director din siya ni Mark Herras sa pinagbidahan nitong TV series na Fantastic Man noong 2007.
Naging second director naman siya sa pinagbidahan na teleserye ni Dingdong Dantes na Atlantika noong 2006 hanggang 2007.
Nagdirek din si Zoren ng isang episode for Magpakailanman noong 2019.
*****
Matagal nang nire-request ng fans at YouTube subscribers ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang magbigay ito ng house tour.
Sa ini-upload ni Gabbi na house tour video, may higit na 2 million views na ito.
“Urban jungle” at “tropical glam” ang theme na napili ni Gabbi para sa bahay.
Dahil sa green accents ay mapagkamalang “Alena-inspired” o mula sa character niya sa ‘Encantadia’ ang overall design na personal touch ni Gabbi.
Napapanood si Gabbi sa rerun ng Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad.
*****
Ang supermodel-producer-TV host na si Tyra Banks ang bagong host ng Dancing With The Stars.
After 15 years, pinalitan na ng show ang kanilang host na si Tom Bergeron.
Sa kanyang Twitter, sinabi ni Bergeron na hindi na raw siya inimbitahan ng DWTS para sa 29th season nito.
A new hosting job for Tyra |
Sey ni Tyra: “Tom has set a powerful stage. And I’m excited to continue the legacy and put on my executive producer and hosting hats.”
Bergeron had been outspoken about the show’s decision to cast political guests, which included Sean Spicer, the former White House press secretary and communications director for President Trump.
In the statement announcing the new host, Karey Burke, the network’s president, praised Banks’s broad experience.
“Tyra is an award-winning multihyphenate whose fierce female prowess and influence across many industries have made an indelible mark.”
In a statement on Wednesday, Banks said of the show: “I will do my best to honor its legacy while also injecting new ideas to reach new generations of audiences.”
No comments: