Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Loving and hating Yam Concepcion

Yam Concepcion




Character actors have longer career span than most of the leading actors in showbiz industry. This is what I've heard and learned from one of our very good local character actors.

Nagsimula si Yam Concepcion bilang isang sexy actress sa "Rigodon" movie noong 2012, na nasundan ng isang teleserye ni Carlo Caparas ang "Dugong Buhay," noong 2013 at nakapukaw ng pansin sa mga tao ang pinakita n'yang galing sa drama na may kasamang aksyon.


Yam, the mega-kabit
Lalong lumutang ang husay ni Yam at talaga namang pinag-usapan ang role n'ya as Jade Flores-Bartolome bilang isang kabit o "other woman" sa very successful na teleseryeng "Halik" kasama sina Jericho Rosales at Yen Santos noong 2018. Matatandaang umani ng ibayong papuri at parangal si Yam dahil sa husay at mga markado n'yang eksena na either ikinatuwa or ikinagalit ng mga netizens.

Kapag ganyan kahusay ang isang aktor, di 'yan mauubusan ng proyekto kaya naman sobrang happy ni Yam nang s'ya ang mapiling gumanap bilang Dana Wong sa Kapamilya teleserye na "Love Thy Woman" na unang nakalaan sana kay Erich Gonzales nguni't nagback-out nang mapag-alamang magiging antagonist ang role na inoffer sa kanya. Bilang isang anak ng mayamang Fil-Chinese, inamin ni Yam na nanonood s'ya ng mga vlogs ni Heart Evangelista dahil s'ya ang pinepeg n'ya, kinukuha n'ya ang mga nuances at kung paano daw magsalita ito.


You will love or hate her

Ang mga mood swings, iba't-ibang reaksyon at famous na pagbitaw ni Yam ng mga markadong linya ang bumubuo kay Yam bilang isang "character actress."





Love In the Time of Corona "Veerus "

James and Nadine




By the time this DIvalicious column sees print, it has been two days since the metro-wide community quarantine and curfew is in effect and my prayer is that, we don’t get used to this kind of situation.  Our God is more powerful than this veerus (the manner in which the President pronounces the word) and let us all pray that an antidote, cure or vaccine comes to fore and that it will be mass produced, sold  not only in a reasonable but an abot-kaya presyo and things will be back sooner than soon.


 Now that all are following the community quarantine directive, lahat tayo apektado kaya mas mabuting ingatan ang mga sarili para hindi na magkanda-letse-letse pa ang buhay nating lahat.

Sa ngayon, aliwin ko muna ang sarili sa pagbabalik ng “On The Wings of Love” sa telebisyon, ang drama seryeng nagpasikat in a major, major way sa tambalang James Reid at Nadine Lustre na.

I think why most people were hooked sa JaDIne kasi hindi sila as saccharine nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Mas lalong hindi sila orchestrated o manufactured like the phenomenal love team that was, ang AlDub, na binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza. At mas lalong hindi sila parang ang LizQuen, sina Liza Soberano at Enrique Gil, nakakabusog at nakakabundat sa mata, pero wala namang sustansya.

Sina James at Nadine kasi, parang they were never faking it. Noong magkalove-team sila, talagang love team lang. When they became lovers, hindi nagsinungaling. At nung maghiwalay na, nagpakatotoo rin, agad-agad.


Marami nga ang naguguluhan kung bakit kahit nga hiwalay na sila, may mga sighting
pa rin silang magkasama. Ang paliwanag ni Reid tungkol dito: “She was my best friend before anything else.”

Iyong totoo at walang halong kiyeme latik, pwede ba talaga na ang dating magkasintahan, pagkatapos ng much publicized and scrutinized na relasyon, ang bilis-bilis na maging platonic at balikan ang pagiging mag-best friends?
         
Here, there and every where na nasisilayan ang JaDine na casually hanging out, talking, having dinner with their posse, going out of town and country, na parang no break-up ever happened?


The cast of OTWL
Oblivious and drama nila, wa pakels sa mga opinion ng iba kasi nga they have a solid friendship to begin with and that kind of bond cannot be broken?

Again, again, yung totoong-totoo, walang moment of awkwardness? Hindi nabwisit o may galit na naramdaman para sa isa’t-isa? Naka-rise above at hindi lang moving on, moving forward na parang fast and furious lamang sa how they were feeling and what do they mean to each other?

Iba talaga ang JaDine, how cosmopolitan and sophisticated at super emotionally healthy and mature, huh.  Ang dami-daming showbiz couples before na naging mag-best friends muna bago naging mag-dyowa, yung iba nga ikinasal pa pero hindi parang instant pansit canton at three-in-one coffee na nagkasundo, nagkabati, nagsama sa iisang lugar at umarte na parang walang hiwalayang nangyari, huh.

Panalo maging best friend itong James. Mula sa masarap na masarap na pakikipag-relasyon tapos pag hiwalay na, hang out pa rin  kasi nga friends forever kayo. Hmmmm.

Well, kung noon eh pinasikat ni Gabriel Garcia Marquez ang “Love In the Time of Cholera,” maaring itong sina James Reid at Nadine Lustre, ang gusto namang ipauso eh “Love In the Time of Corona Veerus,” hindi ba naman?

Hayaan na natin sila sa kanilang bolahan at lokohan o baka naman tayo ang kanilang niloloko at binobola?