Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » May isang manganganak; may isang magbubuntis

Sarah-Matteo and Max-Pancho




 Nakahanda na ang mga gagamitin ni Max Collins para sa kanyang home water birth next month.

Sa June na ang due date ng first baby nila Max at Pancho Magno kaya maaga pa lang ay hinanda na nila ang rubber pool kunsaan isisilang ni Max ang kanilang baby boy.

Nag-research daw ng husto ang mag-asawa tungkol sa water birth at mas epektibo raw ito dahil walang gagamitin na anumang drugs kay Max at natural ang pagsilang nito sa kanilang baby.

Max Collins and Pancho Magno
Mas safe din daw ito dahil hindi na raw nila kailangan pang makipagsapalaran sa pagpunta sa ospital dahil alam nilang puno ang mga ospital ng mga COVID-19 patients.

Isang registered nurse din si Pancho kaya noong ma-research niya ang benefits ng home water birth, pumayag agad siya dahil magkakaroon din siya ng participation sa pagsilang ng baby nila.

Pinakita rin ni Max ang baby room na malapit nang matapos i-decorate.

Excited na ang mag-asawa na makilala ang kanilang baby boy at wish nila rito na lumaking 

*****

Nag-celebrate ng kanilang ikatlong buwan bilang mag-asawa sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo noong nakaraang May 20.

Kinasal sila ang AshMatt couple noong February 20, 2020.

Mag-iisang buwan pa lang silang kasal noong magkaroon ng ECQ sa buong Luzon. Kaya lahat ng plano nilang magbiyahe, kasama na ang nabalitang wedding sa Italy ay nakansela lahat.

Dahil tatlong buwan silang walang pinagkakaabalahan, marami na ang nagtatanong kung nakabuo na ng baby ang dalawa.

Ayon kay Matteo, wala pa raw sa plano nila ang magkaroon agad ng baby. Gusto raw nilang ma-enjoy ang sarili nila bilang newly-weds muna.


After ng kasalan, magkaka-baby na?
“Baby plans, I don’t think so. Not yet. We’re just enjoying our time together, after all these years. Hopefully in the right time, in the right time,” sey ni Matteo.

Dahil sa ECQ, extended ang honeymoon nila ni Sarah. Marami rin daw silang panahon para mas makilala ang isa’t isa.

Lumalabas lang daw sila kapag kailangang bumili ng necessities at essentials.

Nasusundan ng fans nila ang nangyayari sa kanilang buhay sa pamamagitan ng social media accounts ni Matteo.

Si Sarah kasi, bagama’t may Instagram ito, bihirang mag-post ng update sa kanila ni Matteo.

*****

Nasa puso ang pag-asa nating mga Pilipino kaya hindi tayo dapat sumuko sa kahit anong pagsubok. 

Ito ang mensahe ng GMA Public Affairs sa bago nitong advocacy campaign na “Nasa Puso Ang Pag-asa”.

Sa gitna ng bagong pagsubok na kinakaharap natin dahil sa COVID-19, mga kuwento ng pagtutulungan, sama-samang pakikipaglaban, at muling pagbangon ang mapapanuod sa “Nasa Puso Ang Pag-asa” campaign. 

Iniimbitahan din nito ang bawat Pilipino na magbigay ng pag-asa at positive vibes sa ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa—gaano man kaliit ito. 

Tiyak na marami ang maaantig ang puso sa mga kuwento ng pag-asa na hindi lamang sa TV mapapanuod. 

Magiging available rin kasi ang mga ito sa official website ng GMA Network at sa official social media accounts ng GMA Public Affairs.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply