Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

ALL K: Hyun Bin, Love ng Pinoy Fans

Korea's Hyun Bin




"Even if I have to worry about losing you every day, I want to have you in my life. Even if it breaks my heart because it's a dream that can't come true, I'd like to sincerely dream of the future." —Captain Ri, (Hyun Bin) 
Hyun Bin plays Capt. Ri in Crash Landing on You
Isa yan sa mga tumatak na linya ng kinahumalingan ng Pinoy K-Drama Fans ang "Crash Landing On You". Ito ay pinagbidahan ni South Korean Actor Hyun Bin na gumanap bilang si Captain Ri, isang North Korean Army Officer kapareha si Son Ye-jin bilang si Yoon Se-ri. Nang ipalabas nga ang CLOY sa Netflix, marami ang nanood at talagang minahal si Hyun Bin at panay ang post ng mga Pinoy Netizens sa kanilang Social Media accounts. Ang Crash Landing on You (CLOY) ay  ang highest rated tvN drama and the second highest rated Korean drama on cable television.



Pero who is Hyun Bin??? 

Si Hyun Bin ay isa sa mga kilalang South Korean Actor at pinanganak nung September 24, 1982. Sumikat sya ng gawin ang Korean Drama na My Name is Kim Sam-Soon nung 2005 katambal si Kim Sun-A. Ito nga ay tinagalized pa sa Kapuso Network at dahil sa maganda nitong ratings nagkaroon din ng Philippine Adaptation nung 2008 na pinagbidahan ng dating Kapuso at ngayon ay Kapamilya na. Ang Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid kapareha si Mark Anthony Fernandez.

Anne Curtis and Kayle goes "gaga" over Hyun Bin

Since then he has appeared in leading roles in other successful television shows including; the romantic fantasy drama Secret Garden (2010–2011), fantasy drama Memoies of the Alhambra (2018–2019), and romantic comedy Crash Landing on You (2019–2020). Si Hyun Bin, ay magbibida ngayong 2020 sa thriller film na Bargaining. 

Dahil sa success ng Crash Landing On You, pati local celebrities ay nahumaling na din sa K-Drama show na ito at panay din ang kanilang post sa kani-kanilang Social Media accounts. Tulad nina Yasmien Kurdi, Isabel Oli-Prats, Ogie Alcasid, Anne Curtis, Jolina Magdangal at Karyle. 

Mas hinangaan at minahal si Hyun Bin ng binalitang ng donate sya ng 200 million won (about P8.5 million) sa South Korea to help fight against the COVID-19 outbreak. 


Sharon, nababalliw sa K Drama







Matapos ang matagal na pamamahinga, muling nagparamdam si Megastar Sharon Cuneta sa Facebook. Ayon sa kanya, siya ay namamahinga lamang daw.

Bakas pa rin sa kanya ang pagiging No. 1 fan ng Koreanovela sa muli niyang pagbabalik sa social media.

Paano ba naman, nag-post naman siya ngayon ng picture ni Hyun Bin, star ng hit Netflix series "Crash Landing On You."

Alam naman natin na ang unang Korean star na crush na crush niya ay si Gong Yoo, lead star ng pelikulang "Train to Busan" at iba pang popular Koreanovelas.

Kung i-che-check ninyo ang kanyang mga FB posts noong 2019, masasabi ninyong feel na feel niya ang pagiging fan girl kay Gong Yoo.


The main stars of Crash Landing On You
At tulad ng mga millennial K-pop fans, hindi rin pahuhuli si Ate Shawie.

Ang dami niyang biniling memorabilia ng kung anu-ano pa-tungkol kay Gong Yoo - unan, keychain, bags, posters, utensils, etc.

Gawa rin ng gawa ng mga memes si Sharon na kasama niya si Gong Yoo.

At dahil inumpisahan na niyang mag-post ng photo ni Hyun Bin, asahan natin na pupunuin ni Sharon ang kanyang FB ng mga larawan nito in the coming days.

Noon pa man ay bilib na bilib na si Sharon sa mga Korean series.

Nabalita na noon na umorder siya ng mga DVD ng mga sikat na Korean TV series mula sa US.

Sabi niya noon na napakasarap panoorin ang mga Korean TV series dahil fast-paced ang mga ito.

Matatandaang karibal ni Sharon si Kapamilya star Anne Curtis-Smith noon sa pagiging fan girl nila kay Gong Yoo.

Nakatakdang tumulak muli si Sharon para sa kanyang "Iconic Concert" kasama si Regine Velasquez sa Pasadena, California sa May 23.

Sharon and Regine Velasquez live in Pasadena, CA on May 23
Ang tanong: matuloy kaya ang concert nila ni Regine sa Amerika dahil sa Corona Virus? 

Kung sabagay sa May pa naman ito. Sana by that time, tapos na ang problema ng buong mundo sa CONVID-19.

*****

Kung fanatic si Shawie sa Koreanovela, maituturing naman na obsessed ang fashionista at actress na si Heart Evangelista sa isa pang bagay.


Heart Evangelista,The Fashionista

Bukod sa fashion at pets, obsession din pala ni Heart ang Coke. Yes! I'm referring to Coca-cola, the popular soda.Sa kanyang Instagram post, makikitang nagpakuha si Heart sa isang Coca-cola refrigerator na niregalo sa kanya ng kanyang father na si Rey Ongpauco.

Aliw-na-aliw naman ang mga followers ni Heart, ang wifey ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, sa kanyang post kasama ang Coca-Cola refrigerator.