Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » Jennylyn Mercado: Tikman ang P.P. niya

Jennylyn Mercado









 Sa vlog ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, nag-share ito sa kanyang fans at followers ang kanyang easy homemade pizza recipe na tinawag niyang ‘Jen’s Picha Pie.’ 

Ayon sa aktres, madali lang gawin ang kanyang recipe lalo pa ngayon na hirap ang karamihan na lumabas para makabili or makapagpa-deliver nito dahil may lockdown. 

Tikman ang pizza pie ni Jen
“Alam natin na hindi tayo kaagad nakakalabas, hindi tayo nakakapagpa-deliver, o kung meron mang delivery ay napakatagal. So kung nagke-crave man kayo ng burger or, kung ano man, fast food, pizza. 

“Kaya ngayon, tuturuan ko kayong gumawa ng home-made pizza.” 

Bisitahin lamang ang vlog ni Jen para sa step-by-step guide sa paggawa ng kanyang tomato sauce-based pizza. 

*****

May ginawang kanta si Kapuso star Glaiza de Castro sa mga frontliners na patuloy na isinusugal ang kanilang kaligtasan upang makapagbigay tulong at serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19. 

Awitin na likha ni Glaiza para sa mga frontliners
Para kay Glaiza, isa ang musika sa mga bagay na nakakapagpagaan ng loob at nagbubuklod sa mga tao. 

Ang kanyang awiting ‘Ode to the New Heroes’ ay sariling kanta ng aktres na kanyang na-compose sa kasagsagan ng enhanced community quarantine. 

Katulong ni Glaiza sa pagbuo ng kanta 



ang kanyang Irish boyfriend na si David Rainey na kasama nito sa Aurora, Baler kung saan siya kasalukuyang naka-quarantine. 

Sa Instagram video ni Glaiza kung saan inawit nila ni David ang naturang kanta, inamin nito na hindi raw naging madali para sa kanya na isama ang boyfriend sa video dahil camera shy ito. 

“Anyway, this is the least that we can do while we're here. We all have different ways to cope, help and support and we hope we are able to share positivity amidst uncertainty through this,” sey ni Glaiza.

*****

Kahit naka-quarantine, gustong mapasaya ni Jason Abalos ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton noong mag-celebrate ito ng ika-28th birthday noong nakaraang May 8.

Ten years na raw ang relasyon ng dalawa at mas lalo raw tumatag ang relasyon nila noong magkaroon ng ECQ.

Ten years na ang pagmamahalan nina Jason at Vickie
Hindi magkasama sina Jason at Vickie habang may quarantine dahil nasa kanilang sariling tahanan sila, pero panay naman daw ang pangungumusta nila sa isa't isa over social media at Skype.

Nangako naman si Jason na kapag naging maayos na ang lahat, bibiyahe raw ulit sila ni Vickie bilang regalo niya rito.

“Mahal kong baba, maraming salamat sa pagdagdag ng kulay sa mundo ko, mundo naming lahat na nakapaligid sa iyo at mga mahal mo. Maraming salamat sa Diyos sa napakaganda mong puso at pati kami natututo kung paano umibig nang kagaya ng pag ibig mo. Na-e-excite ako sa araw-araw at sa magiging buhay pa natin na magkasama.Ang blessed ko. Sa 10 years na dumaan hindi ko pa din maisip pano ka nakatagal na kasama ako. Ganyan ka lang baba. Madaming nagmamahal sa iyo. Mahal na mahal kita. Happy, happy birthday! Celebrate na lang muna ako dito mag isa ha. Para sa iyo naman to. Malapit naman na, layas agad tayo,” post ni Jason sa Instagram account niya. 


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply