Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Sanya Lopez: Dahil NBSB, certified virgin pa rin

Sanya Lopez



 Dream come true kay Sanya Lopez ang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor. Nang mainterbyu namin sa pictorial ng pelikulang "Isa Pang Bahaghari" kamakailan ay kinuwento niya ang naging working relationship niya sa magaling na aktres.

"Sobrang  saya. Sobrang  professional. 'Pag acting, prepared talaga siya. Kaba at na-intimadate ako," tsika niya.

Working with Nora is a dream come true for Sanya
"Hindi ko man mapantayan , mapalapit  man lang sa akting ni Ate Guy. Bilib ako sa kanya. Walang kaarte-arte. Sana balang araw maging katulad din niya ako,"
sey  pa niya.

Bukod kay Nora, hinangaan din niya ang beteranong aktor na si Philip Salvador sa maganda nitong pakikisama.  Napaka-sweet daw ni Kuya Ipe sa lahat. Pakiramdam ni Sanya ay anak siya ng aktor sa totoong buhay.

Nanghihinayang naman siya sa hindi pagkakatuloy ng Summer Metro Manila Film Festival dahil sa Covid 19.

"Sa umpisa medyo nalungkot po kasi at last maipapalabas na sana ang Bahaghari pero since para sa kabutihan po natin ang pagkakaroon ng ECQ kaya naiintindihan ko naman po.
No boyfriend since birth, kumpirmado that she's a virgin
"May pinagdadaanan kasi na krisis ang bansa natin. Pag maayos na ang lahat ay tiyak na matutuloy na ang pagpapalabas po ng pelikula namin."

Sa kanya namang personal na buhay, sinabi ng young actress na zero pa rin ang lovelife niya.

"Siguro dahil baka hindi pa po talaga dumadating yung taong ma-iin love po ako. Gusto ko po kasi i-take  advantage ang mga panahong ito na nabibigyan ako ng magandang opportunity dito po sa showbiz.

"Alam ko po na darating din po yon in God’s time. Ibibigay din ni God ang mamahalin ko at mamahalin din ako ng lubos."

Barbie at Kate, naging adik na!

Barbie Forteza and Kate Valdez 





Habang stop muna sa taping n GMA series na pinagbibidahan nila ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kate Valdez, inaaliw muna ni Kate ang kanyang sarili sa sikat ngayong social media app na TikTok (ang daming celebrities na adik rin sa naturang app.-Ed)

Dahil bago pa lang sa TikTok, ang kapatid daw nito na si Karen ang nagturo ng dance moves sa viral song ni Justin Bieber na Yummy. 

Barbie and Kate pang-aliw ang TikTok
Pinuri naman ng netizens ang tinatagong galing ng Kapuso actress sa pagsasayaw.

“Ang galing naman sumayaw ni Caitlyn este Kate pala.” Biro pa ng TikTok user na si Irish dela Cruz, “Sana all magaling sumayaw.” 



Bukod sa dancing, hinahangaan din si Kate sa husay nitong gumanap bilang si Caitlyn sa serye nila ni Barbie na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.


*****

Isa si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa mga nanawagan sa importansya ng pagkakaisa at kooperasyon sa gitna ng banta ng COVID-19.

Sa kanyang post sa Instagram, hinikayat ng Descendants of the Sun lead actor na ngayon mas kailangan na pairalin ang pagtutulungan ng bawat isa.

Dingdong Dantes
"We are now in a battle that challenges systems, institutions and the very core of our humanity. At ang labang ito ay nangangailangan ng ating kooperasyon at pagtutulungan. Now, more than ever, we are challenged to be responsible citizens to the best of our abilities."

Bukod diyan, mahalaga rin ayon kay Dingdong na pag-ingatan ang katawan at protektahan ang ating mga sarili para lumakas ang ating resistensya laban sa virus at iba pang impeksyon.

“Nagsisimula ito sa pagpapalakas ng ating kalusugan at disiplina sa ating sarili, dahil dito nakasalalay ang kalakasan ng ating mga pamilya at ng ating komunida.” 

Pinaalalahanan din ng Kapuso actor ang lahat na ang kasalukuyang krisis na ito sa kalusugan ay hindi lang laban ng gobyerno at mga private sector kung 'di laban din ng bawat isa.

Umani naman ng mga positibong komento mula sa netizens ang panawagan na ito ni Dingdong sa social media. 

*****

May new look ang Kapuso star na si Sanya Lopez at ayon sa kaniyang mga tagahanga, lalo siyang gumanda.

Pinuri ng Instagram followers ang short hair niya at bagay na bagay daw sa aktres. 

Sanya Lopez
Naging mas active sa social media ngayon si Sanya at panay ang update niya sa mga fans ng pinagkakaabalahan habang naka-quarantine. 

Aliw na aliw din ang followers sa mga TikTok videos ni Sanya na talaga namang nakakapag-bigay ng good vibes.

Samantala, muli siyang mapapanood sa primetime bilang si Danaya sa hit 2016 remake ng telefantasya na 'Encantadia' pagtapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.


*****

Kabilang ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa nais maghatid ng entertainment sa ating mga kababayan habang meron pang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Julie Anne Sam Jose
Sa isang YouTube video, inialay ng All-Out Sundays star ang kantang “Stand By Me” para sa lahat. Pinahanga niya ang mga subscribers sa short acapella cover ng sikat na kantang ito. Ramdam nila ang pag-asa sa inawit na ito ni Julie.

Dasal ni Julie na malagpasan nating lahat ang pagsubok na ito.