Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Eat Bulaga at Wowowin, may pa ayuda bukas

Hosts of Eat Bulaga and Wowowin



Ngayon pandemic isa sa libangan natin ang pagtutok sa mga programa kung saan bukod sa nakakalibang ay maari pa tayo manalo ng cash prize. Kilala na dyan ang Eat Bulaga at Wowowin sa pagbibigay hindi lang ng saya kundi pag-asa sa bawat Pilipino.

Sa darating na July 7, dadagdag sa saya ang Shopee sa 2 programa. Bilang pagdiriwang  ng Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta may special Shake & Win TV special sila sa Wowowin and Eat Bulaga. Tutok lang sa July 7, 12 NN at Eat Bulaga GMA at 5:30 PM to 6:30 PM sa Wowowin GMA para magkaroon ng chance na manalo (total of ₱1.9 million in cash prizes).

May pa-ayuda si Willie

Makakasama ni Wowowin host Willie Revillame ang mga Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Rita Daniela, and Julie Anne San Jose para mas mapasaya tayo. Sobrang hit ang 'Salamat Shopee' segment ni Willie dahil sa mga nakakatuwang eksena kapag natatawagan na ang winners.  Matatandaan may nakapag salita ng masamang salita dahil sa inaakalang scam ang tawag ni Willie. Marami din ang ginawang 'prank' ang segment na 'Salamat Shopee'.  Marami sa ting mga kababayan ang umaasa na matawagan ni Willie dahil sa sitwasyon natin ngayon napakalaking tulong ng halaga 10libo!


Alden Richards-Maine Mendoza

Ang kapuso nating sina Alden Richards at Maine Mendoza naman ang makakasama sa Shake & Win TV Special sa Eat Bulaga. Since last year pa, magkasama na sila Alden at Maine sa pagbibigay ng Shopee saya sa ating mga dabarkads. Nang magbalik sa telebisyon ang Eat Bulaga kamakailan magkasama sila Alden at Maine sa studio kasama ang JoWaPao pero naka social distancing silang lahat.

Maine Mendoza: Laos na ang phenomenal starlet

Maine Mendoza




 This pandemic we are all experience, is one great equalizer. Sadly, we Pinoys, categorized as the Latin Americans of Southeast Asia, are polarized for the umpteenth time and we are all flaunting the colors of the political fence we proudly wear.
For two weeks in a row, go for gold ang kanyang fandoms na paingayin ang kanyang pangalan. Bakit kaya?

Thus, I cannot help but wonder dahil most people are bored in the house, with majority of the millennial demographic waste their time and energy in front of their laptops or mobile gadgets, ang pagiging trending topic ni Maine Mendoza, sa Twitter hindi na kataka-taka.  

Ang unang dahilan kaya nag-uumadik sa ka-twi-tweet ang mga faney, kamakailan pala, naganap ang 248th weeksary ng AlDub. Ay! Buhay pa ba ang tambalang ito? Kaloka naman, huh!

Bukas na aklat na nga ang pagmamahalan at relasyon nila ni Arjo Atayde ayaw niyo pa ring hubarin ang romantic helmet niyo?  

Maine loves Arjo and not Alden
Mas bet na bet ko pa ang only a handful fandoms na ang ini-emote na ay sundan na nina Maine at Arjo ang landas na tinahak nina Matteo at Sarah Geronimo-Guidicelli, na sundin na nila  ang tinitibok ng kanilang mga puso at ipagsigawan sa altar ang kanilang walang kapantay na pagmamahalan. Kung sino man ang mga ito, mas bongga kayo! Nakatuntong ang mga paa niyo sa lupa at gising na gising sa ilusyon.






Kaya rin pala nagmamaganda ang mga follower  ni Menggay, 5 milyon and 
counting na pa sila at itong buwan ngang ito, may more than 900K  na bagong followers ang page ni Mendoza. Oh so mighty proud sila of the fact na three-years in a row na super celeb status si Maine sa Twitter.


Mas happy sa lovelife at deadma sa career
Really now? Reliable indicator at qualifier ba ang platform na ito para masabing super kasikatan pa ang isang artista? Does it really sway and make a dent and carve a niche sa fickle minded millennial merkado? (No. Sikat kung box-office hit ang pelikula niya. Kaso waley Maingay lang siya sa socmed-Ed)

Hindi na ganun kadami ang endorsements ni Mendoza sa kasalukuyan.  Yung comedy show niya, umeere pa ba, yung magkasama sila ni Bossing Vic Sotto? May perception and numbers to prove na it continues to be a ratings dud.

Hindi na rin sila ni Alden Richards ang major public curiosity and draw sa “Eat Bulaga.”Ang loyal audiences ng EB talk about the “Bawal Ang Judgmental” segment nito, sa totoo lang.

Wala rin akong alam na may kasunod siyang pelikula after the underperforming sa takilyang pinagsamahan nila ni Carlo Aquino. Eh yung pinagtambalan nina Richard at Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye” ang highest grossing Filipino movie of all time.

Yung single niyang patok na patok daw sa digital platforms, may massive airplay ba sa top FM stations? Does it even get included sa most requested songs countdown? Hindi ba no, nay at nada ang sagot sa tanong na ito?
           
If you still believe na sikat pa pala siya, panalo iyan for her and for those who idolize her. Pero kung hindi na pala talaga siya sikat at nasa plateau ang kanyang karera, ano sa tingin niyo mga Showbiz Blahber, ang bagay na reinvention para sa Philippine Sweetheart para maging relevant muli? How do you solve a problem like Maine Mendoza?


Edward Barber: Hindi payag sa 'mass promotion' para pasado

Edward Barber



"For me if I was a student, I don't know if I would even want to pass out of respect for what I'm doing and my future career," matapang na pahayag ni Edward Barber sa kabila ng left and right na pagtrending ng different university-related hashtags mula sa students ng  UST at FEU na gusto ay automatic passing at wag na idaan sa online classes kasi hindi lahat ay may stable internet connection sa bahay. Mass promotion ang bansag sa movement na Ito.


Edward, hindi kuntento
sa "mass promotion" sa school
Sa "Myx It Up" ng Myx Philippines ay ikinumpara ni Edward Barber na isang football fan ang Liverpool team kung saan pwede naman silang manalo by invalidating the game dahil nga natigil ang league dahil sa COVID-19. Pero, kung sa madaling paraan nila nakuha ito na ang ibig sabihin ay invalidated na lahat ng past achievements nila.

"If they make the NBA season and the football season void, we'll have to live with that," sey niya with conviction. Bagaman pinakabata si Edward among Myx VJs ay analytical ang approach niya sa mga bagay-bagay gaya na rin sa paulit-ulit niyang pagsagot dati 'pag tinatanong siya tungkol sa dating ka-loveteam na si Maymay Entrata.

Bagaman may haka-haka na ipinagpalit si Maymay sa isang model ay glowing itong humarap sa Magandang Buhay live kahapon April 17 at me post siya sa social media ng screenshot ng what seems to be like a vlog niya na nasa editing stage.


*****

Kung involved si Robbie Domingo sa mga interviews sa itaas eh involved din siya sa naging pagtrending ng Pop Myx Guest VJ na si Maine Mendoza. When asked about her kasi, pinraise siya ni Robi. "She is so game, so funny, so intelligent," he shared.


Maine Mendoza
Maraming blessings sa kanya ang dumarating kahit during this EECQ (Extreme Enhanced Community Quarantine) dahil nasa top spot ang new music video niya with Gracenote na 'Parang Kailan Lang' at available na sa Amazon Prime ang kanyang movie with Carlo Aquino na 'Isa Pa with Feelings" na well-reviewed naman during it's cinematic run.



Girlfriend ni Jhong Hilario, siya ang first time.

Jhong Hilario and girlfriend Maia Azores





Iilan lang ang nakakaalam na may longtime girlfriend na si Jhong Hilario.

Pawang malalapit niyang kaibigan lang ang nakakakilala sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Maia Leviste Azores.


Bago si Maia, ikinasal na pala si Jhong sa isang British national named Michelle Wetgate, pero hindi nagwork out ang kanilang married life at nagkahiwalay.

Lately ay naging vocal na si Jhong sa relasyon niya kay Maia kung saan isa itong cabin crew sa isang local airline company.

Walong taon mahigit na ang kanilang relasyon.Hindi isyu sa girl kung ang gap ng kanilang edad ni Jhong ay 15 years.

Sa Instagram ng ‘It’s Showtime’ host ay nakapost kung saan sila nagselebreyt ng kanilang anibersaryo recently.

Mismong ang girlfriend ni Jhong ang nagpost ng mga larawan sa social media ng boyfriend.

Nilagyan ni Maia ng caption ang mga ibinahaging larawan.: “First time I was here was with my FIRST LOVE, My Dad. He had brought me and my brother, Nitoy when I was 9.The three of us had so much funny memories in Paris I will never forget. Second time I was here was my FIRST TIME to travel alone in Europe. That was such a fun experience. I got to go around Europe for 2 weeks with girls my age. It was the ultimate teenage getaway at 16.




“And now, My Third time, I am with my FIRST EVER BF and it’s his FIRST TIME here. It’s  gonna be another one for the books! Can’t wait to make new memories with him! Celebrating our 7th year together.”

Totoo talaga ang kasabihang age doesn’t matter as long as you love each other.

*****

Isa ang instant actress na si Maine Mendoza na nais makatulong sa mga ‘no work no pay na empleyado’ dahil sa totally lockdown ng buong Luzon.

Aniya sa kanyang blog post, "Consider yourself blessed, if despite all, you can purchase food and sanitation supplies (even hoard!) for your homes. But what about those workers who live on a day-to-day basis?"


Maine and her golden heart 

aswerte si Maine dahil pinagpala siyang isinilang na nakaririwasa sa buhay.

Ramdam ni Maine kung papano ang pakiramdam ng mga taong umaasa lang sa kanilang sahod lalo na kung daily basis ang mga ito.

May business kasi ang kanyang pamilya at may mga tauhan silang pinasasahod na daily basis ang pasweldo.

Kaya nang ianunsyo ni Presidente Duterte na nationwide lockdown na ang Pilipinas sinimulan agad ng ‘Eat Bulaga’ host-comedienne-actress ang drive ng ‘DoNation’ para sa mga m

Ito ang kanyang pamamaraan para makatulong sa kapwa hanggang ang pandemic COVID-19 ay lumalaganap sa buong mundo.

Ayon kay Maine magbibigay siya sa bawat sambahayan ng tig-P1,000 sa kanyang mga nakolekta para makabili ang mga ito ng mga basic needs.

Sabi pa ng ‘EB’ host sa kanyang blog, "I know how hard it is for these people nowadays to sustain their living so I decided to share as much as I can to them.”


Tumulong sa nangangailangan sa pahahon ng COVID-19

Ipinost ni Maine ang cellphone number 095.638.90291 sa pamamagitan ng app ng G-Cash para sa mga kung sino ang gustong tumulong o mag-donate.

Hinikayat din niya ang mga nangangailangan na magpadala ng isang e-mail sa DoNation.drive@yahoo.com.

"I will personally facilitate all the donations and I will TRY my best to accommodate as many people as I can,” huling saad ng girlfriend ni Arjo Atayde.

Nauna rito, ang kapwa artista na si Bela Padilla ay nakalikom na ng P3.3 milyon sa ginawa niyang online fund-raising campaign para sa mga street vendors Metro Manila.

Naipamili na ni Bela ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nagtitinda ng taho, sampaguita, etc. at naipamahagi na sa mga ito.














Maine Medoza, happy sa piling ni Arjo Atayde noong birthday niya

Belaaat.. ang mahalaga happy sina Arjo at Maine




Masayang nag-celebrate ng kanyang 25th birthday si Maine Mendoza sa El Nido, Palawan noong March 3.

Kinilig naman ang kanyang mga fans nang mag-post si Maine ng picture sa Instagram ng isang lalaking nakatalikod at nakaupo sa buhangin habang nakatingin ang guy sa sunset.

Hindi man pangalanan ni Maine ang guy na kasama niya sa Palawan pero sa looks pa lamang nito ay malalaman mong si Arjo Atayde ang kanyang kasamang nagbakasyon sa beach.

"Grateful for many things," ang tanging caption ni Yaya Dub sa picture na umani na ng higigit 183,000 likes sa IG.



Maine with her future sister-in-law Ria and Gela
Mukhang smooth sailing ang relasyon nila Maine at Arjo at walang humahadlang sa kanila harangin man ng sibat.

Kahit ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez, mother ni Arjo, ay aliw na aliw kay Maine.

Remember nitong February lang nang nakipag-bonding si Maine sa family ni Arjo at tinuruan niya silang lahat sa bahay na sumayaw ng "Tala." Pinost pa ni  Sylvia ang video sa social media.

Inamin naman noon ni Sylvia na alam niya ang lakad ng kanyang mga anak lalo na pag-pupunta ang mga ito sa abroad.

"Siyempre ako ang nanay kaya alam ko na magkasama sila," sagot ni Sylvia sa mga nakapaligid na media sa kanya noon.

Sinabi rin ni Sylvia noon na kung saan masaya ang kanyang mga anak, su-suporta na lamang siya sa kanila. "Basta masaya sila, masaya na rin ako."

Ang suwerte naman ni Maine! Kung magkakatuluyan man sila ni Arjo, wala pala siyang magiging problema sa mga in-laws niya.


*****

KC flaunts her sexy body in a sexy bikini
Enjoy rin si KC Concepcion sa kanyang beach vacation sa Boracay kung ang kanyang mga Instagram photos ang pagbabatayan. Nakapag-isip daw siya ng seryoso at malalim sa kanyang beach vacation.

Ano at sino kaya ang iniisip niya ng malalim noong nasa bakasyon siya? Ang kanyang mother kaya na si megastar Sharon Cuneta?

Alam natin na hindi close ang mag-ina ngayong mga panahon na ito. Nagtampo si Sharon nang hindi sumipot si KC sa surprise birthday celebration para sa kanyang mama na ginanap sa ASAP noong January.

Kasunod nito ay nalaman na lamang ni Ate Shawie sa mga tsismis na may relasyon daw diumano sila KC at Apl De Ap, member ng sikat na grupong Black Eyed Peas.

Wish ni Sharon na maging close uli sila ng panganay niyang anak kay Gabby Concepcion.

Sa kanyang Bora vacation, walang kiyemeng ipinakita ni KC ang kanyang voluptuous body sa Instagram kamakailan lamang.


Enjoying Boracay. Enjoying her freedom
Tanggap na niya ano man ang magiging komento sa kanya ng mga netizen sa kanyang pangangatawan.

Sabi nga niya, nagbabago raw talaga ang katawan natin gustuhin man natin o hindi.

Ang mahalaga, ayon kay KC, ay mahal mo ang katawan mo at sarili mo. Sinabi niya na gumagawa siya ng paraan o hakbang para makamit ang kanyang body goals.

Sinuportahan naman si KC ng mga netizens sa kanyang post na ito at sinabing sexy pa rin ang tingin nila sa kaniya ngayon.