|
This time, binunyag ni Daryl during our interview with him sa media launch of his coming major concert titled “BuDaKhel Live: Best of the ‘90s” with Bugoy Drillon and Michael Panglinan sa Newport Performing Arts Theater, Resort’s World on March 20, na may isa pa siyang "panganay' na anak.
Ang tinutukoy ni Daryl ay ang three year old son niya sa kanyang ex-girlfriend.
Eight years old na ang panganay ni Daryl sa ex-wife niya at three years old naman sa ex-girlfriend niya.
“Na-annulled na yung kasal namin ng ex-wife ko. Inabot din ng ano, e, parang, three years. Bale, masalimuot ‘yung relationship namin. On and off, eight years. Three years ‘yung proseso ng annulmnent,” kwento ni Daryl.
Si Daryl ang nagpursige para sa pagpawalang bisa ng kasal nila ng ex-wife niya.
“Toxic kasi ‘yung relationship ko yung bago naging kami ni Dea (Formilleza, current girlfriend). ‘Yung ex-girlfriend ko, ginugulo nu’ng ex-wife ko nu’ng time na ‘yun. Kasal pa kami noon kaya meron siyang right na manggulo. So, nu’ng time na ‘yun, gusto ko’ng ayusin ‘yun para, syempre maging fair din doon sa ka-relationship (ex-gf) ko that time, ‘yung nanay ng pangalawa ko’ng anak.”
Feeling ni Daryl pera rin ang habol sa kanya ng ex-wife niya noon.
“Kasi nu’ng time na nagsampa ako ng annulment, wala naman siyang palag. Hindi naman siya pumalag. Pero nu’ng nagkaroon ako ng break sa ABS-CBN, biglang ayaw na niya (ituloy ang annulment). Kontra na sila. Mabuti naman awa ng Diyos nakalusot ako sa butas ng karayom.”
Masalimuot daw ang dalawang past relationships niya.
“Kaya naman kami naghiwalay ng karelasyon ko, e, dahil nagloko sila, e. Yun naman ang isyu namin. Kasi, siguro dahil lagi ako’ng walang time. Busy sa career.”
Nabuking daw ni Daryl ang kanyang ex-girlfriend.
“Oo, na-wrong text. Hindi, ‘yung pangalawa, na-wrong send. Hindi siya sure kung sino ang tatay. Actually, pina-DNA namin ‘yun. Pina-DNA namin ‘tong pangalawa ko’ng panganay.”
Pero napatunayan naman na siya ang tunay na ama ng bata.
“Ako, e. Ang tapang ng timpla ko, e. Ewan ko ba? Yung sa akin ‘yung lumusot, 99.9%.”
Almost P40K ang nagastos ni Daryl sa pagpa-DNA sa bata.
“Nu’ng na-confirmed na, nadagdagan ‘yung pinaggro-grocery ko. Hahaha! E, ‘yung isa, syempre, magka-college pa ‘yan.”
Yun na.!
No comments: