Nag-post ng isang shameless selfie ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kamakailan sa Instagram.
Nilagyan pa ni Alden ng hashtag na #FitnessGoals ang pa-thirst trap niyang photo.
Kahit naka-three months quarantine si Alden, kita pa rin ang pinaghirapan niyang six-pack abs.
Tumanggap ng maraming comments ang post na ito ni Alden at pinuro ang pagiging tone at fit ng kanyang pangangatawan.
Sey ng netizens, “hard work pays off,” dahil tuluy-tuloy ang mga workout at healthy diet ni Alden.
Sa isa pang Instagram post, paalala naman ng ‘Centerstage’ host na “mindset is everything” para sa mga tulad niyang gustong maging fit at healthy.
*****
Mananatili raw loyal si Prima Donnas star Katrina Halili sa GMA Network dahil sa walang-sawa at buo nitong pagsuporta magmula nang pumasok siya sa showbiz industry.
“Alam naman po nating lahat na sa GMA po ako nagsimula at hanggang ngayon, buong-buo po ang pagtitiwala nila sa akin sa bawat project po na ibinibigay po nila.
Proud si Katrina at napapanood siya sa ibang bansa |
Dagdag pa ni Katrina na proudest Kapuso moment daw niya ay tuwing napapanood sa ibang bansa ang mga shows ng GMA-7 at mas maraming nakaka-appreciate ng gawang Kapuso.
“Bawat role na ginagampanan ko ay ipinagmamalaki ko lalo na kapag sinusuklian 'to ng malaking pagtanggap po ng viewers,” sey pa ng isa sa tinuturing na mahusay na kontrabida sa bakuran ng GMA-7.
Produkto ng first batch ng reality artista search na StarStruck si Katrina noong 2003. Nakilala si Katrina sa mga kontrabida roles niya sa MariMar, Darna, Majika, Destiny Rose, Sa Piling Ni Nanay, at Munting Heredera.
Samantala, napanood kahapon ang inaabangang reunion ng cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas sa official social media accounts ng GMA Network.
Nakipagkulitan at kumustahan ang stars sa bawat isa kasama ang netizens sa isang fun at exciting na livestream.
*****
Nag-organize ng online acting workshop ang Kapuso actress na si Gladys Reyes.
Plano niyang magbahagi ng acting tips at magturo ng skills sa pag-arte sa mga nangangarap na maging kontrabida tulad niya.
Online Acting workshop with Gladys |
Matatandaang nagsimula ang career ni Gladys bilang runner-up sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noong 1984.
Kuwento pa niya: “My first screen test was for Alyas Baby Tsina as Ms. Vilma Santos's daughter. I had my first acting workshop under the multi-awarded director, the late Direk Marilou-Diaz Abaya. ‘Di ako nagmamarunong, I just want to share what I have learned in my 36 years in the business.”
Bilang child star, lumabas si Gladys sa mga pelikulang Muling Buksan Ang Puso, Captain Barbell, Tinik Sa Diddib at Nakagapos Na Puso.
No comments: