Miss Universe 2018 Catriona Gray |
Tatlong araw ang itinalaga ni Catriona sa La Union kung saan naki-salamuha siya sa mga locals doon.
Catriona at the Mutia Ti La Union 2020 |
Pero kung gaano siya ka-close sa mga tao roon, masyado naman siyang naging mailap sa mga press nitong huli.
Sa nasabing okasyon, naroon halos lahat ng sikat na TV networks, print, broadcast and online correspondents na nagko-cover ng pageant. Halos lahat ng pageant correspondents ay present hahalos kilalanaman ni Queen Cat.
May isa akong kasamahan na talagang inabangan ang Filipino-Australian beauty queen pero sa kasawiang palad, hindi talaga nagpa-interview ang beauty queen at nagmamadaling umiwas.
Inaasahan ng lahat ng media na makaka-usap nila si Cat sa after party ng beauty contest kung saan inimbitahan din sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Inigo Pascual, at Marco Gumabao pero halos namuti na ang mata ng lahat sa late dinner at walang Cat na dumating.
Pati ang mga fan club niya ay nagku-kuwento sa amin at nagsasabi na mula ng matapos ang reign ni Catriona bilang Miss Universe, never pa silang binisita nito.
Ano kaya ang problem ni Cat? Puwede naman niya sabihin kung anong topic ang gusto nilang pag-usapan at ayaw (kung meron man siyang iniiwasan na pag-usapan). Or baka naman sobrang pagod na talaga ni Cat dahil siksik ang activities niya noon sa La Union. Well, kaway-kaway na lamang muna!
*******
Abalang-abala naman ngayon ang national director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup-Lee sa mga activities ng 2020 Miss Universe Philippines beauty pageant.
Katatapos lamang ng 51 candidates na rumampa sa 200-meter na runway na itinayo sa kalye ng BGC sa Taguig City kamakailan lamang.
Shamcyey Supsup |
Pero alam ba ninyo na hindi masyadong komportable si Shamcey na tinatawag siyang madam?
Kuwento sa amin ng former 2011 Miss Universe 3rd runner-up na bago pa siya naging national director ng Miss Universe Philippines, tinatawag na siyang madam ng kanyang glam team.
Madam na ang tawag sa kanya ng mga stylist, make-up artist, at fashion designer noong naging Miss Universe Philippines 2011 siya sa ilalim ng Binibining Pilipinas.
Pero lalong dumami ang tumawag ng madam sankanya ng maging national director siya ng Miss Universe Philippines nitong January 2020.
"Akala ng iba ngayon lang ako tinatawag ng madam. Matagal ng tawagan namin ng madam noong nasa Bb. Pilipinas pa lamang ako," ayon kay Shamcey.
Pero sabi niya, medyo hindi raw talaga siya komportable na tinatawag ng ganito.
"Isa lang ang madam and that's Stella Marquez Araneta. Sa kanya lang ang title na ito," sabi ng beauty queen, na medyo natatawa habang nag-e-explain tungkol dito.
Sana raw ay tigilan na rin ng mga pageant fans ang pag-i-intriga sa kanya sa Bb. Pilipinas.
Dagdag pa ni Shamcey na hinding-hindi magbabago ang mataas na respeto niya kay Mrs. Araneta at sa Bb. Pilipinas kung saan siya nagsimula.
No comments: