Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Daryl Ong, naging problemado sa mga dating karelasyon

Daryl Ong



The Voice of  the Philippines Season 2 semi-finalist Daryl Ong revealed for the first time about his “other” firstborn son. Nauna ng inamin ni Daryl in his past interviews ang anak niyang lalaki from his ex-wife.

This time, binunyag ni Daryl during our interview with him sa media launch of his coming major concert titled “BuDaKhel Live: Best of the ‘90s” with Bugoy Drillon and Michael Panglinan  sa Newport Performing Arts Theater, Resort’s World on March 20, na may isa pa siyang  "panganay' na anak.

Ang tinutukoy ni Daryl ay ang three year old son niya sa kanyang ex-girlfriend.

Eight years old na ang panganay ni Daryl sa ex-wife niya at three years old naman sa ex-girlfriend niya.

“Na-annulled na yung kasal namin ng ex-wife ko. Inabot din ng ano, e, parang, three years. Bale, masalimuot  ‘yung relationship namin. On and off, eight years. Three years ‘yung proseso ng annulmnent,” kwento ni Daryl.

Si Daryl ang nagpursige para sa pagpawalang bisa ng kasal nila ng ex-wife niya.

“Toxic kasi ‘yung relationship ko yung bago naging kami ni Dea (Formilleza, current girlfriend). ‘Yung ex-girlfriend ko, ginugulo nu’ng ex-wife ko nu’ng time na ‘yun. Kasal pa kami noon kaya meron siyang right na manggulo. So, nu’ng time na ‘yun, gusto ko’ng ayusin ‘yun para, syempre maging fair din doon sa ka-relationship (ex-gf) ko that time, ‘yung nanay ng pangalawa ko’ng anak.”
Daryl's current girlfriend Dea Formilleza

Feeling ni Daryl pera rin ang habol sa kanya ng ex-wife niya noon.

“Kasi nu’ng time na nagsampa ako ng annulment, wala naman siyang palag. Hindi naman siya pumalag. Pero nu’ng nagkaroon ako ng break sa ABS-CBN, biglang ayaw na niya (ituloy ang annulment). Kontra na sila. Mabuti naman awa ng Diyos nakalusot ako sa butas ng karayom.”

Masalimuot daw ang dalawang past relationships niya.

“Kaya naman kami naghiwalay ng  karelasyon ko, e, dahil  nagloko sila, e. Yun naman ang isyu namin. Kasi, siguro dahil lagi ako’ng walang time. Busy sa career.”

Nabuking daw ni Daryl ang kanyang ex-girlfriend.

“Oo, na-wrong text. Hindi, ‘yung pangalawa, na-wrong send. Hindi siya sure kung sino ang tatay. Actually, pina-DNA namin ‘yun. Pina-DNA namin ‘tong pangalawa ko’ng panganay.”

Pero napatunayan naman na siya ang tunay na ama ng bata.

“Ako, e. Ang tapang ng timpla ko, e. Ewan ko ba?  Yung sa akin ‘yung lumusot, 99.9%.”

Almost P40K  ang nagastos ni Daryl sa pagpa-DNA sa bata. 

“Nu’ng na-confirmed na, nadagdagan ‘yung pinaggro-grocery ko. Hahaha! E, ‘yung isa, syempre, magka-college pa ‘yan.”

Yun na.!

Boy Abunda,nagpa-plano magbalik sa Kapuso Network?

Boy Abunda





King of Talk Boy Abunda is set to appear in the Congressional hearing for the  franchise renewal of ABS-CBN this week. He was invited by the network’s top executives according to our source.

Patunay lang ‘to na hindi nalamatan ang relasyon ni Boy at mga boss ng Kapamilya network after being bashed by netizens dahil sa piktyur na inilabas ni AiAi delas Alas nu’ng mag-dinner siya at ilang executives ng GMA7 sa bahay ng King of Talk.

The controversial dinner for Ai Ai delas Alas at Boy's house with GMA executives
Hindi ma-take ng netizens na magagawa pa’ng magpa-dinner ni Kuya Boy sa bahay niya kasama ang Kapuso executives sa gitna ng usapin sa banta ng ABS-CBN shutdown.

Binash naman ng netizens si Kuya Boy at pinaratangan ng kung anu-ano gaya na lang ni Tesssilo, “Bakit naman nataon na kung kelan may problema ang ABS tsaka nagkaroon nang dinner sa mga bossing nang GMA. Para medyo nakakalungkot.”

Comment naman ni Indaydex29, “Lilipat siya? Totoo ba yan? Kung kelan nagkaka-ganito ang ABS-CBN? Kung totoo man yan nakakalungkot”

Boy is a solid  Kapamilya
Say naman ni Cabaron88, “Basabasa mga bugok nag host lang siya for Ms. Ai Ai.”
Nag-post din ng kanyang opinyon ang unica hija ni Ai Ai na si Sophia delas Alas sa comment section ng IG post niya.

“Yaaaay mommy!! (2 heart emojis) To those who are commenting negative things here, nasa diiner kayo kagabi? Ba't ang dami n'yong say parang nandun kayo kagabi. (lol emoji) Stop assuming, this dinner was for my mom,” comment ni Sophia.

But according to our source, long overdue na raw ang naturang dinner.

Last year pa raw sine-set ang dinner na yan ni AiAi with Kapuso execs and Boy. Pero di matuluy-tuloy dahil ‘di nagtutugma ang kanilang schedules.

Hanggang sa natuloy na ang dinner last February 21 sa bahay ni Boy.

Ai Ai delas Alas
Sa ‘di inaasahang panahon, bigla namang nagkaroon ng prayer rally ang ABS-CBN

Pangalawa, suppossed to be sa isang resto sila magdi-dinner. Pero dahil inabot na nga sa panahon ng usapin sa renewal franchise ng Dos, nag-suggest si Boy na gawin na lamang ang kanilang dinner sa kanyang bahay. At pakiusap niya, walang lalabas na piktyur dahil baka ,mabigyan ng ibang interpretasyon.

Sadly, ‘yun na nga ang nangyari. Na-bashed si Kuya Boy.

Apologetic naman daw si AiAi kay Kuya Boy sa pag-post niya sa kanyang IG account ang controversial photo.

Pero sa true lang, noon pa man ay mahilig nang mag-host ng dinner/lunch sa bahay niya si Kuya Boy, mapa-artista man, staff niya sa show or even sa mga kaibigan niyang manunulat.

Tsaka, ‘di na rin daw kailangang magpa-dinner ni Kuya Boy para lang bigyan ng TV show.

Ang dami-dami raw pwedeng gawin ni Kuya Boy sakaling hindi na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN. At hindi rin daw niya kailangang mag-apply para magka-show.

Sa estado ni Kuya Boy ngayon, kering-keri na nga niyang magtayo ng sarili niyang eskwelahan. After all, doctorate degree holder si Boy.

In fact, may mga ginagawa raw na one-on-one class si Boy on public speaking sa top brass ng ilang malalaking kompanya sa Makati City.

At the same time, may ginaganap din na libreng workshops si Boy on public speaking.


Uso ang kasalan sa showbiz , kasunod na rin sina Kathryn at Daniel



Daniel and Kathryn "secret wedding" din?



First quarter pa lang ng year 2020 and yet ang dami-daming celebrities na ang nagpakasal at magpapakasal. Some must have felt that the date is quite amusing at ‘yung iba thought that it’s the right year for them to get married especially those who have been engaged for quite a long time na rin.

Meagan Young and Mikael Daza
Ang buena-mano na nagpakasal pagpasok ng 2020 ay ang Kapuso stars na sina Mikael Daez at ang Miss World 2013 na si Megan Young last January 25. Prior to this, ikinasal din sila in a simple  ceremony last January 10.

Almost ten years ding magkarelasyon ag dalawa until they finally decided to tie the knot.

Sumunod kina Mikael at Megan, sina Juancho Trivino at Joyce Pring noong Pebrero 9.

Pagkatapos ay ang controversial secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.

Kasabay din nilang ikinasal sa petsang ‘yan ang stage actress/singer na si Joanna Ampil kay Faust Feneyra.

Noong Pebrero 23 naman ikinasal sina Sheena Halili at Jeron Manzanero.

At nito lang nakaraang Sunday, March 1, ikinasal naman ang tinaguraing R&B King na si Jay-R sa long-time girlfriend niya na si Mica Javier. Si Mica ay member ng GirlTrends at panganay na anak ng owner ng Andok’s Litson na si Javier, Leyte Mayor Sandy Javier.

Nakapag-engagement shoot na rin ang singer na si KZ Tandingan at kanyang fiance na si TJ Monterde sa Tokyo, Japan last month.

Habang sa darating na March 14 naman ang kasala nina Richard Gutierrez at Sarah Labati.

Angel Locsin and Neil Arce
This year, marami pa’ng celebrity weddings ang ninaabangan ng publiko at una na d’yan ang pagiisang dibdib nina  Angel Locsin at Neil Arce.


Inaabangan na rin ng marami kung kailan magpapakasal sina Kim Chiu-Xian Lim, Maja Salvador-Rambo Nunez, Maine Mendoza-Arjo Atayde at sina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla?

May magpa-secret din kaya ulit ng wedding among them?

*****
Kung trending ang wedding sa ngayon, hindi naman makikisakay sa bandwagon ang magkasintahang  sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Isa rin kasi sina Vin at Sophie sa may pinakamatagal na relasyon sa showbiz.

Inamin ni Vin na may plano na sila ni Sophie na mag-settle down, but not anytime soon.

Hindi rin daw sila nagpa-secret wedding na rin sila ni Sophie at lalong hindi raw totoo na nagli-live in na sila.
  
Vin with girlfriend Sophie Albert
“Hindi. Diyos ko! May magulang ‘yun. Nakatira siya s amagulang niya. Hindi pa. Kini-clear ko lang po, sa lugar ko, ako lang nakatirang magisa,” esplika ni Vin noong makausap namin sa contract signing niya bilang endorser ng Handford.

May nakakita raw kasi sa kanila na magkasama sa isang bahay.

“Hindi… hindi kami nagli-live in,” madiing tanggi ulit ni Vin.
“Dumadalaw siya sa lugar ko. Dumadalaw din ako sa lugar niya. Pero hindi kami nagli-live in. Gusto ninyo samahan nyo pa ako umuwi ngayon. Hahaha!”

Naniniwala pa rin daw sila sa sanctity of marriage. Parehong nakikiayon daw kasi sila ni Sophie sa tradisyon nating mga Pinoy.