Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Edward Barber: Biktima ng impostor

Edward Barber



 Warning sa mga basher at impostor ni Kapamilya star Edward Barber!

Kung ayaw ninyong "makuyog" sa social media, iwasang gamitin ang kanilang idol sa mga kalokohan!

Edward, may impostor
Ganito kasi ang nangyari: May isang impostor na nagpakilala sa Facebook na Edward Barber na diumano ay nag-post ng mga message sa kanyang ex-girlfriend.

Ang ginawa ng scammer ay nilagay rin nito ang pangalan ni Maymay Entrata sa post at lumabas tuloy na parang ang nag-uusap sa FB ay sina Edward at Maymay.

Kilala sila Maymay at Edward sa tandem na MayWard, mula sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ng ABS-CBN noong 2016.

Nakita ito ng ilang members ng MayWard Flyers, fan club nila Edward at Maymay, at sila'y na alarma dahil wala naman palang active Facebook account si Edward.

Nakarating na ang kalokohan na ito ng impostor kay Edward pero hindi naman daw affected ang aktor.

Pero hindi pa pala dito natatapos ang walang magawang impostor.

Kinabukasan, ang ginawa naman ng impostor ay gumamit ang picture ni Edward mula sa lumang Facebook account nito.

Hindi nga affected ang aktor pero hindi na ito pinalampas ng kanyang mga fans.

Dito na kinuyog ng MayWard Flyers ang pekeng Facebook account. Sama-samang binatikos ng MayWard fans ang Facebook ng impostor.

Maymay Entrata and Edward Barber
Nag-comment sila ng mga masasakit na salita laban sa may pakana ng pekeng Facebook na pag-aari kuno ni Edward.

Hindi rin ma-take ng mga MayWard Flyers na mali-mali ang grammar ng fake na Edward sa mga English post nito.

Magaling sa English si Edward ayon sa MayWard Flyers at hindi raw ito magkaka-mali sa tamang spelling ng "troback" at "cherful" na siyang nilagay ng impostor.

So ayan! Kaya ingat ang iba diyan na may plano ring isangkot ang tambalang MayWard sa mga kalokohan nila at baka sila naman ang sumunod na kuyugin at bombahin ng MayWard Flyers!


Edward Barber: Hindi payag sa 'mass promotion' para pasado

Edward Barber



"For me if I was a student, I don't know if I would even want to pass out of respect for what I'm doing and my future career," matapang na pahayag ni Edward Barber sa kabila ng left and right na pagtrending ng different university-related hashtags mula sa students ng  UST at FEU na gusto ay automatic passing at wag na idaan sa online classes kasi hindi lahat ay may stable internet connection sa bahay. Mass promotion ang bansag sa movement na Ito.


Edward, hindi kuntento
sa "mass promotion" sa school
Sa "Myx It Up" ng Myx Philippines ay ikinumpara ni Edward Barber na isang football fan ang Liverpool team kung saan pwede naman silang manalo by invalidating the game dahil nga natigil ang league dahil sa COVID-19. Pero, kung sa madaling paraan nila nakuha ito na ang ibig sabihin ay invalidated na lahat ng past achievements nila.

"If they make the NBA season and the football season void, we'll have to live with that," sey niya with conviction. Bagaman pinakabata si Edward among Myx VJs ay analytical ang approach niya sa mga bagay-bagay gaya na rin sa paulit-ulit niyang pagsagot dati 'pag tinatanong siya tungkol sa dating ka-loveteam na si Maymay Entrata.

Bagaman may haka-haka na ipinagpalit si Maymay sa isang model ay glowing itong humarap sa Magandang Buhay live kahapon April 17 at me post siya sa social media ng screenshot ng what seems to be like a vlog niya na nasa editing stage.


*****

Kung involved si Robbie Domingo sa mga interviews sa itaas eh involved din siya sa naging pagtrending ng Pop Myx Guest VJ na si Maine Mendoza. When asked about her kasi, pinraise siya ni Robi. "She is so game, so funny, so intelligent," he shared.


Maine Mendoza
Maraming blessings sa kanya ang dumarating kahit during this EECQ (Extreme Enhanced Community Quarantine) dahil nasa top spot ang new music video niya with Gracenote na 'Parang Kailan Lang' at available na sa Amazon Prime ang kanyang movie with Carlo Aquino na 'Isa Pa with Feelings" na well-reviewed naman during it's cinematic run.



MayWard: Nilaglag ni Edward dahil kay Lexa na gaganti

Edward  Barber and Lexa Lauraine 





Yet another press conference was televised very late at night and for all who managed to wait and view the latest update on the how’s and why’s of the pisting veerus that has ravaged us all, as always, better written in Filipino than in English, “tinimbang ka, ngunit kulang pa rin” ang mga inilahad mula sa Ginoo mula sa Malakanyang.
Lexa is a model

       
No concrete news about the forthcoming of an antidote or cure. Nay on announcement of a full proof plan on how to expedite the release of the promised social amelioration package that only a minority has received. Nada on how to flatten the curve which majority do not understand the importance, diminish the number of casualties and increase the digits of survivors and healed.

Thus, I cannot help but wonder, whatever happened to Catriona Gray’s assurance that a silver lining is somewhere out there?
          
Kaya nga kesa mag-open ang closed pores, paglaruan na lang nating ang drama na hell hath no fury a woman scorned nga ba ang mantra ngayon ni Lexa Lauraine, ang dyowa diumano ni Edward Barber?
        
Before this poot at suklam phase happened, it was Edward who started liking the photos of Lexa sa IG, especially her sexy photo postings. May katotohanan nga kaya ang rumor na it was Barber who pursued the model, na hindi lang sila basta naging acquaintances, naging close, enough for Lauraine to merit a “chill time” with the young star sa condominium niya. 

And for the millennials, alam na alam na nila ang ginagawa ng mga kapwa nila millennials when they chill and hang out together, huh! Promise, hindi sila naglalaro ng scrabble, snakes and ladders at mas lalong hindi jack-en-poy!
         
Dahil nga napagtanto ng powers that be ang lambingan at si Maymay Entrata, biglang lo and behold, deleted lahat ng photo postings niya with Edward sa kanyang IG account, ang binatang tisoy na may chance na mamula-mula ang tinatago nitong Barber inside his skivvies, natauhan na daw. Iwas to death and high heavens na nga ba talaga ang dramarama ni Edward?


MayWard: Isang palabas
Afraid at umurong ang yagbols ni Barber and does not one to suffer the same fate ng mga  ibang actor na gone with the wind, gone in sixty seconds, lost in space and lost in emotion ang karera kaya mas matindi pa sa linta, tuko ang pagkapit nito ngayon kay Entrata?

May wisdom beyond his years  na nga bsi Edward at alam niyang masyado pa siyang bata para maging la ocean deep at sumanib sa League of Extra Ordinary Has Beens, huh!
         
Of course, the plot thickens and how? Sa angking ganda at rikit ni Lexa, nasaan nga naman ang hustisya now that Edward is doing a Gerald Anderson, ghosted siya ni Barber just like what Papa Gege did to Bea Alonzo.
        
Binabalewala na nga ba siya at umaarte ang ang former PBB discovery na wala silang magandang  pinagsamahan at no romantic history at all? Ouch for the lovely miss, huh!
         
Tapos na ang MayWard "loveteam"

Ang boy, oh boy! Si Lexa, malapit na malapit na raw umabot sa pagputok ng bulkan ang poot at suklam nito para kay Edward at more than ready to spill the beans and open Pandora’s box and expose how close was the closeness she and the young Barber shared?

What kind of pasabog kaya ang ready si Lauraine to unleash? Will it rival the seven deadly plagues? Will it be as catastrophic as the eruptions of bulkang Mayon, Pinatubo and Taal combined? The moment her big reveal happens, end of the days na nga ba agad-agad ang karera ni Edward, kung saka-sakali?

Wait and see and play it by ear muna tayo kung may kung may sapat na tapang nga itong si Lexa Lauraine to make Edward Barber weep.

Ang mas kaabang-abang, will we finally witness the greatest performance ni Maymay Entrat

Ang pinaka-bonggang tanong, marunong ba namang umarte at all si Entrata kaya ano ang aabangan natin? Ang savage! Hahahaha!


Hiwalay: Edward, ipinagpalit na si Maymay







The feeling of being complete or should I say the commonly phrase “you complete me” ay mukhang matatagalan pa bago mangyari 'o maaaring hindi mangyari sa pinakasikat na love team ngayon, ang MayWard – Maymay Entrata at Edward Barber. Ito ay matapos ilabas ni Edward sa kanyang instagram post ang isang parang letter sa kanyang mga MayWard Family. 

Hiwalayang MayWard, official na?
Below is his IG post:


Dear Mayward Family, 

Sa loob ng tatlong taon na nandito ang MayWard, nakita niyo po at narinig niyo mula mismo sa aming dalawa ang tunay na nararamdaman namin sa isa't isa..Masaya at masarap po sa pakiramdam ang idea ng isang romantic relationship, but as we go along our journey, we realize na hindi basta-basta lang to get into a relationship. Sana po ay naiitindihan niyo po kami. Patuloy namin inaalagaan ang isa't isa at ang relasyon naming magkaibigan. Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young and there is so much more we still want to achieve in our lives."

Edward, malungkot saaknyang decision

Sa mga faney na sa simula pa lamang ng career ng love team ay nandyan ay siguradong mabibigla sa balita. Hindi man ito directly na sinasabing maghihiwalay na ang love team ay mukhang may namumuong madilim na ulap sa malayo.  Pero kung titingnan natin ang sulat ay sinasabing “sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young…” tama nga naman malayo pa ang mararating nila dahil bata pa sila. So parang sinasabi na wala munang jowa jowa. Still meron pa rin na karugtong na tanong magkakaroon na ba sila ng mga sari-sariling projects? Parang ito yong mga linyahan ng mga dating mga love teams na ngayon ay waley na at may sariling path na ng career.  

Panigurado hindi tago sa ating lahat ang kanilang mga lambingan at pagpapakilig sa mga faney na tulad natin pero ang nakakapagtaka lang ay bakit ngayon nilabas ang ganitong balita na kung kelan ang lahat ay naka-quarantine at lockdown. Kaya ang malaking tanong ay “Bakit?”


Hiwalay na, goodbye MayWard?

Maymay Entrata and Edward Barbers



Followers of Maymay Entrata and Edward Barbers are asking if they are still together or if they have gone separate ways? Well, if you look at Maymay’s Instagram post dated Feb 22, it says that “love is built on trust…”. This left her fans worried and suspecting at the same time that this could be a hint na something might be bothering her.

Ano nga ba ang nasa likod ng post na ito ni Maymay? Meron kayang something na ginawa si Edward na nakasira ng tiwala ni Maymay? Pero kung magka-MU lang naman ang dalawa at never namang umanin na sila, bakit may ganitong emote si Maymay? Hmmn, baka nameeen…may paasa effect si Edward sa kanya huh? 

Awww. Sana kung meron mang problema ay magkaayos na agad ang MayWard. Bagay pa naman sila.


*****

 Hindi maipagkakailang isang proud daddy si Erwan Heussaff sa newborn baby girl nila ni Anne Curtis. Sa IG post ni Erwan, inilarawan niya kung gaano siya kasaya sa pagdating ni , ang munti nilang anghel. He also mentioned how Anne dealt with her pregnancy journey from the beginning until she gave birth. “I also had no idea that I could fall more in love with my wife. Anne was so impressive throughout her pregnancy and labor and I will forever be in her debt.” Awww, how sweet!

An angel, Dahlia Amelie

Hintayin na lang natin ang pagbabalik ni Anne, I’m sure maraming kuwento ang aktres-TV host about her journey to motherhood. 

*****

 I’m an animal lover and animal advocate that’s why I’m really proud of Kathryn Bernado for saying yes to CARA Welfare Philippines Family. Sa kabila ng hectic niyang iskedyul bilang aktres, naglaan siya ng panahon to personally share her advocacy on how to take responsibility in owning a pet.

Kathryn Bernardo
Ayon kay Ms. Korina Sanchez, hindi raw nag dalawang isip si Kath nu’ng inimbitahan nila ang aktres to be part of CARA. Dahil diyan, Kath is now CARA’s Ambassador for Animal Welfare promoting Adopt a Cat From Kath. Layunin nito na mai-promote ang Trap-Neuter-Vaccine-Return program for community cats, Neuter is Cuter (sterilization of animals), Humane Education (animal welfare and responsible pet ownership education).

 Nagpapasalamat din ang CARA sa iba pang celebrities na tumulong gaya nina Louie Heredia, Jessica Zafra, Korina Sanchez-Roxas, Gia Lara of Petograpiya, Battersea Dog and Cat Home & Playbow. Tunay na may kagandahan ng kalooban ang mga taong mabuti sa mga hayop, saludo ako sa ‘yo Kathryn! Congratulations and Mabuhay CARA Welfare Philippines!