Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Willie Revillame: Mabait pa rin, tinanggap muli si Super Tekla

Willie Revillame at Super Tekla



 Wowowin avid televiewers and social media followers were able to witness how Willie Revillame welcomed Super Tekla again on his show last week. It’s been three years since Tekla left the show and now he is faced with a burden that made him come back to see the TV host.

Pero bago mag live appearance si Tekla sa Wowowin, sinabi na ni Willie na kinausap na siya ni Donita Nose (Willie’s present co-host) who is Tekla’s good friend. 

Willie, matulungin pa rin sa kanyang kapwa

During rehearsal, napansin daw ni Willie na parang may gustong sabihin si Donita sa kanya kaya inunahan na niya ito. “May sasabihin ka noh?”

Dito na sinabi ni Donita ang mabigat na dinadala ni Tekla na kasalukuyang namumroblema sa maselang kundisyon ng kanyang baby Angelo.

May anorectal malformation ang anak ni Tekla at kinakailangan daw nitong maoperahan sa lalong madaling panahon.

Siyempre, malaking halaga ang involved at knows naman nating mahirap ang buhay ngayon lalo na’t panahon pa ng pandemic.

Iba pa rin si Willie kapag umayuda

‘Yun na! Nasabi na nga ni Donita kay Kuya Wil ang problema ni Tekla at sabi ni Willie, “Eto ha, para lang po sa kaalaman niyo, hindi ko tinanggal sa show si Tekla.

Wala po akong tinatanggal na co-host dito. Minsan, nakikita naming natutulog sa dressing room, at nagulat na lang kami na hindi na siya pumasok.




Kinagabihan, dumating sa live show ng Tutok To Win si Tekla. Sina Kuya Wil at Donita Nose mismo ang sumalubong at nag-interbyu sa kanya.

This time, hindi ang usual na komeyanteng si Tekla ang napanood natin kundi isang taong pilit na nagpapaka-tatag at lumalaban para sa anak. With all humility, Tekla admitted his shortcomings and said na talagang nahihiya raw siyang lumapit kay Kuya Wil para humingi ng tulong. Pero dahil wala na raw talaga siyang malapitan he tried his luck through his friend Donita Nose. And his wish was granted.

Suportado ni Willie si Tekla para sa anak na si Baby Angelo

Sabi ni Kuya Wil, “Dapat lagi tayong may forgiveness sa puso natin. Eh, ganyan talaga ang buhay. Tekla, tutulungan kita at si baby Angelo. Welcome back, Tekla”. Hindi na rin napigilan ni Donita kaya naluha na rin.

This episode also gathered positive reviews from netizens as they were touched by Tekla’s story and how Willie gave him the moral and financial support that he needs.

Sa ngayon, patuloy ang pagkalap ni Tekla ng donasyon para kay baby Angelo. Kahit may naibigay na si Kuya Wil at may iba ring tumulong, hindi pa rin ito magkasya sa maselang pangangailngan ng bata.

Recently, nagkaroon din ng online benefit show ang ilang Kapuso stars para tulungan si Tekla.

Truly, doing good in difficult times still makes a difference in someone’s life.


Eat Bulaga at Wowowin, may pa ayuda bukas

Hosts of Eat Bulaga and Wowowin



Ngayon pandemic isa sa libangan natin ang pagtutok sa mga programa kung saan bukod sa nakakalibang ay maari pa tayo manalo ng cash prize. Kilala na dyan ang Eat Bulaga at Wowowin sa pagbibigay hindi lang ng saya kundi pag-asa sa bawat Pilipino.

Sa darating na July 7, dadagdag sa saya ang Shopee sa 2 programa. Bilang pagdiriwang  ng Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta may special Shake & Win TV special sila sa Wowowin and Eat Bulaga. Tutok lang sa July 7, 12 NN at Eat Bulaga GMA at 5:30 PM to 6:30 PM sa Wowowin GMA para magkaroon ng chance na manalo (total of ₱1.9 million in cash prizes).

May pa-ayuda si Willie

Makakasama ni Wowowin host Willie Revillame ang mga Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Rita Daniela, and Julie Anne San Jose para mas mapasaya tayo. Sobrang hit ang 'Salamat Shopee' segment ni Willie dahil sa mga nakakatuwang eksena kapag natatawagan na ang winners.  Matatandaan may nakapag salita ng masamang salita dahil sa inaakalang scam ang tawag ni Willie. Marami din ang ginawang 'prank' ang segment na 'Salamat Shopee'.  Marami sa ting mga kababayan ang umaasa na matawagan ni Willie dahil sa sitwasyon natin ngayon napakalaking tulong ng halaga 10libo!


Alden Richards-Maine Mendoza

Ang kapuso nating sina Alden Richards at Maine Mendoza naman ang makakasama sa Shake & Win TV Special sa Eat Bulaga. Since last year pa, magkasama na sila Alden at Maine sa pagbibigay ng Shopee saya sa ating mga dabarkads. Nang magbalik sa telebisyon ang Eat Bulaga kamakailan magkasama sila Alden at Maine sa studio kasama ang JoWaPao pero naka social distancing silang lahat.

Patricia Tumulak: EB segment host nag-launch ng "Push to Read" Project

Patricia Tumulak




 Unang nakilala si Patricia bilang beauty queen noong 2009 sa Miss Earth Philippines at nakamit nya ang titulong Miss Earth Philippines-Fire. Sumali din sya sa Binibining Pilipinas noong 2011 at umabot sa top 10 kung saan si Shamcey Supsup ang kinatawan ng Pilipinas noon sa Miss Universe.

PatriciaTumulak

Mas nakilala si Patricia bilang HBD girl noong 2015 sa Eat Bulaga kung saan binabati niya ang mga birthday celebrators araw-araw. Pinasok din nya ang pag-arte at lumabas siya sa iba't-ibang teleserye ng Kapuso Network tulad ng Contessa,  Inagaw na Bituin, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko at Magkaagaw.

Patricia together with her Eat Bulaga co-hosts

In 2018 naging host din siya sa Wowowin pero hindi siya nagtagal after seven months of the same years dahil sinimulan niya ang kanyang "Push To Read" project kung saan tinitipon niya ang mga bata mula sa iba't ibang villages at pinapakita niya ang importansiya ng pagbabasa.

In one for her "Push to Read" Project
Last year, panibagong career na naman ang tinahak ni Patricia ng alukin siya ng GMA Kapuso Foundation at ibigay ang task ng Kapuso School Development sa kanya. Para sa kaalaman ng nakararami, si Patricia ay nakapagtapos ng kursong Child Development and Education Minor in Special Education at naging volunteer teacher. Ayon mismo kay Patricia ay hilig na niya ang pagtuturo kahit noong pa siya ay bata pa kaya masaya siya na naibigay sa kanya ang proyekto ukol sa Edukasyon. Naisagawa ni Patricia ang "Push to Read" school tour noong 2019.

Ngayong 2020, ni-launch niya ang kanyang Youtube channel para sakanyang advocacyn na "Push To Read" para mas maikalat pa ang halaga ng pagbabasa sa ating mga kabataan sa kabila ng ating teknolohiya. Isa din itong 
paraan para maibalik ang hilig ng mga bata sa pagbabasa para mapalago nila ang bokabularyo.


Suportahan natin ang ganitong klase ng advocacy para sa ating mga kabataan. Subscribe na kayo sa "Push To Read" YT channel at sama-sama tayo magbasa.