Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » Mga Kris sa Paligid-ligid ng Linga

Kris Aquino, Kris Bernal and Kristina Cassandra Concepcion




Maraming mga Kris sa showbizlandia at sa kasalukuyan, ang pinaka-maingay sa kanilang lahat, si KRIStina Cassandra Concepcion, na minamahal natin lahat bilang si KC.

Walang duda na pinagmamalaki talaga ni KC Concepcion ang kasabihang “real women have curves”at ang patotoo nito, ang dalawang kuha niyang donning a bikini habang nasa beach. Hindi tinatanggi ni Cassandra na siya ay beach lover through and through na alam mong ang tatay niyang si Gabby Concepcion ang nag-impluwensiya sa kanyang mahumaling sa buhangin at dagat.

Ang panalo sa panganay ni Megastar Sharon Cuneta Kristina, she loves her body and is confident emough to flaunt and show ang kanyang being curvy is the new sexy

Sexy KC
In fair Verona, makinis na makinis ang balat ni Concepcion at lalong na-emphasize ang kanyang ample bosom sa suot niyang blue green with polka dots na bikini at styled to perfection naman siya sa suot niyang all black bikini with matching manipis na green robe.

Of course, ang team body shamers, are having their fiesta day sa pang-aaglahi sa pagiging bilugan at malaman ni Cassandra na sigurado naman akong walang pakialam ang dalaga dahil pribilehiyo niya ang magmaganda dahil tunay siyang maganda at mayaman pa.

Ang tawag sa mga manlalait ni KC Concepcion, mga inggiterang walang pagmamahal sa kanilang mga tunay na sarili at pagkatao, sa true lang.

Sa usaping sila ni international pop star Apl D’Ap ay dating daw dahil may mga sighting na ang dalawa sa posh dining places, tila tikom ang bibig ni KC. Is this a case a lesser talk para lesser mistakes? Is she playing sweet music with the artist na kung ikukumpara sa mga lalaking minsan ay minahal niya eh talagang hindi kaguapuhan kung ikukumpura kina Piolo Pascual at Paulo Avelino, hindi ba naman?

Sawa na ba si Concepcion sa sobrang magagandang lalaki na kaya she is giving this strange looking fellow a chance? 

Ang isa pang Kris who used to be in the top of her game ay si KRIStine Bernadette Aquino, na we all love or hate as Kris Aquino, depending on the size of the moon and the high and low tide of the ocean.
Kris Aquino
 May audience at public pa rin namang sumusubaybay kay Krissy sa kanyang mga digital platform, mula Instagram, Twitter, Facebook at YouTube, from Queen of Talk, she has reinvented herself as the Digital Empress.

 Pero iba pa rin ang kanyang kasikatan dati, may game show, morning talk/magazine show at may Sunday entertainment show kung saan inaabangan natin ang kanyang mga damit, ang pamamaraan niya of interviewing people na maya-maya pasok na sa equation ang kanyang sarili at siya na ang bida, hindi na ang subject at ang mga nakakawindang na kaganapan sa kanyang mga romansa.

Of course, kahit anong mangyari kay Kris, we love her. She is like our bratinella, distant relative na aliw na aliw tayo.

At ang huling Kris na magiliw, lalong-lalo na ang mga Kapuso, ay si Kris Bermal na sure akong walang relasyon kay Ishmael Bernal, the late great film master.


Kris Bernal
May mga kinilig daw kamakailam sa sorpresa nilang pagtatago ng landas ni Aljur Abrenica na orihinal niyangka-love team. Altar bound na si Bernal sa kanyang  businessman boyfriend na ang tanging reaksyon ko lamang ay “care ko, huh!”Filipino-Chinese


«
Next
Newer Post
»
Previous
This is the last post.

No comments:

Leave a Reply