Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });







Matapos ang matagal na pamamahinga, muling nagparamdam si Megastar Sharon Cuneta sa Facebook. Ayon sa kanya, siya ay namamahinga lamang daw.

Bakas pa rin sa kanya ang pagiging No. 1 fan ng Koreanovela sa muli niyang pagbabalik sa social media.

Paano ba naman, nag-post naman siya ngayon ng picture ni Hyun Bin, star ng hit Netflix series "Crash Landing On You."

Alam naman natin na ang unang Korean star na crush na crush niya ay si Gong Yoo, lead star ng pelikulang "Train to Busan" at iba pang popular Koreanovelas.

Kung i-che-check ninyo ang kanyang mga FB posts noong 2019, masasabi ninyong feel na feel niya ang pagiging fan girl kay Gong Yoo.


The main stars of Crash Landing On You
At tulad ng mga millennial K-pop fans, hindi rin pahuhuli si Ate Shawie.

Ang dami niyang biniling memorabilia ng kung anu-ano pa-tungkol kay Gong Yoo - unan, keychain, bags, posters, utensils, etc.

Gawa rin ng gawa ng mga memes si Sharon na kasama niya si Gong Yoo.

At dahil inumpisahan na niyang mag-post ng photo ni Hyun Bin, asahan natin na pupunuin ni Sharon ang kanyang FB ng mga larawan nito in the coming days.

Noon pa man ay bilib na bilib na si Sharon sa mga Korean series.

Nabalita na noon na umorder siya ng mga DVD ng mga sikat na Korean TV series mula sa US.

Sabi niya noon na napakasarap panoorin ang mga Korean TV series dahil fast-paced ang mga ito.

Matatandaang karibal ni Sharon si Kapamilya star Anne Curtis-Smith noon sa pagiging fan girl nila kay Gong Yoo.

Nakatakdang tumulak muli si Sharon para sa kanyang "Iconic Concert" kasama si Regine Velasquez sa Pasadena, California sa May 23.

Sharon and Regine Velasquez live in Pasadena, CA on May 23
Ang tanong: matuloy kaya ang concert nila ni Regine sa Amerika dahil sa Corona Virus? 

Kung sabagay sa May pa naman ito. Sana by that time, tapos na ang problema ng buong mundo sa CONVID-19.

*****

Kung fanatic si Shawie sa Koreanovela, maituturing naman na obsessed ang fashionista at actress na si Heart Evangelista sa isa pang bagay.


Heart Evangelista,The Fashionista

Bukod sa fashion at pets, obsession din pala ni Heart ang Coke. Yes! I'm referring to Coca-cola, the popular soda.Sa kanyang Instagram post, makikitang nagpakuha si Heart sa isang Coca-cola refrigerator na niregalo sa kanya ng kanyang father na si Rey Ongpauco.

Aliw-na-aliw naman ang mga followers ni Heart, ang wifey ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, sa kanyang post kasama ang Coca-Cola refrigerator.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply