Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });


Jon Lucas





 Kinuwento ng aktor na si Jon Lucas ang kanyang experience nang mag-positive siya sa sakit na COVID-19.

Sa kanyang Facebook ay nag-share si Jon nang kanyang pagkaka-confine sa ospital kunsaan nakasama niya ang ilang COVID-19 patients.
“3 days ako nag stay sa NEGH (New Era General Hospital) Kasi doon sa rapid test ko nag-positive ako.
Jon, nakaligtas sa virus
“Opo alam naman natin po at ng karamihan na hindi siya accurate para ma-detect ‘yung virus. Minsan daw kahit negative ka pwede ka mag-positive. Minsan naman daw positive ka pero negative ang lumalabas.

“Ang lumabas dun sa result ko “29 days onwards recovery” parang papagaling na ‘yung infection sa katawan ko. Meaning parang dumaan lang siya."

Hindi naman tinago ni Jon na nakaramdam siya ng ilang symptoms ng COVID-19 sa kanyang katawan.

“Aaminin ko may times na inuubo-ubo ako at nilalagnat. Pero dahil nga marami rin tayong ganap kahit nasa bahay lang iniisip ko nalang na baka pagod lang ako. Tsaka syempre nawawala wala po agad dahil nga tayo ay may gabi-gabing pagpapanata sa Panginoong Diyos.
“Sa atin naman pong mga kabataan at medyo may lakas pa. Ang hiling lang talaga satin ay mag-ingat, Sumunod, magpasakop at pangalagaan pa ang sarili.

“At ‘di ba naririnig nating lahat na sa NEGH ay sobrang daming gumagaling na COVID patient. Totoo po yon! Hindi po dahil sa magagaling ang mga Doctor doon at nurses. Kundi dahil pinanghahawakan talaga nila ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa bibliya."
Safe and happy to with with his wife and son Brycen
Matatawag na isang COVID-19 survivor si Jon dahil mabilis siyang gumaling at nakasama niya agad ang kanyang misis at ang anak na si Brycen na hindi nahawa sa kanya.

Kasama pala si Jon sa malaking cast ng teleserye na Descendants Of The Sun ng GMA-7. 

*****
Dumarami na ang Kapuso artists na nahuhumaling sa pag-stream ng kanilang paboritong video games.

Bukod sa nakakaaliw, naging paraan na rin ito upang labanan ang stress. 

Nagsimula nang mag-stream ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kaniyang official Facebook page kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends at Ragnarok Mobile. 
Alden, adik sa ML at Ragnarok
Subaybayan din ang gaming stream ni Megan Young kung saan naglalaro siya ng iba't ibang games gaya ng Ragnarok Mobile, Animal Crossing, at Stardew Valley. 

Call Of Duty Mobile naman ang kinahihiligan nina Rocco Nacino, Kristoffer Martin, at Michelle Dee. 

Aliw rin panoorin si Paul Salas at ang kaibigan niyang si Arj Eder sa Facebook page na Arj & Paul kung saan naglalaro sila ng NBA 2k20. 

Abala naman sa Mobile Legends gameplay si Shaira Diaz sa kaniyang gaming page na SDiaz Gaming. 

Huwag ding palampasin ang streams ni Faye Lorenzo kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends. 

*****

Ginawang Instagram official ng singer na si Ariana Grande ang relasyon niya kay Dalton Gomez.

Very sweet ang poses ng dalawa at kasama ang ilang aso ng singer at ang kaibigan niyang si Doug Middlebrook.

The pair confirmed their relationship in May nang i-launch ang music video ni Grande with Justin Bieber na “Stuck with U.”


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply