Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

A different love story from T-Rex Entertainment for the MMFF Summer 2020



Circumcision, the yearly Santa Cruzan and Flores de Mayo, you on live once moment in some trending vacation spot, or workshops in theater, dance or what have you, and yes, the annual basketball paliga and barangay beaucons, these are some of the things na pinagkaka-abalahan natin kapag tag-init? Eh sa telebisyon at sa pelikula, sino ba ang mga lalaking mas lalong magpapasagitsit sa init ngayong tag-init?

Kasalukuyan, nagkakagulo ang sangkababaihan at sangkabekihan kina Tony Labrusca at Marco Gumabao sa “Hindi Tayo Pwede.”


Lean and mean like a sex machine ang packaging kay Labrusca at si Gumabao naman, mighty meaty na may chance na ang pa mbihirang palo-palo, isa-dalawa, may sasampalin ka pa. Kung ikaw si Lovi Poe bilang Gabby sa kanilang pelikulang pangmalakasan ang laplapan na may kasama pang dilaan, mahihirapan ka nga namang pumili, hindi ba naman?



Coco Martin and Angelica Panganiban in Love or Money
Sa paparating ng first Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) ngayong Abril, literal na so many men, so little time ang barakong bidang-bida sa kanilang pelikula.

Andiyan ang paborito nating si Coco Martin, na katamabal ni Angelica Panganiban sa “Love Or Money,” na who sheds his Carlo Dalisay persona in the movie kasi maalab at marundob ang cinematic kissing congress nila ni Panganiban.

Ang Kapuso Primetime King, gustong-gusto nating lalo si Dingdong Dantes pag bida/kontrabida ang ginagampanan at nag-uumapaw naman talaga ang kanyang angas at kisig sa “A Hard Day.”


Dingdong Dantes
Wala kang tulak kabigin sa what seems like to be the biggest award winner sa SMMFF, ang “Isa Pang Bahaghari,” kung saan ang mga anak lang naman ni Nora Aunor, ang nag-iisa nating superstar at People’s National Artist, eh ang yummylicious times two na sina Zanjoe Marudo at Joseph Marco.
Sa marami ang nanalig na magiging sleeper hit sa April film festival, sa “Ngayon Kaya” na mula sa T-Rex Entertainment, how can you go wrong with Paulo Avelino, opposite Janine Gutierrez, these are two of the most beautiful showbiz personalities nowadays. Ang bongga pa sa dalawang ito, full support sila sa Showbiz Blah! kaya talagang kalugod-lugod lalo si Avelino, at siempre pa, si Gutierrez.

Si Xian Lim naman ang magpapakilig sa “Love The Way U Lie,” kung saan first time niyang makakatambal sina Alex Gonzaga at Kyllie Versoza. Hindi na ako magsisinungaling, feeling torn ang inyong Showbiz Blah!columnist kasi nga parehong sina Paulo at Xian ay nagpapalundag at nagpapasigaw sa aking babai-babaihang puso. Parang ang hirap mamili kung sakaling sabay silang susuyuin ang inyong lingkod. Wala bang kapeng barako sa bahay naming kaya ang nerbiyos ko, walang-wala? Gising sa ilusyon, now na!


Another "ghost' movie from Viva Films this summer
Of course, completing this list of summer men ay ang daddy Alfred Vargas, na siyang pagkakaguluhan at pag-aagawan nina Iza Calzado at Shaina Magdayao sa “Tagpuan.”

Bongga ang kwento nito na tungkol sa holding on and letting go of complicated people and relationships na ang shooting sa Hongkong at New York lang naman. Ayaw pakabog sa ambience at setting, hindi ba naman. At tiyak, lalanan rin sa aktingan ang tatlong bida rito na talaga namang mahuhusay na artista.

Kaya, with all these men making their presence felt this summer, the heat is definitely on and scorching.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply