 |
| Nora Aunor as Best Actress for the First Summer MMFF? |
|
Growing up in a family full of
Vilmanians, my late paternal grandmother and the sister of my father are all
Vilmanians. My first movie was “Lipad, Darna, Lipad.” In high school, having
studied in all boys Catholic academy, my young gay friends and I naturally
gravitated and loved Sharon Cuneta, especially in “Dear Heart” and her other
bubble gum movies produced by Viva Films when Cuneta was always affluent, baby
talked, donned the latest Christian Espiritu pret-a-porter collection and yes,
her yaya for ages, was always the sosyalin Suzanne Gonzales.
 |
| Matav pa lang ni Nora, talo na ang kalaban |
Si Nora Aunor, kahit alam kong karibal
ni Vilma Santos, at nagpang-abot ang landas ng mga karera nila nina Sharon,
isama na rin natin si Maricel Soriano, nakilala ko lang ang husay at
natatanging galing noong napanood ko ang Ishmael Bernal’s “Himala” sa Pelikula
at Lipunan, isang proyekto ng Mowelfund dati na pinondohan ng National
Commission for Culture and the Arts.
Simula noon, dahil na rin sa mga NCCA
funded festival, napanood ko ang kadikalaan ni Aunor bilang aktres at
manghang-mangha ako sa husay niya sa “Bona,” “Ina Ka ng Anak Mo,” “Bilangin Ang
Mga Bituin Sa Langit,” “Merika” at ang pinaka-personal favorite movie ko ni
Aunor, ang “Beloved,” kung saan mayaman ang kanyang katauhan, naka-postura
palagi at nakikipag-talbugan sa isa ko pang paboritong aktres, si Ms. Hilda
Koronel.
Ngayon, matapos kong mapanood ang
patikim para sa bago niyang pelikulang “Isa Pang Bahaghari,” na isinulat ni
Eric Ramos, sa direksyon ni Joel Lamangan at isa sa kasali sa kauna-unahang
Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF), vintage Nora Aunor na talagang
sakdal husay ang bumabalandra.
 |
| Nora Aunor and her co-stars in Isa Pang Bahaghari |
Sa unang eksena pa lang nila ni Philip
Salvador kung saan pinagtatabuyan niya ito at nakasaklay pa man din, hanggang
sa mapasigaw ang kanyang katauhan ng “Hayop! Hayop!!!” walang kaduda-duda na
she is the actress to beat sa kategoryang pinakamahusay na pangunahing aktres.
Kahit pa nga Vilmanian at Sharonian ako
sa puso, hindi ko pwedeng itanggi at sobrang magihing sinungaling ang inyong
Showbiz Blah!kolumnista kung hindi ko aaminin na si Nora Aunor ang
pinakamahusay pag dating sa pag-arte sa huling apat na reyna sa showbizlandia.
After Nora siempre ang tatlo pang
reynang sina Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano. At sigurado ang inyong lingkod na kahit na ang Star For All Seasons, Megastar at
Diamond Star, maluwag nilang tinatanggap na si Aunor talaga ang pinaka-dakilang
aktres sa kanilang huling mga reyna sa pinalakang tabing.
 |
| Maricel Soriano and Sharon Cuneta |
Ang mga all time Vilma Santos favorite
movies ko ay ang pinagbidahan niyang pelikula na si the late great Ishmael
Bernal ang director, “Relasyon,”
“Broken Marriage,” at “Pahiram ng Isang Umaga.” Bet na bet ko rin si Santos sa “Sister
Stella L,” “Anak” at “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?
Kay Soriano, kay galing-galing niya sa
“Ikaw Lang Ang Minahal,” “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin,” “Dahas,” “Separada” at
“Saan Darating Ang Umaga.”
Kay Sharon, siempre pa, “Dear Heart,”
“Bituing Walang Ningning,” “Madrasta,” “Nang Iniwan Mo Ako,” at “Crying
Ladies.”
Umaasa ako na marami ang manonood sa
“Isa Pang Bahaghari” ni Nora Aunor at nawa, may mga millennial na siya rin ay
idolohin, tingalain at gawing huwaran at inspirasyon pag dating sa larangan at propesyon ng
pag-arte.
Mapalad tayo na ang huling apat na
reyna, sina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano, ay
nandiyan pa para tayo ay paligayahin at pahangaing pang lalo sa mahuhusay
nilang pag-ganap.
Comments