|
When
this Divalicious column is finally read by all of you beautiful Blahbers, the
powers that be has formally announced and chose what is best for the public - the
enhanced community quarantine stays (ECQ) for another 15 days, general community
quarantine (GCQ) until whenever necessary or GCQ for the National Capital
Region (NCR) but local government units are allowed to lockdown barangays as
needed.
Whatever
is made final and executory, let us pray that those made to decide on this
delicate matter have weighed all the pros and cons and that the verdict, will
be most beneficial to all.
Ang
siguradong most beneficial to all, lalong-lalo na sa sangkabekihan, ang walang
patumanggang panonood at pagsabaybay sa BL dramas na sa totoo lang, ang hatid
sa mga haling na haling dito ay kilig, libog at oo, mga natatanging aral tungkol
sa acceptance sa sexual preference at orientation ng mga tao sa mundong ibabaw
at yes oh yes na sa panahon ngayon, love knows no gender.
Ang
inyong Divalicious kolumnista, tangal talaga ang bagot at pagkayamot habang
pinanapanood ang newly discovered BL drama na ang title ay “Love by Chance.”
Ang
mga bida, sina bilang si Pete, na super effem,
ganda-gandahan at yaman-yamanan sa nasabing drama na ang pang-araw-araw na kotse
lang naman sa drama ay Mercedes Benz, hindi marunong sumakay sa public transport,
walang kilalang adult video stars at ang mga kamay, malambot, ang pisngi mas
lalong malambot at ang buhok, mabango, shiny at soft to touch rin. Ang kanyang
leading may ay si Tanapon Sukumpantanasan, na ang role ay si Ae, foot ball jock
pero progressive thinking, care bear, sobrang charming at parang walang
kabahid-bahid na kabadingan at siya pa ang unang nakararamdam ng pagkagusto at
pagnanasa sa kanyang mahinhin at babai-babaihang tropa, huh.
Sa
totoo lang, ang ganitong kwento, kayang-kayang gawin sa GMA Kapuso station lalo
na nga’t may memorable pink themed shows na silang pumatok sa panlasa ng mga
Kapuso loyalists, ang “My Husband’s Lover,” “Dading” at ang “Destiny’s Rose.”
Pete and Ae, another BL love team to watch |
Kung
bakit ang lesbian themed television offering nila, kung saan bida dati sina
Rhian Ramos at Glaiza de Castro, did not catch steam ang support from the
viewing public pero ang show sa kabadingan ay niyakap at minahal, wala akong
masasabi kundi mas bet nating lahat ang eskrimahan kesa sa pompyangan. Ang
savage! Hahahaha!
Ang
bagay na bagay na magbida sa isang tele-drama na mala-Love By Chance ay sina
Ken Chan at Jeric Gonzales na una nating minahal bilang sina Destiny Rose at si
Vincent.
Walang
duda na Chan is better off with Gonzales as a love pairing kesa sa odd and a
pairing that makes you squeamish and squirm, ang tambalan nila ni Rita Daniela
na ewan ko ba kung bakit marami daw ang haling na haling at tuwang-tuwa. Parang
hindi naman masyadong totoo lalo na nga’t ang
“One of the Baes,” gone too soon and gone in 60 seconds agad sa ere kahit
pa sinasabi nilang bongga raw ang rating digits nito.
Ken and Jeric patok ang "love team" sa Destiny Rose |
Iba
ang sexual chemistry at tension na meron sina Ken at Jeric at walang duda na
hindi lang nila kakaririn, sasagpangin pa nila ang pagiging Pete at Ae in a
major, major way.
For
sure marami ang kakalembang ang puso, pati na rin ang kanilang testicles, pag
naglambingan, landiab at higit sa lahat maglaplapan sina Chan at Gonzales with matching
top and bottom na television sexual congress in a locker room. Ang init! Nakakapaso! Elya kung elya tiyak
ang lahat!
Ngayon ko lang nakita tong article. Mas bagay pa din si Ken at Fabio ☺️ Hehe. Hoping for BL series na ibang flavor. Mala Prof-Student ganon.
ReplyDelete