Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Robin Padilla: Biktima ng Fake News

 



 

Fake News ang balitang nagka-COVID-19 si Robin Padilla at misis niya na si Mariel Rodriguez

"Common flu lang. Ok na," mensahe niya sa amin thru our regular correspondence. "Mahirap magkasakit ," dagdag pa niya sa message niya sa amin.

He can't afford na magkaganun(magkasakit), lalo pa't muling aktibo siya sa kanyang community work at sa dalawang bagong television shows ng NET25 on agri-business, livestocks and small businesses like pagawa ng kakanin, food (karideria), etc na "Unlad' Kaagapay sa Hanapbuhay na devcom para sa mga kababayan natin na kailangan ng tulong impormasyon na napapanood every Sunday at 7:00PM and Saturday at 9:00 in the morning na nagsimula noong July of this year.


Last Sunday, September 27 ay may bagong musical sitcom na ini-launch ang istasyon na siya ang main host together with Vina Morales and Pilita Corrales titled "Kesaya Saya" na mapapanod naman at 6:30 in the evening.

*****

Ang ganda ng unang sultada ng Kuwentong Sandaan series kung saang nagbibigay pugay ang FDCP sa pangunguna ng kanilang Chairperson @lizadino sa mga living legends ng pelikulang Pilipino at ng industriya. Nakakatuwa ang kuwento ng beterang aktres na si Ms. Gina Pareño tungkol sa pagsisimula niya bilang isang extra sa pelikula hanggang sa dumating ang takdang panahon niya bilang isang bida.

 Congratulatios FDCP sa effort ninyong ito in selebrasyon ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino at sa Isang Daang Taon pa ng Pelikulang Pilipino. Mabuhay ang FDCP! 

Bukas, Wednesday ay mayoong dalawang oras na selebrasyon ang FDCP para sa pagtatapos ng sandaang taon ng pelikulang Pilipino at ang pag-welcome naman ng #SineSandaanNext100 with an online concert featuring Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Lea Salonga to name a few.

The show starts at 8:00PM at mapapanood online sa Facebook.com/FDCPPH. Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Good work FDCP!
 
*****
Tama lang na idinemanda ni Liza Soberano ang isang netizen para malaman ng mga gumagamit ng social media na may responsibilidad sila sa mga ipino-post nila na opinyon na kung hindi sila maingat ay pwede sila mademanda at makulong. Sabi nga "Think Before You Click!"
 
Kaya sa mga netizens na walang pakialam na akala nila ay kahit sino ay pwede na mag-rant ay hinay-hinay at baka kayo mademanda ng cyber libel.   
 


Enzo Manzano: Pinalaki ng ama sa ibang pamamaraan

Enzo Manzano


 Nasa pagpapalaki ng magulang kung ano man ang kahihinatnan ng kanyang anak paglaki.Tulad sa disiplina at pamamaraan ng aktor na si Edu Manzano, madami ang humanga sa anak niya na si Enzo Manzano nang mag-isa ito nag-potesta laban sa "Anti Terror Act na isinagawa ng binata sa New york city kamakailan.

Natutuwa ako kapag ang mga anak ay may sariling paninindigan. At least mayroon silang mga balls tulad na lang halimbawa sa kaso ni Enzo na anak ng aktor at dating modelo na si Rissa Samson.

Nasorpresa ang marami sa recent protest na isinagawa ng binata mag-isa sa harap ng United Nations HQ at Philippine Embassy na pinanindigan ang kanyang paniniwala laban sa panunupil sa karapatan ng tumbayan kapag naipasa ito at napirmaha ni PDuterte na kapag naisakatuparan ay dagdag “kapangyarihan” ito sa kanya na ang mga magpo-protesta ay pwede hulihin at ikulong kahit warrant less.
 
Enzo and his dad

Bitbit ang sariling gawa na protest placard, si Enzo ay hinangaan ng milyon-milyong Pilipino na lumalaban sa Anti-Terror Act. Matapang ang binata. Nakasulat sa placard na hawak niya ang mensahe in bold black text na: THE PHILIPPINE GOVERNMENT IS DESTROYING MY COUNTRY'S DEMOCRACY! HEAR US NOW (BEFORE IT'S TOO LATE).

 Ang amang si Edu naman ay walang kamalay-malay sa ginawa ng anak. Nagulat na lang ito nang makita ang IG posting ng binata.

Bongga ang opinion ng actor sa ginawa ni Enzo. Sa panayam ng manunulat na si Gory Rula sa radio station DZRH, pinalaki ni Edu ang mga anak niya sa isang liberal na pamamaran reason kung bakit bukod sa mga open-minded at may sariling opinion, matatapang at may paninindigan ang mga ito.

Edu with kids:Luis, Addi and Enzo

To quote Edu na sinasabi niya palagi sa mga anak:” ‘Kung meron kayong gustong sabihin, sabihin ninyo.’ Which is a good training para maging vocal ang mga ito sa nararamdaman at nasa sa isip nila. 

Sa isinagawa ni Enzo na solo protest, ang mga girls, lalo siya hinangaan. Sa katunayan, siya ang bagong “Crush ng Bayan” aside from Pasig City Mayor Vico Sotto.



Sa kaalaman ng mga interesado ay Fab ang educational background ni Enzo. Nag-aral sa Xavier School at La Salle noong elementary at DLSU noong college just like his dad na true-blue Lasalista. Achiever si Enzo tulad sa diskripsyon ng ama. Noong college ito, si Enzo ay Dean’s Lister na nang mag-decide ipagpatuloy ang graduate studies ay nag-aral ito sa UCLA in Los Angeles, Caifornia in the United States.

Yes, binata si Enzo, not committed ang puso kung kanino man.Interested?

P.S. Sexy ni Enzo huh!



LA Santos: Sexier in Ala-Ala

LA Santos



 Alam ko na isa si Mommy Flor (Mother ng singer-composer-performer) na si LA Santos na matutuwa kapag maganda ang naisusulat at mga reviews sa mga gawa at performances ng anak niya.

 Yes, I have been following LA since mag-simula siya. Sa ilang mga live performances niya, napapanood ko. Every performances, may bago. Kumbaga, nagle-level up ang binata.
 
His latest music video now online

Sa kanyang mga music videos, nagustuhan ko ang mala-latin beat ng "Isang Linggong Pag-ibig" na mula sa  orihinal na musika ng Jukebox Queen na si Imelda Papin. Imagine, ang baduy music ay maiba ang timpla.

With the music video, nagustuhan ko ang mala-Enrique Iglesias or Ricky Martin performance ni LA sa video. Ang swabe ng move. Sexy just like Enrique or Ricky.

With his latest  music video na Ala-Ala, iba naman ang klase ng performance ni LA. More sexier with an opening shot na bumangon siya from bed with a sexy lady beside him na naka-cover lang ang breast with a white soft blanket na nakahaging sa dibdib niya ang ulo ng overnight guest niya na tipong they had sex


LA's recent birthday concert
Groove music naman this time. Tunog hip-hop.na nakadagdag sa listnof his multi-musicality 

Si LA , nagset-up ng sarili niyang recording studio-production called 7K Sounds na mas makakatulong him to explore and discover his musicality and talent as a composer-singer-performer.

Watch-out for LA's sister Kanishia Santos. Saw their online performance  when they di a duet and my verdict, they need to do a live online concert very soon.

Goodluck Kiddo!


Mayor Goma: May alternative sa stress ng trabaho

Richard Gomez




 Achiever talaga si Goma who is now known as Ormoc City Mayor Richard "Goma" Gomez.

Noong nasa showbiz pa siya, lahat ng bagay na pinapasok niya, lahat ay wagi o' panalo siya.


Sa showbiz, hindi siya isang putsi-putsi na artista. Aktor siya. Magaling, sikat at respetado. Dumaan man ang panahon  mataas pa rin ang tingin at estado niya sa showbiz.

Sa larangan ng public service, napatunayan naman niya sa milyon-milyong constituents niya sa lunsod ng Ormoc that he excel sa lahat ng mga ginagawa niya reason na panatag ang loob ng mga Ormocanon na tama at hindi sila nagkamali sa inihalal nilang Punong Bayan.

For a better rice distribution para sa mga Ormocanon

Sa diskarte ni Mayor Goma, hinahangaan siya ng kapwa niya public official. Ang kanyang isang kaban na bigas sa bawat household ay ginaya ng ibang mga alkalde dahil alam nila na mas systematic ang distribution para mabilis at makarating kaagad sa mga kababayan niya ang ayuda. Wala na takal-takal o' kilo-kilo na nakakasabagal ng tulong.

Sa katunayan, nasa-second wave na ang ang Isang Kaban na pa-bigas para sa taga-Ormoc na sinimulan niya yesterday kasama ang ibang opisyales ng lunsod.




Magaling si Mayor Goma sa kanyang planing at execution ;para sa paghahatid ng serbisyo. Kaya nga nakampanghihinayan na ng dating  COVID-19 Free na lunsod, ngayon ay napasok na ng virus dahil sa ngniba sa kanilang inapurang "Balik Probinsiya" na atat na atat without coordinating with the Ormoc LGU.
The best option to contain COVID-19 in Ormoc

Para less stress at wala na magagawa pa kundi dagdag ingat at paghihigpit na lang ang lunsod sa management nila sa pandemya, ipinatayo ng Ormoc LGU ang isang alternative isolationfacility para sa COVID-19 na isa sa pinagtuunan ni Mayor Goma ng pansin.

In between his work ang doing his responsibilities sa mga constituents niya,recently ay ni-launch ang online cooking show niya na "Goma at Home" .

Sa mga past episodes, he cooked Carbonaraasta na sinundan ng Pork Humba na ginagawang reference ng mga ngayon pa lang natututong magluto.

Last Sunday, Father's Day, Mayor Goma cooked Sinigang na Baka na pinaasim ng hilaw na mangga together with only daughter Juliana.


Kuwento ng blogger na si Jing Javier, sinusundan niya ang Goma at Home at mga recipes at cooking tips nito. Madami followers ang online cooking show ni Mayor as an alternative sa stressful work niya as Mayor.

Sa bahay ni Mayor Goma sa Ormoc, may mga alaga siya na mga free range chicken, gansa and ducks. May mga vegetable plots din siya like petchay and tomatoes na ipinakita niya sa kanyang socmed account ang pag-harvest ng mga ito.

Si Mayor Goma, madiskarte talaga at sa lahat ng pagkakataon he really tops.





Marion and Cool Cat Ash: Perfect Teamwork

Marion Aunor and Cool Cat Ash













 Parang kailan lang na ang sinasabing mahiyaan na anak ng dating Teen Superstar of the 70's na si Maribel"Lala Aunor" of the Apat na Sikat fame ay susunod sa yapak niya.
Cool Cat Ash and Marion with mom Maribel "Lala' Aunor

Ang tinutukoy ko ay ang bunsong anak niya na si Ashley Aunor na mas kilala sa kanyang moniker na Cool Cat Ash na isa ngayon sensation sa social media with her rock and roll and novelty type of music lalo pa't sa kanyang launchig song na "Mataba" with corresponding music video (na cute and funny), goes viral online na ako mismo, hindi ko ini-expect na ang Ashley na nakilala ko noon ay mahiyaan at walang lakas ng loob para maging isang performer ay humahataw ngayon. Teamwork


Cool Cat Ash

Younger sister si Ashley ng "hugot" singer-composer na tawag ko ay Alicia Key of the Philippines na si Marion Aunor na ang mga kompsisyon ay kilala sa mga theme songs ng mga Viva Films "hugot" movies like"Ang Pambansang Third Wheel" na bida sina Yassi Pressman at Sam Milby; Delikado for the film "Just A Stranger" nina Ann Curtis at Marco Gumabao; ang movie nina Xian Lim at Louis delos Reyes na " Hanggang Kailan", at madami pa

Marion Aunor

Sa katunayan, ang ganda ng team work ng magkapatid dahil bukod sa pagiging performer-singer( at composer din) ni Ashley ay isa din music engineer na magaling sa technical aspect ng music recording and mixing, while Marion naman ay mas concentrated sa kanyang pagko-compose at pagkanta.

Actually, sa recent music video launch ng Star Music ng "Diyosa ng Kaseksihan" last May 9, 2020 ay aliw si Cool Cat Ash (Ashley). Sa pagiging chubby niya, siya ang center of attraction ng mga hunky papables sa eksena nila sa isang waterfall na kahit "healthy" ay  pinagkaguluhan siya 

ng mga men. Ashley by the way studied music engineering in France while Marion is a member of The Grammy.










Kapamilya Channel: Legal ba umere?

Mga serye na kasama sa Kapamilya Channel





 Madami ang nagtatanong, legal ba ang pagpapalabas ng mga shows ng ABS-CBN sa bagong tatag nila na Kapamilya Channel kung saan doon lumalabas ang mga serye nilang Love Thy Woman, FPJ's Ang Probinsiyano,The General's Daughter at iba pa kung saan doon nakatalaga o' pwesto ng dating ABS-CBN na ngayon ay nakabinbin ang franchise at inilalaban pa rin ng legal arms ng kompamya para maibalik sa ere for free TV?

Happy ang mga artista ng serte dahil balik trabaho sila
Sa local cable channel ko, its the same Channel 8 ang pwesto na dating bahay ng ABS-CBN na ngayon ay naka-assign sa Kapamilya Channel.

Sa "pagbabalik"sa ere ng mga seryeng tatak ABS-CBN, merong ilan ang hindi na naka-awra like ang shows nina Liza Soberano at Enrique Gil at ang Pamilya Ko nina Sylvia Sanchez, JM de Guzman, Kiko Estrada, Rossana Roces at Joey Marquez.

Sylvia Sanchez's Pamilya K, hindi nakasama
Pansin ko, wala sa naturang Kapamilya Channel ang pinapanood ko nightly na news program na TV Patrol nina Noli Boy de Castro, Bernadette Sembrano at Ted Failon. Meron silanlocal news na ng titulo ay News Patrol, kaya kapag TV Patrol na ay change channel ako at lipat sa DZMM TeleRadyo.

Tanong ng marami, may isyu pa rin ang"ABS-CBN Black Box kung saan napapanood ang Kapamilya Channel show's like It's Showtime sa Jeepney TV at ang mga serye nina Kim Chiu, Xian Lim, Christoper de Leon, Coco Martin sa Cinemo Channel sa black box?

Tama lang ba ang ginagawa ng ABS-CBN management sa diskarte nilang ito habang inilalaban pa sa kogreso ang kanilang prankisa? Unti8l npw tuloy ang panguurirat sano[insyoko, paulit-ulitang mgatanonh na naghahanap na lang ng butas para lang magtagal ang hearing.

As of presstime,narito ang ilan na mga shows na napapanood sa Kapamilya Channel sa kasalukuyan:


1. FPJ's Ang Probinsyano
2. A Soldier's Heart
3. Love Thy Woman
4. Magandang Buhay
5. The Voice Teens
6. TV Patrol
7. Paano Kita Mapapasalamatan - Every Saturday
8. Iba Yan - Every Sunday
9. The World of a Married Couple
10. It's Showtime

Kung saan mauuwi ang laban ng ABS-CBN sankanilang franchise ay abangan na lang natin. I wish my friends sa Kapamilya Network na ang ending ay para sa kanilang kapakanan