Daniel and Kathryn "secret wedding" din? |
Ang buena-mano na nagpakasal pagpasok ng 2020 ay ang Kapuso stars na sina Mikael Daez at ang Miss World 2013 na si Megan Young last January 25. Prior to this, ikinasal din sila in a simple ceremony last January 10.
Almost ten years ding magkarelasyon ag dalawa until they finally decided to tie the knot.
Sumunod kina Mikael at Megan, sina Juancho Trivino at Joyce Pring noong Pebrero 9.
Pagkatapos ay ang controversial secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.
Kasabay din nilang ikinasal sa petsang ‘yan ang stage actress/singer na si Joanna Ampil kay Faust Feneyra.
Noong Pebrero 23 naman ikinasal sina Sheena Halili at Jeron Manzanero.
At nito lang nakaraang Sunday, March 1, ikinasal naman ang tinaguraing R&B King na si Jay-R sa long-time girlfriend niya na si Mica Javier. Si Mica ay member ng GirlTrends at panganay na anak ng owner ng Andok’s Litson na si Javier, Leyte Mayor Sandy Javier.
Nakapag-engagement shoot na rin ang singer na si KZ Tandingan at kanyang fiance na si TJ Monterde sa Tokyo, Japan last month.
Habang sa darating na March 14 naman ang kasala nina Richard Gutierrez at Sarah Labati.
Angel Locsin and Neil Arce |
Inaabangan na rin ng marami kung kailan magpapakasal sina Kim Chiu-Xian Lim, Maja Salvador-Rambo Nunez, Maine Mendoza-Arjo Atayde at sina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla?
May magpa-secret din kaya ulit ng wedding among them?
*****
Kung trending ang wedding sa ngayon, hindi naman makikisakay sa bandwagon ang magkasintahang sina Vin Abrenica at Sophie Albert.
Isa rin kasi sina Vin at Sophie sa may pinakamatagal na relasyon sa showbiz.
Inamin ni Vin na may plano na sila ni Sophie na mag-settle down, but not anytime soon.
Hindi rin daw sila nagpa-secret wedding na rin sila ni Sophie at lalong hindi raw totoo na nagli-live in na sila.
“Hindi. Diyos ko! May magulang ‘yun. Nakatira siya s amagulang niya. Hindi pa. Kini-clear ko lang po, sa lugar ko, ako lang nakatirang magisa,” esplika ni Vin noong makausap namin sa contract signing niya bilang endorser ng Handford.
May nakakita raw kasi sa kanila na magkasama sa isang bahay.
“Hindi… hindi kami nagli-live in,” madiing tanggi ulit ni Vin.
“Dumadalaw siya sa lugar ko. Dumadalaw din ako sa lugar niya. Pero hindi kami nagli-live in. Gusto ninyo samahan nyo pa ako umuwi ngayon. Hahaha!”
Naniniwala pa rin daw sila sa sanctity of marriage. Parehong nakikiayon daw kasi sila ni Sophie sa tradisyon nating mga Pinoy.
No comments: