 |
| Judy Anne Santos and Marian Rivera are great cooks |
|
Sa kabila ng COVID-19 pandemic, Judy Ann Santos at Marian Rivera pinaramdam sa bayan ang
kanilang kalinga bilang mga ulirang ina. Dalawa sa mga iniidolo pagdating sa
kanilang pag-arte at kinikilala din sa kanilang pagtulong sa ibat ibang organisasyon ay nagbigay pugay sa ating Front Liners.
Cairo Best Actress, Judy Ann Santos nag volunteer sa paggawa DIY face shields para sa mahal nating Front Liners. Masaya nyang ibinahagi sa
kanyang Instagram account ang kanyang pagtulong bilang volunteer sa @faceshieldforfrontliners
upang makagawa ng mas marami pang face shield.
Mga Kailangan sa paggawa ng DIY Face Shields, bFoam, Acetate, Old Folder
Ruler,Garter and Puncher.
Nagluto din si Juday ng kanyang signature Adobo meals para
sa mga Front Liners. Pinakita sa kanyang Instagram ang video ng pag prepare ng
Adobo. Madami ang bumilib sa kanyang pagluluto at kasipagan nilang mag-asawa sa
pagtulong. Isa dito ay si @iamgladyreyes, “Bilib talaga ako sayo magluto sis di
ka napapagod”.
 |
| Juday cooking her famous adobo |
Kapuso Primetime Queen at isa sa may pinaka magandang mukha
sa showbiz, Marian Rivera nagluto rin ng kanilang family specialty – Menudo.
Proud na pinost nila Marian ang video ng kanyang paggawa ng 200 meals para sa
mga Front Liners ng Quezon City General Hospital.
Ayon sa kanyang Instagram post @mariandantes: “Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City
General Hospital today who are sacrificing so much for us. Tonight’s meal for
them is our family’s specialty – Menudo – a recipe that’s been passed on by my
nanay. Big thanks to Ms Joanne who told me about the Waltermart App to Tough
Mama for sending extra stoves. Stay safe everyone!”
 |
| Marian's Menudo for our Frontliners |
Bilang fan at kapwa nanay, nakaka proud makita ang ganitong
klase ng positive sharing. Bukod sa kanilang kinang sa showbiz ay kumikinang
din ang kanilang bituin sa pagtulong sa kapwa Pilipino. Nakakatuwa na ang mga
katulad nilang celebrities ay nagbibigay suporta para sa mga tinuturing natin ngayon na bayani sa Covid19 pandemic, Front Liners. Syempre nakaka- inspire ang kanilang pagtulong sa
kabila ng kanilang busy task bilang ilaw ng kani-kanilang tahanan. Sana mas marami pa ang kanilang mahikayat na tumulong at mag share ng kanilang blessings.
Comments