Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Eat Bulaga at Wowowin, may pa ayuda bukas

Hosts of Eat Bulaga and Wowowin



Ngayon pandemic isa sa libangan natin ang pagtutok sa mga programa kung saan bukod sa nakakalibang ay maari pa tayo manalo ng cash prize. Kilala na dyan ang Eat Bulaga at Wowowin sa pagbibigay hindi lang ng saya kundi pag-asa sa bawat Pilipino.

Sa darating na July 7, dadagdag sa saya ang Shopee sa 2 programa. Bilang pagdiriwang  ng Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta may special Shake & Win TV special sila sa Wowowin and Eat Bulaga. Tutok lang sa July 7, 12 NN at Eat Bulaga GMA at 5:30 PM to 6:30 PM sa Wowowin GMA para magkaroon ng chance na manalo (total of ₱1.9 million in cash prizes).

May pa-ayuda si Willie

Makakasama ni Wowowin host Willie Revillame ang mga Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Rita Daniela, and Julie Anne San Jose para mas mapasaya tayo. Sobrang hit ang 'Salamat Shopee' segment ni Willie dahil sa mga nakakatuwang eksena kapag natatawagan na ang winners.  Matatandaan may nakapag salita ng masamang salita dahil sa inaakalang scam ang tawag ni Willie. Marami din ang ginawang 'prank' ang segment na 'Salamat Shopee'.  Marami sa ting mga kababayan ang umaasa na matawagan ni Willie dahil sa sitwasyon natin ngayon napakalaking tulong ng halaga 10libo!


Alden Richards-Maine Mendoza

Ang kapuso nating sina Alden Richards at Maine Mendoza naman ang makakasama sa Shake & Win TV Special sa Eat Bulaga. Since last year pa, magkasama na sila Alden at Maine sa pagbibigay ng Shopee saya sa ating mga dabarkads. Nang magbalik sa telebisyon ang Eat Bulaga kamakailan magkasama sila Alden at Maine sa studio kasama ang JoWaPao pero naka social distancing silang lahat.

Patricia Tumulak: EB segment host nag-launch ng "Push to Read" Project

Patricia Tumulak




 Unang nakilala si Patricia bilang beauty queen noong 2009 sa Miss Earth Philippines at nakamit nya ang titulong Miss Earth Philippines-Fire. Sumali din sya sa Binibining Pilipinas noong 2011 at umabot sa top 10 kung saan si Shamcey Supsup ang kinatawan ng Pilipinas noon sa Miss Universe.

PatriciaTumulak

Mas nakilala si Patricia bilang HBD girl noong 2015 sa Eat Bulaga kung saan binabati niya ang mga birthday celebrators araw-araw. Pinasok din nya ang pag-arte at lumabas siya sa iba't-ibang teleserye ng Kapuso Network tulad ng Contessa,  Inagaw na Bituin, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko at Magkaagaw.

Patricia together with her Eat Bulaga co-hosts

In 2018 naging host din siya sa Wowowin pero hindi siya nagtagal after seven months of the same years dahil sinimulan niya ang kanyang "Push To Read" project kung saan tinitipon niya ang mga bata mula sa iba't ibang villages at pinapakita niya ang importansiya ng pagbabasa.

In one for her "Push to Read" Project
Last year, panibagong career na naman ang tinahak ni Patricia ng alukin siya ng GMA Kapuso Foundation at ibigay ang task ng Kapuso School Development sa kanya. Para sa kaalaman ng nakararami, si Patricia ay nakapagtapos ng kursong Child Development and Education Minor in Special Education at naging volunteer teacher. Ayon mismo kay Patricia ay hilig na niya ang pagtuturo kahit noong pa siya ay bata pa kaya masaya siya na naibigay sa kanya ang proyekto ukol sa Edukasyon. Naisagawa ni Patricia ang "Push to Read" school tour noong 2019.

Ngayong 2020, ni-launch niya ang kanyang Youtube channel para sakanyang advocacyn na "Push To Read" para mas maikalat pa ang halaga ng pagbabasa sa ating mga kabataan sa kabila ng ating teknolohiya. Isa din itong 
paraan para maibalik ang hilig ng mga bata sa pagbabasa para mapalago nila ang bokabularyo.


Suportahan natin ang ganitong klase ng advocacy para sa ating mga kabataan. Subscribe na kayo sa "Push To Read" YT channel at sama-sama tayo magbasa.



Maine Mendoza: Laos na ang phenomenal starlet

Maine Mendoza




 This pandemic we are all experience, is one great equalizer. Sadly, we Pinoys, categorized as the Latin Americans of Southeast Asia, are polarized for the umpteenth time and we are all flaunting the colors of the political fence we proudly wear.
For two weeks in a row, go for gold ang kanyang fandoms na paingayin ang kanyang pangalan. Bakit kaya?

Thus, I cannot help but wonder dahil most people are bored in the house, with majority of the millennial demographic waste their time and energy in front of their laptops or mobile gadgets, ang pagiging trending topic ni Maine Mendoza, sa Twitter hindi na kataka-taka.  

Ang unang dahilan kaya nag-uumadik sa ka-twi-tweet ang mga faney, kamakailan pala, naganap ang 248th weeksary ng AlDub. Ay! Buhay pa ba ang tambalang ito? Kaloka naman, huh!

Bukas na aklat na nga ang pagmamahalan at relasyon nila ni Arjo Atayde ayaw niyo pa ring hubarin ang romantic helmet niyo?  

Maine loves Arjo and not Alden
Mas bet na bet ko pa ang only a handful fandoms na ang ini-emote na ay sundan na nina Maine at Arjo ang landas na tinahak nina Matteo at Sarah Geronimo-Guidicelli, na sundin na nila  ang tinitibok ng kanilang mga puso at ipagsigawan sa altar ang kanilang walang kapantay na pagmamahalan. Kung sino man ang mga ito, mas bongga kayo! Nakatuntong ang mga paa niyo sa lupa at gising na gising sa ilusyon.






Kaya rin pala nagmamaganda ang mga follower  ni Menggay, 5 milyon and 
counting na pa sila at itong buwan ngang ito, may more than 900K  na bagong followers ang page ni Mendoza. Oh so mighty proud sila of the fact na three-years in a row na super celeb status si Maine sa Twitter.


Mas happy sa lovelife at deadma sa career
Really now? Reliable indicator at qualifier ba ang platform na ito para masabing super kasikatan pa ang isang artista? Does it really sway and make a dent and carve a niche sa fickle minded millennial merkado? (No. Sikat kung box-office hit ang pelikula niya. Kaso waley Maingay lang siya sa socmed-Ed)

Hindi na ganun kadami ang endorsements ni Mendoza sa kasalukuyan.  Yung comedy show niya, umeere pa ba, yung magkasama sila ni Bossing Vic Sotto? May perception and numbers to prove na it continues to be a ratings dud.

Hindi na rin sila ni Alden Richards ang major public curiosity and draw sa “Eat Bulaga.”Ang loyal audiences ng EB talk about the “Bawal Ang Judgmental” segment nito, sa totoo lang.

Wala rin akong alam na may kasunod siyang pelikula after the underperforming sa takilyang pinagsamahan nila ni Carlo Aquino. Eh yung pinagtambalan nina Richard at Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye” ang highest grossing Filipino movie of all time.

Yung single niyang patok na patok daw sa digital platforms, may massive airplay ba sa top FM stations? Does it even get included sa most requested songs countdown? Hindi ba no, nay at nada ang sagot sa tanong na ito?
           
If you still believe na sikat pa pala siya, panalo iyan for her and for those who idolize her. Pero kung hindi na pala talaga siya sikat at nasa plateau ang kanyang karera, ano sa tingin niyo mga Showbiz Blahber, ang bagay na reinvention para sa Philippine Sweetheart para maging relevant muli? How do you solve a problem like Maine Mendoza?


Eat Bulaga's Dabarkads, na praning

Jose Manalo and Paolo Ballesteros




Nakakapanibagong manood ng Eat Bulaga na walang live audience. Iba pa rin ang feel ng programang kinagigiliwan ng mga Dabarkads for 40 years pag may audience.
Naglabas ng official statement ang Eat Bulaga and we are running it here:

In view of the COVID-19 outbreak in the Philippines, which has placed the country in a state of public health emergency, the management of Eat Bulaga has decided to temporarily suspend the admission of a live studio audience in the airing of its show, to help prevent the spread of the virus and to ensure the health and safety of its talent, staff, crew and members of the audience.

Please understand that this decision was made after extensive and careful consideration in order to cooperate with government efforts to contain the spread of COVID-19.
Araw-araw pa rin po kaming maghahatid ng isang libo’t isang tuwa sa inyong mga tahanan.
Ingat po tayong lahat, Dabarkads!


Groupie with Dabarkas of Eat Bulaga
Commendable ang ginawang ito ng Eat Bulaga para masiguro ang kaligtasan hindi lang staff at mga artista kundi pati na rin ang audience na matiyagang pumipila at nanonood sa kanila ng live.

Mas importante ang kalusugan at kaligtasan nating lahat kaya minabuti ng management na huwag muna tumanggap ng live audience. Wala man ang live audience, kaparehong sigla at saya pa rin ang handog ng Eat Bulaga sa mga loyal viewers nila.
abarkads s DABARKADS,
We are sure na kapag wala na ang panganib na dulot ng Covid-19 ay agad bubuksan ng Eat Bulaga ang kanilang pintuan para sa live audience na siyang nagbibigay ng saya at energy sa programa.

Tuloy pa rin naman ang pamimigay ng Eat Bulaga ng bonggang pampremyo araw-araw.


*****

Vin Abrenica feels good whenever he hears comments that he is a better actor than his brother Aljur. But he also feels a certain kind of sadness because he idolizes his Kuya Aljur so much.


‘Hindi ko naman itinatago na idol ko talaga ang kuya ko. He is my inspiration kaya pumasok din ako sa showbiz. Kung anuman ang narating niya ngayon sa kanyang career, he worked hard for it kaya proud ako sa kanya,” wika ng newly-minted Hanford image model.

Bata pa raw si Vin ay idol na niya si Aljur. Kaya hindi rin dapat pagtakhan kung ninais niyang sundan ang mga yapak nito sa showbiz.

“Siyemre it’s very flattering to hear pag sinasabi ng mga tao na I am good actor or I am the better actor. Pero masakit din pakinggan iyon. Kasi hati ang pakiramdam ko when I hear words like that. Happy ako pag napupuri ako but at the same time, nasasaktan naman ako for my Kuya kasi siya naman ang napipintasan,” wika ni Vin.

“I work hard to be good in my craft at ganoon din naman si Kuya. Siyempre nakaka-inspire makarinig na pinupuri ka if you did something good pero masakit din makarinig if someone close to you is being bashed.”

Dream ni Vin na magkasama sila ng Kuya Aljur niya in a TV show.