Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Willie Revillame: Mabait pa rin, tinanggap muli si Super Tekla

Willie Revillame at Super Tekla



 Wowowin avid televiewers and social media followers were able to witness how Willie Revillame welcomed Super Tekla again on his show last week. It’s been three years since Tekla left the show and now he is faced with a burden that made him come back to see the TV host.

Pero bago mag live appearance si Tekla sa Wowowin, sinabi na ni Willie na kinausap na siya ni Donita Nose (Willie’s present co-host) who is Tekla’s good friend. 

Willie, matulungin pa rin sa kanyang kapwa

During rehearsal, napansin daw ni Willie na parang may gustong sabihin si Donita sa kanya kaya inunahan na niya ito. “May sasabihin ka noh?”

Dito na sinabi ni Donita ang mabigat na dinadala ni Tekla na kasalukuyang namumroblema sa maselang kundisyon ng kanyang baby Angelo.

May anorectal malformation ang anak ni Tekla at kinakailangan daw nitong maoperahan sa lalong madaling panahon.

Siyempre, malaking halaga ang involved at knows naman nating mahirap ang buhay ngayon lalo na’t panahon pa ng pandemic.

Iba pa rin si Willie kapag umayuda

‘Yun na! Nasabi na nga ni Donita kay Kuya Wil ang problema ni Tekla at sabi ni Willie, “Eto ha, para lang po sa kaalaman niyo, hindi ko tinanggal sa show si Tekla.

Wala po akong tinatanggal na co-host dito. Minsan, nakikita naming natutulog sa dressing room, at nagulat na lang kami na hindi na siya pumasok.




Kinagabihan, dumating sa live show ng Tutok To Win si Tekla. Sina Kuya Wil at Donita Nose mismo ang sumalubong at nag-interbyu sa kanya.

This time, hindi ang usual na komeyanteng si Tekla ang napanood natin kundi isang taong pilit na nagpapaka-tatag at lumalaban para sa anak. With all humility, Tekla admitted his shortcomings and said na talagang nahihiya raw siyang lumapit kay Kuya Wil para humingi ng tulong. Pero dahil wala na raw talaga siyang malapitan he tried his luck through his friend Donita Nose. And his wish was granted.

Suportado ni Willie si Tekla para sa anak na si Baby Angelo

Sabi ni Kuya Wil, “Dapat lagi tayong may forgiveness sa puso natin. Eh, ganyan talaga ang buhay. Tekla, tutulungan kita at si baby Angelo. Welcome back, Tekla”. Hindi na rin napigilan ni Donita kaya naluha na rin.

This episode also gathered positive reviews from netizens as they were touched by Tekla’s story and how Willie gave him the moral and financial support that he needs.

Sa ngayon, patuloy ang pagkalap ni Tekla ng donasyon para kay baby Angelo. Kahit may naibigay na si Kuya Wil at may iba ring tumulong, hindi pa rin ito magkasya sa maselang pangangailngan ng bata.

Recently, nagkaroon din ng online benefit show ang ilang Kapuso stars para tulungan si Tekla.

Truly, doing good in difficult times still makes a difference in someone’s life.


Eat Bulaga at Wowowin, may pa ayuda bukas

Hosts of Eat Bulaga and Wowowin



Ngayon pandemic isa sa libangan natin ang pagtutok sa mga programa kung saan bukod sa nakakalibang ay maari pa tayo manalo ng cash prize. Kilala na dyan ang Eat Bulaga at Wowowin sa pagbibigay hindi lang ng saya kundi pag-asa sa bawat Pilipino.

Sa darating na July 7, dadagdag sa saya ang Shopee sa 2 programa. Bilang pagdiriwang  ng Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta may special Shake & Win TV special sila sa Wowowin and Eat Bulaga. Tutok lang sa July 7, 12 NN at Eat Bulaga GMA at 5:30 PM to 6:30 PM sa Wowowin GMA para magkaroon ng chance na manalo (total of ₱1.9 million in cash prizes).

May pa-ayuda si Willie

Makakasama ni Wowowin host Willie Revillame ang mga Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Rita Daniela, and Julie Anne San Jose para mas mapasaya tayo. Sobrang hit ang 'Salamat Shopee' segment ni Willie dahil sa mga nakakatuwang eksena kapag natatawagan na ang winners.  Matatandaan may nakapag salita ng masamang salita dahil sa inaakalang scam ang tawag ni Willie. Marami din ang ginawang 'prank' ang segment na 'Salamat Shopee'.  Marami sa ting mga kababayan ang umaasa na matawagan ni Willie dahil sa sitwasyon natin ngayon napakalaking tulong ng halaga 10libo!


Alden Richards-Maine Mendoza

Ang kapuso nating sina Alden Richards at Maine Mendoza naman ang makakasama sa Shake & Win TV Special sa Eat Bulaga. Since last year pa, magkasama na sila Alden at Maine sa pagbibigay ng Shopee saya sa ating mga dabarkads. Nang magbalik sa telebisyon ang Eat Bulaga kamakailan magkasama sila Alden at Maine sa studio kasama ang JoWaPao pero naka social distancing silang lahat.

Clint: Ilusyon pa rin si Catriona

Clint Bondad



 Pagkatapos ng apat na buwang pahinga sa social media, muling nagbalik ang model-turned-actor na si Clint Bondad.

Updated na raw ang mga social media accounts nito. Sa kanyang Instagram, nag-post ito kamakailan sa kanyang IG Stories ng photo ng dalawang alaga niyang aso.

Nang tingnan ng netizens ang kabuuan ng IG ni Clint, hindi pa rin niya dini-delete ang photos ng ex-girlfriend niyang si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Clint, mahal pa rin si Catriona kahit may Sam na

Kahit karelasyon na ni Catriona ang aktor na si Sam Milby, hindi pa rin inaalis ni Clint ang photos nila ni Catriona. 

Pakiramdam ng netizens ay hindi pa rin kayang i-let go ni Clint ang higit na anim na taong relasyon nila ni Catriona. Pero tahimik pa rin si Clint tungkol sa relasyon ni Catriona kay Sam.

Last year ay na-link si Clint sa CEO ng JKN Global Media Public Company Limited na si Anne JKN na taga-Thailand.

Pero pinabulaanan ni Clint at Anne na wala silang anumang relasyon at parang magkapatid lang ang turingan nila sa isa't isa.

*****
Hindi raw ipagdaramot ni Willie Revillame ang pagbigay niya ng tulong sa former co-host ng Wowowin na si Super Tekla.

Pinarating kay Willie ni Donita Nose ang paghingi ng tulong ni Super Tekla para sa kanyang bagong silang na anak na may anorectal malformation o walang butas ang puwet nito.

Willie,palaging tumutulong
Sa programang Wowowin noong nakaraang Thursday, sinabi ni Donita  na nahihiya raw si Tekla na lumapit kay Willie at nakiusap na siya na lang ang magsabi rito.

“Kuya Will, walang-wala talaga si Tekla ngayon dahil tatlong buwan itong walang trabaho dahil sa lockdown. Kung puwede raw sana, matulungan natin siya para sa anak niya," sey ni Donita.



Sa Wowowin unang nakilala si Super Tekla pagkatapos siyang irekomenda ni Donita kay Willie. Hanggang sa nawala ito sa show.

Naging tapat naman si Willie sa pagsabi na may naging tampo siya kay Tekla dahil sa biglang pag-iwan nito sa kanilang show.

“Bago ang lahat, magkaalaman na tayo. Ang totoo ay hindi ko pinaalis si Tekla sa show. Siya ang umalis. Kasi nagte-taping kami tulog siya. Noong hinahanap namin siya, bigla na lang siyang nawala at umalis na raw.

“Hindi niya kami kinausap o tinawagan man lang para magpaliwanag. Nalaman na lang namin na kumuha siya ng sarili niyang manager.

Super Tekl, humingi ng tulong para sa anak
“Ako naman, di ako nagtatanim ng sama ng loob sa kahit kanino. Dahil may pinagdaraanan ka Tekla, at kailangan ipagamot ang anak mo, makakaasa ka ng tulong ko.

“Sabi ni Donita, nahihiya kang lumapit sa akin. Okey lang yon dahil handa akong tumulong para sa anak mo,” diin pa ni Willie.

Dagdag pa ni Willie na gusto niyang tapusin ang mga maling usap-usapan sa nangyari sa kanila ni Tekla.

“Tapos na yon at kailangan sa panahon ngayon, nagmamahalan tayo. Maging mabait tayo sa isa't isa. Tigilan na natin ang siraan dahil tayu-tayo rin ang magtutulungan sa bandang huli.”

*****

Isang nang ganap na degree holder ng BS Medical Technology mula sa Fatima University Medical Center in Antipolo ang ‘Bubble Gang’ babe na si Denise Barbacena. 

Proud niyang pinost sa Instagram account ang kanyang official graduation photo. 
Bubble Gang Babe Denise
“It took ten long years and a pandemic. I'd like to thank my family, dear friends, and loved ones who supported me and cheered for me every time things were a bit heavy to handle. 

“To my beloved professors and to my Artist Center family, thank you. You all made this journey possible. I am beyond blessed to be able to work and go to school at the same time. I don't know what the future holds, but will continue to walk in faith,” caption pa niya.

*****

Nagtapos na ang relasyon ni Ryan Seacrest sa kanyang kanyang 28-year old girlfriend na si Shayna Taylor.
Ryan and girlfried Shayna Taylor
Ayon sa spokesperson ni Seacrest: “Ryan and Shayna decided to end their romantic relationship amicably some time ago. They remain good friends, each other’s biggest supporters and will always cherish their time together as a couple.”

May nakitang ibang babae na kasama si Seacrest kamakailan.


Kris Aquino: Nag-enjoy sa lockdown

Kris Aquino, Kuya Josh and Bimby



 Kris Aquino will surely miss the serene island life as she is now back in her home in Quezon City with her sons, Josh and Bimb. Matatandaang inabutan ng lockdown nu’ng March 15, 2020 sa Puerto Galera sina Kris, Josh at Bimby habang nasa bakasyon sa resort ni Willie Revillame.

Minabuti ni Kris na lumipat sa ibang resort hotel dahil nahihiya umano siya kay Willie kahit sabihin pang good friends sila, ayaw daw niyang sabihing tini-take advantage ang kabaitan ng kaibigang game show host. 

Kris, Josh and Bimby enjoying their bonding in Puerto Galera
When Kris and her sons transferred to another resort, Willie made sure Kris was okay dahil nga bisita sila sa nasabing lugar. Willie had two of his staff, Chec and Randy, accompany Kris just to make sure they are comfy at may makakasama sila nina Josh at Bimby. Kris was just as happy to have been welcomed by the residents of Calapan and Puerto Galera island kaya in return nagpa-abot din ng tulong si Kristeta sa mga nawalan ng trabaho pati na sa kalapit bayan ng Calapan dahil sa lockdown. 

a healthy vacation for Kris during the lockdown
During her stay in Puerto Galera, her health was not that stable kaya strictly monitored siya. Buti na lang merong nurse and doctor who regularly looks after her and checks on her. Maging si Bimby eh nagkasakit din doon, buti na lang maagap at maalaga si Kris at malaking tulong din na may katuwang siya sa paligid niya.

Sa totoo lang, na shock ang marami nu’ng makita ang mga posts ni Kris sa social media na naka-simpleng shirt at shorts lamang siya, na to most of the Filipino viewers is the epitome of class, the one who always dresses up in signature clothes and a woman of style. 

Pero nakakatuwang makita si Kris donned in a simple white shirt and hawaiian shorts na nabili daw nila from a store sa Calapan. 

A laidback  beah vacation is just perfect for Krissy
Josh also wore the same in their photo together. Hmmn, seems they have embraced not only the beauty of nature but also the simple joys of life.

Back now in her Quezon City home, Kris is enjoying her time especially with Josh who just turned 25 years old last week. Mabuti na lang hindi na masyadong inallergy si Kris while they were traveling back home. Kris once again thanked the people who have been so helpful to them, who cooked for them while on lock down. In return, walang humpay naman ang pa-FB live ni Kristeta at nagsi-share ng blessings sa mga netizens. Bongga, di ba?

So, watch and wait na lang tayo kung ano ang mga ganap sa buhay ni Kris in the coming days. 

We may not get to see her on national TV but her star continues to radiate and her name continues to ring bells than those in the mainstream. Aminin!