Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Ruru Madrid at Bianca Umali: Sila na ba talaga?

Bianca Umali and Ruru Madrid



 Muling naging usap-usapan ang tambalang Ruru Madrid at Bianca Umali kamakailan dahil sa Instagram post. Ipinost ni Bianca ang kanilang pictue ni Ruru pero  wala itong caption dahilan para mag-ingay ang mga kani kanilang fans.

Marami sa mga kaibigan nila ang natuwa at nagpakita ng suporta sa kanilang larawan ngunit marami din lalo na ang mga fans ang nagulat. Makikita sa larawan ang sweetness at mukhang kuha ito sa beach.

May isang nag comment na bakit si Bianca ang unang nag post, agad naman tong sinagot mismo ni Ruru na tingnan ang kanyang IG.

Bianca and Ruru, totohanan na?

Makikita sa instagram ni Ruru na nag post sya ng larawan nila Bianca sa elevator habang may hawak na milktea noong March, 2020 na may caption "Happy birthday moonlight 🌙 " at nag reply si Bianca ng heart emoji.

Naging maingay ang mga kampo nila dahil sa kani kanilang loveteam na hanggang ngayon ay marami pa din ang sumusuporta. #GabRu para sa loveteam nila Gabbi Garcia at Ruru Madrid at #BiGuel para sa Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

May, 2018 ng mabuwag ang tambalang #GabRu kung saan humingi ng pang unawa si Gabbi sa kanilang mga fans na maging positibo. Malaki din ang pasasalamat niya sa apat na taon nilang mag ka loveteam. Ngayon ay masaya si Gabbi sa kanyang career bilang Global 
endorser at sa kanyang lovelife kasama si Khalil Ramos.

Mas malinaw na kung anong meron sa dalawa?

2019 naging maingay din ang pagkakabuwag na ng BiGuel dahil sa bulong bulungan na relasyon nila Ruru at Bianca. Mariing itinanggi noon ni Ruru ang balita at sinabi magkaibigan lang sila. Nagkaroon pa ng serye na Sahaya ang BiGuel kaya hindi na siguro pinansin ang mga nagkalat na larawan nila Ruru at Bianca na magkasama. Ngunit marami pa din ang nakahalata na iba na ang
samahan ng BiGuel kaya naman sinasabi ng fans na si Ruru ang dahilan ng pagkakabuwag ng loveteam nila.

At ngayon 2020, ang post na nga ba ni Bianca ang liwanag sa kanila ni Ruru? Since wala na naman silang ka loveteam, eto na ba ang tamang panahon sa kanila? Kinailangan nga ba tapusin muna ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang loveteam para mabigyan ng daan ang kanilang personal na damdamin? Mahirap nga ba talaga pumasok sa mundo ng Loveteam?  Naku mukhang marami pa ang sasagutin ng tambalang Ruru at Bianca.

Abangan natin!!!

Max Collins and Iya Villania, nanganak sa gitna ng pandemia

Mommy Iya Villania and Mommy Max Collins




 Certified parents na ang Kapuso couple na sina Max Collins and Pancho Magno, matapos ipanganak ang kanilang first baby boy,  Skye Anakin noong July 6. Proud daddy si Pancho ng ipost niya ang video nila ni Max kasama ang kanila baby boy.

Baby Skye Anakin with mom Max and dad Pancho

"To our son, Skye Anakin, you are one of the reasons why I believe in God. Can't wait to be your bestfriend.

"To my amazing wife, you are also one of the reasons why I believe in God, ♥ you did everything with no medications and no tear.  There are NO WORDS to describe what you did. I love you and your heart! You are meant to be a Mother. "

P. S. To all the moms out there! Much love and respect! ♥

Thank you to our delivery team, Ms. Irina our Doula and Ms. Aileen and Ms. Charm our midwives.
-- @magnopancho


Nanganak si Max via water birth sa kanilang bahay. Nakalimutan halos ni Pancho na nurse sya sa sobrang kaba sa panganganak ni Max pero nung makita niya na ang kanilang baby ay napawi ito ng saya. Siya din mismo ang pumutol ng umbilical cord ng kanilang baby. Lalo naman humanga si Max sa mga nanay at sa kanyang sarili dahil sa hirap ng pinag-daanan niya sa panganganak.

Ipinangalan ang kanilang anak sa character ng Star Wars dahil sobrang fan ni Pancho nito kaya gusto niya may Anakin sa name ng anak nila. Ngayon pa lang nakikita na nila na little Pancho ang kanilang baby.

It's a Girl!!! Yan naman ang sigaw ng Kapuso couple na sina Iya Villania and Drew Arellano para sa kanilang third baby. Proud daddy Drew posted the picture of "Alana Lauren V. Arellano" last July 18, 2020.

Mommy Iya and Daddy Drew with Baby Alana Lauren
Mismong si Iya ay nag-akala na baby boy ang kanilang third baby. Sadyang hindi nila inalam ang gender ng baby para surprise kaya naman pang boy ang dalang gamit nila sa hospital. May prinsesa na ang team A at may makakalaro na ang kuya Primo at si Leon.

Isa si Iya sa mga hinahangaan lalo na pag buntis, matatandaan sa unang pagbubuntis niya ay maraming pumuna sa ginawa niyang exercise routine. Akala ng mga netizen ay nakakasama sa baby ang ginagawa ni Iya pero na explain niya na ganun talaga ang lifestyle niya at approved ng doktor ang exercise niya. Kaya naman marami ang humanga at na inspire sa kanya, hanggang sa ikatlong pagbubuntis niya makikita sa instagram niya ang mga workout na ginagawa niya. Syempre bilang nanay need alagaan ang sarili para magampanan ang mga responsibility lalo na sa pag aalaga ng kids.

To Max and Iya, congrats!!!

Kapamilya Stars, lipat Kapuso Network na

Pokwang,Richard Kim, Michael, Louise and Daryl


 Noon pa man ginagawan na ng isyu ang mga artista kapag lumilipat ito ng ahensya o ng istasyon. Marami na ang sangkot sa issue ng lipatan, may kapuso na naging kapamilya at bumalik sa kapuso at ganun din sa Kapamilya na naging kapuso. May kanya kanya silang dahilan at Loyalty ang isa sa pinaka matinding issue kapag nagpalit sila ng management or istasyon. At ngayon may kinakaharap ang kapamilya network, nakabantay na ang mga manonood sa mga lipatan magaganap.

'Budakel'
Una na dyan ang grupo ng BuDaKhel nina Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan ng mag guest sila sa Eat Bulaga para ipromote ang show nila. Matatandaan naglabas si Daryl ng vlog kung saan sinagot nya ang issue sa pag promote nila sa Eat Bulaga. Nabanggit niya din na ban sila ni Bugoy sa kapamilya network sa di nya tiyak na kadahilanan.

Sunod naman pinag usapan ang pag guest ni Pokwang sa "Bawal Judgemental" segment ng Eat Bulaga. Mukha naman sinagot ni Pokwang ang issue ng lipatan sa pamamagitan ng pagsagot niya sa isang netizen,

@misspendon "Mukat mukat mo makikita mo si Pokwang nasa kabilang istasyon na"

Pokwang, ready na lumipat sa Kapuso Network

@itspokwang27 " yes totoo naman yan kasi last year pa ako nagpapaalam wala pang pandemic at bearing sa prangkisa, yes matagal na akong nagpaalam pero di ako pinayagan, alam ng mga boss yan! hindi ba pwede sumuporta muna bago umalis? may mga kaibigan ako maiiwan teh!

Nakilala si Pokwang noong 2004, nung sumali sya sa "Clown in a Million" ng Yes yes show (reality show). Nanalo sya at kasama sa napanalunan niya ang kontrata sa ABS CBN at dun nag umpisa ang pagiging miyembro ng Star Magic 



na  pinamumunuan ni Johnny Manahan. Ngayon 2020 ay magiging certified Kapuso na siya?

Kapuso na naging kapamilya at ngayon mag babalik kapuso? Eto na nga ba ang estado ngayon ni Louise Delos Reyes? Kamakailan lang ay nag guest ang former ka-loveteam ni Alden Richards sa "Bawal Judgemental" ng Eat Bulaga. Iniwan ni Louise ang GMA noong May, 2017 at lumipat ng Viva Artist Agency at napasama siya sa "Ang Probinsyano" ni Coco Martin.  At nagtuloy tuloy din sya sa pag-gawa ng pelikula. Taon 2004 ng maging kapuso si Louise pero 2011 siya nagkaroon ng first lead role bilang 'Alakdana' kapareha si Alden Richards na nasundan pa ng 'One True Love'at 'Mundo mo'y Akin'. Inabangan ang kanilang pagkikita sa Eat Bulaga at maraming netizen ang natuwa dahil isa sa paborito nilang loveteam ang Louise/Alden lalo na sa One True Love at Mundo mo'y akin. 

Richard, done deal na with GMA

Nag guest din sina Kim Molina at Richard Yap sa 'Bawal Judgemental' na pareho din kilalang kapamilya stars. Madami ang nag aabang sa susunod sa listahan.

Ang Eat Bulaga ay under ng TAPE Inc. at blocktimer sila sa GMA kaya pwede silang mag guest ng kahit sa ibang network. Ngunit nagkataon ba na sunod-sunod na kapamilya ang kanilang guest o pakikisimpatya nila ito sa kapamilya network? Kahit ano pa yan, pinapakita nila na wala sila pinipili dahil ang totoo iisa lang naman ang industriya na ginagalawan nila, magkikita at magkakasama din sila.

Eat Bulaga at Wowowin, may pa ayuda bukas

Hosts of Eat Bulaga and Wowowin



Ngayon pandemic isa sa libangan natin ang pagtutok sa mga programa kung saan bukod sa nakakalibang ay maari pa tayo manalo ng cash prize. Kilala na dyan ang Eat Bulaga at Wowowin sa pagbibigay hindi lang ng saya kundi pag-asa sa bawat Pilipino.

Sa darating na July 7, dadagdag sa saya ang Shopee sa 2 programa. Bilang pagdiriwang  ng Shopee 7.7 Free Shipping Fiesta may special Shake & Win TV special sila sa Wowowin and Eat Bulaga. Tutok lang sa July 7, 12 NN at Eat Bulaga GMA at 5:30 PM to 6:30 PM sa Wowowin GMA para magkaroon ng chance na manalo (total of ₱1.9 million in cash prizes).

May pa-ayuda si Willie

Makakasama ni Wowowin host Willie Revillame ang mga Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Rita Daniela, and Julie Anne San Jose para mas mapasaya tayo. Sobrang hit ang 'Salamat Shopee' segment ni Willie dahil sa mga nakakatuwang eksena kapag natatawagan na ang winners.  Matatandaan may nakapag salita ng masamang salita dahil sa inaakalang scam ang tawag ni Willie. Marami din ang ginawang 'prank' ang segment na 'Salamat Shopee'.  Marami sa ting mga kababayan ang umaasa na matawagan ni Willie dahil sa sitwasyon natin ngayon napakalaking tulong ng halaga 10libo!


Alden Richards-Maine Mendoza

Ang kapuso nating sina Alden Richards at Maine Mendoza naman ang makakasama sa Shake & Win TV Special sa Eat Bulaga. Since last year pa, magkasama na sila Alden at Maine sa pagbibigay ng Shopee saya sa ating mga dabarkads. Nang magbalik sa telebisyon ang Eat Bulaga kamakailan magkasama sila Alden at Maine sa studio kasama ang JoWaPao pero naka social distancing silang lahat.

Ken at Andi:Nakiuso na rin

Ken Chan and Andi Eigenmann



  Nasangkot sa isang aksidente ang aktor kung saan nabangga ng isang van ang kanyang minamanehong suv. Wala naman natamo sugat ang baktor maliban sa maliit na damage sa kanyang sasakyan. Hindi na din niya naisipang magdemanda sa nakabangga dahil mas malaki ang damage ng nakabangga at nagtamo din ng sugat ang driver at pasahero ng van.
 
Ken is now a certified VBlogger

Recently, ang Kapuso Star, Ken Chan ay pormal na naglabas ng kanyang unang vlog sa Chasing Chan Youtube channel. Yes, isa na bonafide VBlogger si Ken na inaasahan na ise-share niya da kanyang mga followers ang mga interesting activites niya

Mula sa panonood lang ng mga videos ng mga paborito nyang celebrity-vlogger ngayon siya na mismo ang mag papakita ng kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-vlog. Unang vlog niya ang behind the scenes mula sa serye niyang "My Special Tatay" kung saan katambal niya si Rita Daniela.
 
*****

Isang masayang balita naman kay Andi Eigenmann ang pag-akyat sa 1 milyon subscribers ng kanyang Happy Islander youtube channel. 5 months ago inupload niya ang kanyang unang vlog tungkol sa buhay niya sa probinsya ng Siargao. Kasalukuyan naninirahan si Andi kasama ang 2 anak niya, Ellie at Lilo (11months) at kanyang asawa (Philmar) sa Siargao. Kilalang champion surfer si Philmar sa kanilang probinsya.

Andi and her family
Marami ang namangha sa ganda ng Siargao na pinakikita ni Andi sa kanyang vlog, malayong malayo ito sa kinagisnang buhay ni Andi sa Maynila. Tunay ngang mahal na mahal ni Andi ang buhay niya ngayon na simple at malayo sa makinang na mundo ng showbiz. Sa murang edad naman ng kanilang anak na si Lilo kinakitaan na din ito ng hilig sa tubig gaya ng kanyang ama.

Mukhang matagal pa natin makikita si Andi sa harap ng camera ngayon mas na eenjoy niya ang buhay probinsya.




Patricia Tumulak: EB segment host nag-launch ng "Push to Read" Project

Patricia Tumulak




 Unang nakilala si Patricia bilang beauty queen noong 2009 sa Miss Earth Philippines at nakamit nya ang titulong Miss Earth Philippines-Fire. Sumali din sya sa Binibining Pilipinas noong 2011 at umabot sa top 10 kung saan si Shamcey Supsup ang kinatawan ng Pilipinas noon sa Miss Universe.

PatriciaTumulak

Mas nakilala si Patricia bilang HBD girl noong 2015 sa Eat Bulaga kung saan binabati niya ang mga birthday celebrators araw-araw. Pinasok din nya ang pag-arte at lumabas siya sa iba't-ibang teleserye ng Kapuso Network tulad ng Contessa,  Inagaw na Bituin, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko at Magkaagaw.

Patricia together with her Eat Bulaga co-hosts

In 2018 naging host din siya sa Wowowin pero hindi siya nagtagal after seven months of the same years dahil sinimulan niya ang kanyang "Push To Read" project kung saan tinitipon niya ang mga bata mula sa iba't ibang villages at pinapakita niya ang importansiya ng pagbabasa.

In one for her "Push to Read" Project
Last year, panibagong career na naman ang tinahak ni Patricia ng alukin siya ng GMA Kapuso Foundation at ibigay ang task ng Kapuso School Development sa kanya. Para sa kaalaman ng nakararami, si Patricia ay nakapagtapos ng kursong Child Development and Education Minor in Special Education at naging volunteer teacher. Ayon mismo kay Patricia ay hilig na niya ang pagtuturo kahit noong pa siya ay bata pa kaya masaya siya na naibigay sa kanya ang proyekto ukol sa Edukasyon. Naisagawa ni Patricia ang "Push to Read" school tour noong 2019.

Ngayong 2020, ni-launch niya ang kanyang Youtube channel para sakanyang advocacyn na "Push To Read" para mas maikalat pa ang halaga ng pagbabasa sa ating mga kabataan sa kabila ng ating teknolohiya. Isa din itong 
paraan para maibalik ang hilig ng mga bata sa pagbabasa para mapalago nila ang bokabularyo.


Suportahan natin ang ganitong klase ng advocacy para sa ating mga kabataan. Subscribe na kayo sa "Push To Read" YT channel at sama-sama tayo magbasa.



Barbie and Jak: Happy together after the lockdown

Barbie Forteza and Jak Roberto




 Almost 3 months na tayo naka-quarantine at kasama sa mga affected dyan ang mga magjo-jowa. Kaya naman laking tuwa nila Jak Roberto at Barbie Forteza ng finally ay nagkita at nagkasama na sila last week dahil naka GCQ na.


Barbie at Jak, happy sa muling pagkikita

"Sa wakas after 3 months lockdown, naka bisita din at napatiktok na rin. Follow nyo si madam sa TikTok @barbieforteza8doneyet"
-- @jakroberto

"Mas gwapo ka pa rin sa personal"
-- @barbaraforteza


Kamakailan lang din ay nagdiwang sila ng kanilang 3rd anniversary ng magkahiwalay.  Lagi naman sila magkausap online pero ayon kay Barbie iba pa din kapag kasama. At dahil na miss ng kapuso couple ang isa't isa ay napa TikTok tuloy sila. Finally may tiktok na si Barbie, follow nyo sa @barbieforteza8doneyet. Halos lahat yata ngayon ay nahuhumaling na sa TikTok kaya maging paborito natin artista ay hindi nagpahuli.

Isa sila sa mga matitibay na love team for real
Sumayaw ang kapuso couple para sa TikTok channel ni Barbie na twinning pa sa kanilang outfit. Sa ngayon ay busy si Barbie sa vlog ng kanilang show na "Anak ni Waray vs Anak ni Biday" samantalang si Jak ay busy sa kanyang Youtube channel. Kamakailan lang ay nakatanggap sya ng Golden Button bilang Award sa pagkakaroon ng 1 million subscribers.

Kiray Celis: Ipinagmamalaki ang "Wetpaks!"

Kiray Celis




 Kamakailan lang ay nag-post si Kiray na may pinakitang bag ngunit inulan ng komento ang naturang post dahil sa kita ang pisngi ng puwet ni Kiray. May ilang nag komento na-disappoint sila dahil akala nila matino si Kiray na alam nya ang matino sa hindi. May ilan nasagwaan at nabastusan sa kanyang suot.


Agad naman nag post si Kiray. "Pag sexy, kahit magpakita araw araw ng dede. OKAY? Pag part ko, galit kayo?  Korni niyo! BUWAHAHAHAHAHA!

"PWET nalang nga malaki sakin. Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS. Dami niyo pang sinasabi! Di na lang i-angat ang isa't isa. Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh. Kasi imbes na suportahan niyo, lalaitin niyo pa. Kala mo ang peperfect nila. HAHAHAHAHAHAHA!

"Malaki man o maliit, maitim man o maputi. Wala kayong pake kung anong ipopost ng bawat isa. Kung confident sila, bakit hindi? Kung dun sila masaya, bakit hindi? Hindi nila ipopost yun para mabastos sila. Pinopost nila yun kasi proud sila!

"Teka makapag post nga uli ng pwet ko. Para mas lalo silang magalit! BUWAHAHAHAHA


Ganda! Kiray and boyfie Stephan Estopia

"Bawal lumabas! Pero hindi bawal maglabas ng part!

At dahil dyan gumawa pa si Kiray ng album para sa kanyang #PwetSerye

Kahit naka quarantine ay busy pa din si Kiray sa kanyang social media lalo na ngayon naka 1million followers na sya facebook. Congrats Kiray!!!  Tuloy din ang bonding session nya sa family nya at boyfriend sa pamamagitan ng TikTok.