Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Mark Herras




 Sa kasalukuyang ECQ ay pinatunayan ni Mark Herras na siya pa rin ang may hawak ng titulong "Bad Boy on the Dancefloor".

Dahil sa kanyang TikTok videos, nag-viral sa social media ang mga dance moves ni Mark. Nagulat din si Mark dahil hindi niya inakala na marami palang naka-miss sa kanyang pagsasayaw, lalo na yung pinasikat niya na "Average Joe" dance na hango sa kanyang sa ginawa niyang dance album noong 2005.


He is still the "Bad Boy on the Dancefloor"

Ayon sa Twitter user na si @liafei: "MARK HERRAS AAAAAAHRed heart. I still remember when he had a mall show then exactly we were at SM B that time then my mom bought me his CD so I could enter the event center then he'll sign it and you can take a picture with him. Hihi childhood idol yeeeet."


Request naman ni @DennisTheMenez: “Mark Herras is that Average Joe who we wanted to see on the small screen again.”

Natuwa si Mark sa maraming netizens na na-miss ang pagsasayaw niya sa TV. Aminado si Mark na medyo nag-lie low siya sa pagsasayaw nitong mga nagdaang taon.





“Hindi na rin ako nakakasayaw parati tulad noon, pero dahil sa TikTok, parang bumalik 'yung hilig ko ulit sa pagsayaw.

“Sinubukan ko lang itong TikTok kasi uso niya ngayon at wala nga tayong masyadong ginagawa dahil may lockdown. Hindi ko inakala na ganito ang magiging resulta ng pag-TikTok ko.

“Noong mag-trending na, sabi ko na nami-miss pa rin pala ako nila ang pagsasayaw ko. Kaya ngayon, parang ginaganahan na ulit ako."

*****

Ang summer season ang madalas na panahon kung saan tayo nagbabakasyon pero dahil hinihikayat nga muna ang pag stay at home, hanggang throwback na lang muna tayo at pag-reminisce ng mga dati nating vacation trips. Buti na lang ang Biyahe ni Drew, patuloy rin sa pag-ere ng mga previous episode nito kaya para na rin tayong bumibiyahe sa loob ng bahay natin. 
Drew, bibiyahe pa rin after the lockdown
Ang nakatutuwa pa ay pati sa GMA 7 ay mapapanuod na pansamantala ang travel show ni Drew Arellano. Ibig sabihin, twice din bibiyahe ang viewers kada lingo at sa magkaibang lugar pa ito. 

Dinala muli tayo ni Drew sa Bukidnon upang ipasilip ang magagandang lugar at masasarap na pagkain dito, o di kaya’y pumunta ng Palawan pagkatapos ng ECQ upang first-hand na ma-experience ang El Nido. 

Kaya abangan tuwing Biyernes, 8PM sa GMA News TV at 11:30 PM naman sa GMA 7 para mapanuod ang Biyahe ni Drew.

*****

May NI-launch na paandar ang GMA Artist Center para sa Kapuso fans sa kanilang newest series of online shows na #ArtistHideout! 

Nagsimula ito last May 5 sa Facebook at YouTube pages ng Artist Center. 

Every Tuesday, 8PM, ang "Parekuy's" starring Paul Salas, Jon Lucas, Prince Clemente, at Lucho Ayala hosted by Divine Tetay. 


GMA's new online show on Facebook and YouTube
Every Wednesday naman, 3PM, ang "Wednesday Coolitan" starring Chynna Ortaleza, Max Collins, at Dion Ignacio. 

Sa darating naman na Thursday, 3PM, ang "Yummy Thursdays" starring Arra San Agustin ang ihahandog ng GMAAC. 

Sure na hindi ito palalampasin ng netizens!

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply