Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » Rocco Nacino: Ipinagpalit ang girlfriend

Rocco Nacino



Dahil hiwalay physically si Rocco Nacino sa kanyang girlfriend na si Melissa Gohing dahil na lockdown, binubuhos na lang ni Rocco ang kanyang paglalambing kina Valentine, Arrow, at Cloud. 

Sila ay ang mga Corgi dogs ni Rocco na nagpapasaya sa kanya habang wala pa siyang trabaho.

Na-realize nga ng aktor na sa sobrang busy niya noon, hindi niya napansin na nawalan siya ng panahon sa kanyang mga fur baby.


Rocco with Valentine,Arrow and Cloud

Ngayon ay tine-take advantage ni Rocco ang pagkakataon na maka-bonding ang kanyang mga alaga. Buong araw nga niya kasama sina Valentine, Arrow at Cloud mula sa paggising niya, pag-workout, pag-ikot-ikot sa bahay hanggang sa matapos ang buong araw.

"Sharing my OOTD with my corgis, since I realized during this ECQ that I haven't really spent enough time with them when I was busy with tapings and shoots. Thank you for always making me smile pups!” post ni Rocco sa IG.





Bilang isang ring Philippine Navy reservist at frontliner, sumasama rin si Rocco sa paghatid ng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ngayon.


With girlfriend Melissa Gohing

*****

May nakahanda na palang mga pangalan sina Rodjun Cruz at Diane Medina sa kanilang magiging unang baby.

Kapag babae raw ay ipapangalan nila ito sa mga yumao nilang mga ina.

“We're planning na i-name 'yung baby namin sa name ng mom ko and sa name ng mom niya. Parang tribute namin ito sa mommies namin na hindi na nakita at nakilala ang apo nila sa amin ni Rodjun,” sey ni Dianne.

Kung lalake naman, gusto nila na isunod sa name ni Rodjun.


Husband and wife: Rodjun and Dianne
“Kung lalaki kasi, junior ako, so iniisip naming kung gagawin ba namin na same na rin ng name ko pero magiging III 'yun or mag-isip pa kami ng pangalan talaga,” sey ni Rodjun.

Sobrang excited ang dalawa sa magiging first baby nila kaya doble ingat sila ngayon para natiyak na healthy ang pagbubuntis ni Dianne sa panahon ngayon.



Napag-alaman din ni Dianne na high-risk pregnancy siya kaya bedrest siya hanggang sa due date niya.

“Kailangan naghuhugas ng kamay and protected din talaga. Kapag kailangang lumabas, kailangan naka-mask tapos naka-gloves and laging naliligo. It was really very crucial because my OB advised me to take a bed rest.”

*****

Hindi nahihiyang ipakita ni Zoren Legaspi sa social media na siya ang gumagawa ng laundry sa kanilang bahay.

Pero ang paglalaba ni Zoren ay old school, meaning hindi niya ginagamit ang kanilang washing machine at gamit niya ay ang kanyang mga paa!

Zoren, proud na naglalaba sa socmed
Ayon kay Zoren, hindi lang daw paglalaba ang kanyang ginagawa kung hindi dagdag exercise na rin. 

“Old school laba... cardio workout. Hindi porket naka-hanger sa cabinet eh malinis na!,” sey ni Zoren. 

Natuwa ang maraming netizens sa pagiging masipag na ama ni Zoren.

“Haha looks fun tatay! Ganyan maglaba ang lola ko!” comment ng isang netizen.




«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply