Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Heart Evangelista: Apektado dahil sa bashing

Heart Evangelista





 Nagsalita na ang Kapuso actress na si Heart Evangelista-Escudero laban sa patuloy na pamba-bash sa kaniya sa social media. 

Sa pamamagitan ng Instagram story, inilahad niya ang nararamdamang sakit tuwing nakakatanggap siya ng hateful comments.
Heart Evngelista
“You think it's ok to hurt people? You think just because you see something nice you are allowed to destroy it? Nobody has the right to destroy your happiness just because they want to or just because they can." 

Matatandaang ibinahagi rin ng aktres ang kanyang nararanasang depression sa isang episode ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Dasal ni Heart na gabayan siya ng Diyos sa kanyang mga pinagdadaanan ngayon at mananatili na lang siya sa pagtulong at pagmamahal sa kapwa.

*****

Ibinahagi ni Mikee Quintos ang kanyang dilemma sa pag-aartista at pag-aaral. 

Sa kasalukuyan, Architecture student si Mikee sa University of Santo Tomas.

"I took a break for a whole [semester] during The Gift, 'di talaga ako nag-aral 'nung time na 'yon. Lagi kong naiisip na parang nag-uumpisa na sa isip ko 'yung sinasabi sa 'kin ng daddy ko, ng mom ko na 'Pag nag-stop ka, 'di ka na babalik kaya 'wag kang magso-stop."

Mikee Quintos
"Iniisip ko nung The Gift na baka biased lang ako mag-isip ngayon kasi happy ako, nagte-taping ako. Baka nauunahan ko lang sarili ko na 'di ko lang gustong mag-aral. Pero come January, okey naman, nakapag-enroll ako, I started studying again, nami-miss ko mag-plate, oo, pero hindi pa ako fully into it," kuwento ni Mikee. 

Na-realize ng Kapuso actress na sa gitna ng quarantine na ang pag-arte talaga ang nais niyang gawin hanggang sa siya’y tumanda.  

"One night, kinuwento ko 'yon sa ate ko. Sinabi ko sa kanya na, 'Ate, napapaisip ako, ganito nafi-feel ko, how am I gonna tell my mom and dad? How are they gonna understand this?' Sabi niya sa'kin, 'Sinasabi mo na nand'yan 'yung passion mo, 'yung heart mo sa acting. If it's really there, kahit mag-aral ka, kahit gaano katagal 'yung kunin mong break sa showbiz, babalik at babalik ka 'eh. Magkakaroon at magkakaroon ka pa rin ng work in the future kung nand'yan talaga 'yung heart mo.

“Doon ko naisip na it's true na if it's for you, it's gonna happen. You just have to trust the process and trust God that he has a plan for you. Tapos 'yun na, na-excite na akong mag-plates ulit.”

Panoorin ang heart-to-heart talk ni Mikee with Andre Paras sa official YouTube channel ng Kapuso actor. 

*****

Bukod sa kanyang science experiments sa award-winning infotainment show na iBILIB, busy rin si Chris Tiu sa kanyang duties bilang brand ambassador ng Department of Science and Technology (DOST). 

Chris Tiu
Nag-share si Chris sa isang promotional video ng DOST ang kanilang binuong sustainable mask na importante bilang panangga sa COVID-19. 

Ayon kay Chris, ang REweark mask daw ay coated with liquid repellency finish na nagbibigay extra protection sa mga magsusuot nito. 




Ang REweark mask ay maaring gamitin ng 50 beses basta sundan lang ang wastong paglilinis dito. 

Mona Louise Rey: Ingat dahil may problema sa kanyang health

Mona Louise Rey



 Fifteen years old na pala ang dating child actress na si Mona Louise Rey.

Makikita sa Instagram account ang malaking pagbabago ng dating 6-year old na bumida sa GMA primetime series na Munting Heredera noong 2012. Fifteen years old na siya ngayon.

Marami pa ring fans ni Mona kahit na nagpahinga ito sa showbiz para mas tutukan ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan ay meron itong 1.5 million followers sa IG.

Mona Louise, is Type 1 diabetic
Ang kanyang YouTube channel naman ay higit na 1 million subscribers na.

Kaya hindi nagpatalo si Mona sa kanyang Ate Ivana Alwani. Kung sexy ang image ni Ivana, pang-wholesome naman si Mona.

Marami na ang nakaka-miss kay Mona dahil naalala pa ng kanyang mga fans ang mga teleserye na ginawa niya tulad nga ng Munting Heredera, Aso Ni San Roque at Luna Blanca kunsaan nagsama sila ni Jillian Ward.

Huling teleserye na ginawa ni Mona ay ang Hahamakin Lahat noong 2017.

Alam din ng mga tagahanga ni Mona ang tungkol sa kanyang sakit na diabetes. 

Kinuwento kasi noon ni Mona na meron siyang Type 1 diabetes at siya  mismo ang nag-i-inject ng insulin sa sarili niya dalawang beses sa isang araw.

Hanggang ngayon daw ay ginagawa pa rin niya ang pag-inject ng insulin at pitong taon na raw niya iyon ginagawa.

*****

May bagong show na aabangan sa Kapuso network ang 2019 Miss World Philippines Michelle Dee.

A new show for Michelle
Kakaibang Michelle ang mapapanood sa kanyang bagong proyekto kasama ang GMA Artist Center na may kinalaman sa world of gaming.

“Been thinking of different ways to entertain everyone during the ECQ and this is one of them! Everyone's used to seeing my Beauty Queen persona, so this might be interesting to most of you but trust me, i have some really exciting content coming your way!!! Oh, and i'll be working together with @gmanetwork and @artistcenter too so watch me play with your favorite celebs! LETS GOOOOO,” post ng beauty queen sa kanyang IG.

Marami ang na-excite sa project na ‘Michelle's Gaming World’ kasama na rin dito ang kapwa niya celebrities na nagiging hobby ang online gaming lalo na ngayon at may lockdown.

Patuloy pa rin napapanood si Michelle kasama sina Winwyn Marquez at Thia Thomalla sa informative lifestyle show na Glow Up.

*****

Sa unang video ng digital series na #GMATeleBahay, nagbigay importansya ang Kapuso Network sa lahat ng mga nanay. 

Pinamagatang ‘Salamat, ‘Nay’, sinundan nito ang kuwento ng isang ina na humiwalay sa pamilya niya para kumita ng pera. 

Mikoy Morales

Sa madamdaming video, ipinakita kung paano nangungulila ang isang ina sa mga anak at asawa. 

Tampok sa ‘Salamat, ‘Nay’ sina Gilleth Sandico bilang ang ina, at sina Mikee Quintos, Mikoy Morales, at Raphael Landicho, kasama rin si Neil Ryan Sese.

Base sa comments sa Facebook video, marami ang naantig at naka-relate. 




Kahit daw lumipas na ang Mother’s Day, dapat ay araw-araw pa rin nating iparamdam sa mga ina natin ang pagmamahal natin para sa kanila.

Panoorin ang video sa official Facebook page ng GMA Network.