Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Sylvia Sanchez: Nawala man ang serye, may kapalit naman

Sylvia Sanchez




 Fan ako ng late afternoon serye na Pamilya Ko na palagian ko pinapanood bago ko panoorin ang balita sa TV Patrol
  I've learn to love the characters ng mga anak nina Joey Marquez at Sylvia Sanchez na sa dami nila, sina JM de Guzman at Kiko Estrada ang kilala ko. Yes, si Tita Perla Butista syempre, playing Joey's nanay at Rossana Roces ay hindi ko makakalimutan.

Wala na ang Pamilya Ko, but ore time sa pailya niya
Dahil sa lockdown at sa isyung franchise ng ABS-CBN ay nahito ang palabas. Tumigil ang taping sabay na rin ang pagka-infect ng aktres at ng mister niya ba si Papa Art Atayde sa COVID-19.

Sa tutuo nga lang, di ko na alam kung saan nahinto ang kuwento ng serye. As far as I can remember, naghiwalay ang mag-asawa. Lumisan si Joey, di ko na alam kung nagkabalikan sila ng misis niya na si Ibyang (tawag namin sa aktres).

 


After three months, heto't isa-isa nagbabalikan ang mga palabas ng ABS-CBN sa bagong Kapamilya Channel kung saan bahay o' puwesto ng dating ABS-CBN-Kapamilya Network na sa ngayon ay inilalaban pa rin ng mga pinuno ng istasyon ang legal isyu ng franchise at ani-anik.

Sa pagbabalik ng ilang shows ere, isa ang Pamilya Ko ng aktres ang apektado at hindi na makakabalik sa ere just like sa late night show nina Liza Soberano at Enrique Gil
Madami ang naghihinayang. Ang laki pa naman ang fan based ng Pamilya Ko, lalo na ni Ibyang kung saan ang mga bata, lalo na ang mga Nanay at mga lola na numero uno niyang taga-suporta.


Sylvia with Papa Art, Arjo, Ria, Gela and Xavi
Kung ano man ang mangyayari (with a new teleserye soon kaya?), sa aktres ay abangan na lang natin. In her latest post sa social media, busy si Sylvia sa pag-aalaga ng kanyang pamilya (Papa Art, Arjo, Ria, Gela and the youngest na si Xavi) sa pamamagitan ng pagluluto ng mga home-cooked meals para sa mga ito.

Yes, nag-aral ang aktres ng culinary arts years ago and she owned a resto-bar in Greenhills and moved to a location near ABS-CBN during the time na bagong artista pa lang si Arjo.




In her latest FB post, sarap ng niluluto ng aktres sa kanyang family. Kung tama ako, she prepared lunch of tinapa pasta; lumpiang prito at adobong kangkong(na favorite ng panganay na si Arjo).

Nawala man ang seryeng Pamilya Ko , mas mas panahon ngayon ang aktre na makasama ang pamilya niya at makapagluto sa kanila.


Coco: Patuloy pa rin iniintriga

Coco Martin




 Ito ang limang shocking and controversial news na involved si Coco Martin, Ang actor-director ng longest running Pinoy TV series of the decade na 'Ang Probinsyano'.

Una na rito ay bading siya at pumapatol siya sa bading, dahil matindi ang man-to-man scenes sa first big role niya sa indie films. Breakout role niya ang 'Masahista' (2005) which made him win the Best Actor Awards sa Young Critics' Circle in 2006. Nasundan ito ng roles na may torrid scenes with fellow men sa 'Serbis' at 'Daybreak'.


Coco's 'Masahista" international post
Minsan din siyang na tismis na diumano may issue tungkol backer niya na bading kaya dumami ang kanyang projects. Nadawit si John 'Sweet' Lapus kasi sinabi niya dati na gusto niyang mainterview si Coco for Showbiz Central. 

Two, the questions na gusto niyang itanong dati kay Coco ay kung pumatol na ito sa bading at kung willing ito pumatol.

Isa sa lalong nagpa-curious sa mga tao sa gender ni Coco ay ang role niya sa MMK in 2009 sa episode titled 'Boarding House' where he started opposite Derek Ramsay.

Second issue of course, na very recent lang,yung ay yung pambubuhos ng tubig sa crew issue na inopen-up ni Robin Padilla pero kinlarify ng mga katrabaho ni Coco like Arjo Atayde na biruan lamang sa set kasi nga 

sobrang close nila. Isang crew member from sa 'Juan Dela Cruz' ang nag-testify ng good working relationship with him despite nabuhusan ng tubig.

Ang pangatlo ay ang issue ng suntukan niya niya with Matteo Guidicelli sa after-party ng Star Magic Ball 2011 dahil kay Maja Salvador. Hindi ito dineny ni Maja at inamin niya ang relationship nila ni Matteo noong time na yun. Ayon sa isang source ay nagstart ang tension because Coco kissed Maja on the lips but dineny yun ni Maja. 'Minsan Lang Kita Iibigin' pa lang daw ay si jealous na si Matteo kay Coco dahil ipinartner ito kay Maja sa teleserye na yun. Si Matteo daw ang nag-umpisa ng suntukan ayon sa witness.

Pang-apat ay ang video rant niya na social media where he spoke out against those who issued a cease and desist order laban sa Kapamilya network.

Of course, ang pang-lima sa list na siya ring ating Top 1 ay ang issue na nabuntis niya diumano si Julia Montes. Ito ay lumabas when Julia decided to take a long break with her biological father sa Germany.

Coco-Julia, may iililihim pa rin

May nagcirculate pa nga na photo si Coco kasama si Julia pagkapanganak nito at looking so happy kaya inisip ng netizens na matibay yung evidence pero todo deny si Coco.

Para sa writer na ito eh sa lahat ng napanood niyang interviews ni Coco ay matipid ito palagi sumagot o may agam-agam sa mga maiinit na issue na ibinato sa sa kanya. The only time na I remember na siya'y nagkwento talaga ay tungkol sa rivalry issue nila ni Vice at naging tampuhan after Best and the Bestie, which was not that major of an issue.

At present ay nali-link si Coco Martin ay Yassi Pressman at strong na strong pa rin ang CocoYass fandom na nabuo dahil sa chemistry ng two sa 'Ang Probinsyano'.

Speaking of buntisan, halos kabuwanan na nina Bangs Garcia at Iya Villania so may incoming "Covid-19 babies" ang showbizlandia.


*****

Ang first comedy show put together via Zoom ay ang 'Tawa Tawa Together', led by Showtime writer and stand-up comedian Alex Calleja.

Inamin niya na kahit may nagsusulputang viral comedy stars ay di siya threatened kasi nga need nila i-sustain yung ikinasikat nila. Inexample niya si Dante Gulapa na nag-eagle dance hanggang magsawa ang mga tao.


Alex Calleja, magpapatawa online
Based sa media day held a few days ago ay sina Sophia Reola, Chunsa Jung, at DJ Rex Ricamara ang inaabangan ng mga tao.

Isa sa mga nabanggit in connection sa Pinoy humor ay kung how people just laugh off the delayed ayuda and the social distancing na uso ngayon.

It doesn't mean na di natin sinseryoso but that is just the way Pinoys make light of difficult situations.

Mapapanood ito for free via iWant ng ABS-CBN.

Karla, inatake ng mga trolls

Karla Estrada




 May 14 ng gabi ay nagpost ang controversial DDS microblogger ng banat sa mga matatapang na statements ng Kathniel. Ikinagalit ito siyempre ng solid fandom nila who organized a major effort para i-block at i-mute si Banat By sa social media, using the #WeBlockasOne hashtag sa Twitter para mareport siya.


Karla defenfs son Daniel
Natuwa ang mother dear ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa pagtatanggol ng fans at binack-up-an niya ito sa pamamagitan ng pagpopost sa kanyang Instagram account ng Twitter post ng KN Social Media Moderators para sa 2nd round of Twitter party against this microblogger na mukhang ang tanging kaligayahan sa buhay ay banatan ang mga taong may achievements sa buhay na nakakaattract ng hundreds of thousands of views sa kanyang videos.

"Kung ayaw n'yo hong masira ang pagkatao n'yo,ang araw, eh huwag na ho kayong mag-social media," banat niya ke Karla.

Isa sa highlights ng video ni DJ ay ang pakiusap niya sa NTC na ang desisyon sana nila ay para Kala defentssa interes ng nakararami at di lang iilan. "Ang batas ho ay wala namang pinipiling emosyon. Ang batas walang pinipili yan," reply ni BB, kahit na May 14 ay matunog pa ang issue ng pulis na may party during ECQ na binansagang Mananita at di naman siya nakasuhan.


Walang makapaghihiwalay
Si Kath naman na ang main argument ay kung saan na makakakuha ng impormasyon ang mga tao ay binara niya at sinabing pwede naman sa radyo dahil ang AM even though you are in a cave, may reception, unless your goal is actually makilala at sumikat.

Umabot sa 150k+ tweets ang concentrated effort ng Kathniel fandom but up to now ay di pa rin nakablock sa FB ang streams ni Banat By.

Samantala, di na muling humirit pa sa IG so Karla at instead ay pinromote niya ang new batch ng ABS-CBN shows na OKS --- Online Kapamilya Shows. Isa dito ang 'Confessioms with the Momshies',kung  saan kasama niya niya ang kanyang 'Magandang Buhay' co-hosts na sina Jolina Magdangal and Melai Cantiveros, which can be viewed sa Facebook and ABS-CBN accounts soon.


*****


Nagstart nang magstream sa iWant, the video streaming service of ABS-CBN, ang 'Love Lockdown' last May 15. 


Arjo and  Angelica in "Love Lockdown"

Ensemble film ito in the vein of 'Closer' or 'Ocean's Eleven' na sexy-suspense ang theme starring Angelica Panganiban (Leslie), JM De Guzman (Allan), Kylie Versoza (Karen), Jake Cuenca (Jacob), Sue Ramirez (Abby), Tony Labrusca (Darren) and Arjo Atayde (Fred).

Ang actors mismo ang nagshoot sa kani-kanilang scenes. The story revolves around a couple na magugulo ang buhay dahil sa isang third party at ang isa sa kanila ay magbe-break-away at madadamay ang iba sa kanyang situation.

Three-part ang format ng interwoven stories nito ang produced by Dreamscape Entertainment.



Maine Mendoza: Laos na ang phenomenal starlet

Maine Mendoza




 This pandemic we are all experience, is one great equalizer. Sadly, we Pinoys, categorized as the Latin Americans of Southeast Asia, are polarized for the umpteenth time and we are all flaunting the colors of the political fence we proudly wear.
For two weeks in a row, go for gold ang kanyang fandoms na paingayin ang kanyang pangalan. Bakit kaya?

Thus, I cannot help but wonder dahil most people are bored in the house, with majority of the millennial demographic waste their time and energy in front of their laptops or mobile gadgets, ang pagiging trending topic ni Maine Mendoza, sa Twitter hindi na kataka-taka.  

Ang unang dahilan kaya nag-uumadik sa ka-twi-tweet ang mga faney, kamakailan pala, naganap ang 248th weeksary ng AlDub. Ay! Buhay pa ba ang tambalang ito? Kaloka naman, huh!

Bukas na aklat na nga ang pagmamahalan at relasyon nila ni Arjo Atayde ayaw niyo pa ring hubarin ang romantic helmet niyo?  

Maine loves Arjo and not Alden
Mas bet na bet ko pa ang only a handful fandoms na ang ini-emote na ay sundan na nina Maine at Arjo ang landas na tinahak nina Matteo at Sarah Geronimo-Guidicelli, na sundin na nila  ang tinitibok ng kanilang mga puso at ipagsigawan sa altar ang kanilang walang kapantay na pagmamahalan. Kung sino man ang mga ito, mas bongga kayo! Nakatuntong ang mga paa niyo sa lupa at gising na gising sa ilusyon.






Kaya rin pala nagmamaganda ang mga follower  ni Menggay, 5 milyon and 
counting na pa sila at itong buwan ngang ito, may more than 900K  na bagong followers ang page ni Mendoza. Oh so mighty proud sila of the fact na three-years in a row na super celeb status si Maine sa Twitter.


Mas happy sa lovelife at deadma sa career
Really now? Reliable indicator at qualifier ba ang platform na ito para masabing super kasikatan pa ang isang artista? Does it really sway and make a dent and carve a niche sa fickle minded millennial merkado? (No. Sikat kung box-office hit ang pelikula niya. Kaso waley Maingay lang siya sa socmed-Ed)

Hindi na ganun kadami ang endorsements ni Mendoza sa kasalukuyan.  Yung comedy show niya, umeere pa ba, yung magkasama sila ni Bossing Vic Sotto? May perception and numbers to prove na it continues to be a ratings dud.

Hindi na rin sila ni Alden Richards ang major public curiosity and draw sa “Eat Bulaga.”Ang loyal audiences ng EB talk about the “Bawal Ang Judgmental” segment nito, sa totoo lang.

Wala rin akong alam na may kasunod siyang pelikula after the underperforming sa takilyang pinagsamahan nila ni Carlo Aquino. Eh yung pinagtambalan nina Richard at Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye” ang highest grossing Filipino movie of all time.

Yung single niyang patok na patok daw sa digital platforms, may massive airplay ba sa top FM stations? Does it even get included sa most requested songs countdown? Hindi ba no, nay at nada ang sagot sa tanong na ito?
           
If you still believe na sikat pa pala siya, panalo iyan for her and for those who idolize her. Pero kung hindi na pala talaga siya sikat at nasa plateau ang kanyang karera, ano sa tingin niyo mga Showbiz Blahber, ang bagay na reinvention para sa Philippine Sweetheart para maging relevant muli? How do you solve a problem like Maine Mendoza?


Sylvia Sanchz and husband, COVID-19 positive

Sylvia Sanchez and husband Art Atayde






Madami ang nagulat ng i-post ng aktres na si Sylvia Sanchez ang result ng COVID-19 test niya earlier this afternoon (March 31).

Una nag-declare ang aktor na si Christoper de Leon sa mga showbiz celebrities na nag-positive sa coronavirus, kaya madami ng natakot at nagulat dahil pagnagkataon, ang mga artista na kasama ng aktor sa taping ng seryeng Love Thy Woman tulad nina Eula Valdez, Zsa Zda Padila, Kim Chiu, Xia Lim, Yam Concepcion at Sunshine Cuz ay baka nahawa.

Sa kaso ng aktres na nag-share sa current health status niya sa kanyang IG account, narito ang short message niya at panawagan.


Get well soon Ibyang and Papa Art
sylviasanchez_a's profile picture
sylviasanchez_aVerifiedHi everyone❤️ On March 24, my husband and I were brought to Cardinal Santos as I was having chills and he had cough and shortness of breath. We were made to take the COVID-19 swab test and since then, Art and I have self-isolated. 

A week later, we finally received the results and we both came out positive for COVID-19. We would like to request those whom we saw prior to the community quarantine to monitor for symptoms of shortness of breath, cough, fever, LBM and sore throat.

 Art and I are getting better each day. Although this is slower than our usual recovery, we know that with prayers and strict compliance with our doctor’s orders, we will get there. Until then, we will keep you updated on how this progresses. Stay safe, healthy and take your 1000mg of vitamin C and 20mg of zinc daily! Most importantly, stay home to help prevent the spread of the virus


Recently ay nag-celebrate sina Ibyang at Papa Art ng kanilang 16th year of marriage and a little  over of 30 years of love tulad sa information na post ng anak nila nila na si Ria Atayde sa kanyang IG account.


Sylvia and Papa Art with kids in Dubai last Christmas 2019
Sa ngayon, nasa bahay lang sila nagpapagaling at under quaratine ayon kay Papa Art.
I hope malampasan nina Ibyang at Papa Art ang virus na ito. Get well soon.







Maine Medoza, happy sa piling ni Arjo Atayde noong birthday niya

Belaaat.. ang mahalaga happy sina Arjo at Maine




Masayang nag-celebrate ng kanyang 25th birthday si Maine Mendoza sa El Nido, Palawan noong March 3.

Kinilig naman ang kanyang mga fans nang mag-post si Maine ng picture sa Instagram ng isang lalaking nakatalikod at nakaupo sa buhangin habang nakatingin ang guy sa sunset.

Hindi man pangalanan ni Maine ang guy na kasama niya sa Palawan pero sa looks pa lamang nito ay malalaman mong si Arjo Atayde ang kanyang kasamang nagbakasyon sa beach.

"Grateful for many things," ang tanging caption ni Yaya Dub sa picture na umani na ng higigit 183,000 likes sa IG.



Maine with her future sister-in-law Ria and Gela
Mukhang smooth sailing ang relasyon nila Maine at Arjo at walang humahadlang sa kanila harangin man ng sibat.

Kahit ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez, mother ni Arjo, ay aliw na aliw kay Maine.

Remember nitong February lang nang nakipag-bonding si Maine sa family ni Arjo at tinuruan niya silang lahat sa bahay na sumayaw ng "Tala." Pinost pa ni  Sylvia ang video sa social media.

Inamin naman noon ni Sylvia na alam niya ang lakad ng kanyang mga anak lalo na pag-pupunta ang mga ito sa abroad.

"Siyempre ako ang nanay kaya alam ko na magkasama sila," sagot ni Sylvia sa mga nakapaligid na media sa kanya noon.

Sinabi rin ni Sylvia noon na kung saan masaya ang kanyang mga anak, su-suporta na lamang siya sa kanila. "Basta masaya sila, masaya na rin ako."

Ang suwerte naman ni Maine! Kung magkakatuluyan man sila ni Arjo, wala pala siyang magiging problema sa mga in-laws niya.


*****

KC flaunts her sexy body in a sexy bikini
Enjoy rin si KC Concepcion sa kanyang beach vacation sa Boracay kung ang kanyang mga Instagram photos ang pagbabatayan. Nakapag-isip daw siya ng seryoso at malalim sa kanyang beach vacation.

Ano at sino kaya ang iniisip niya ng malalim noong nasa bakasyon siya? Ang kanyang mother kaya na si megastar Sharon Cuneta?

Alam natin na hindi close ang mag-ina ngayong mga panahon na ito. Nagtampo si Sharon nang hindi sumipot si KC sa surprise birthday celebration para sa kanyang mama na ginanap sa ASAP noong January.

Kasunod nito ay nalaman na lamang ni Ate Shawie sa mga tsismis na may relasyon daw diumano sila KC at Apl De Ap, member ng sikat na grupong Black Eyed Peas.

Wish ni Sharon na maging close uli sila ng panganay niyang anak kay Gabby Concepcion.

Sa kanyang Bora vacation, walang kiyemeng ipinakita ni KC ang kanyang voluptuous body sa Instagram kamakailan lamang.


Enjoying Boracay. Enjoying her freedom
Tanggap na niya ano man ang magiging komento sa kanya ng mga netizen sa kanyang pangangatawan.

Sabi nga niya, nagbabago raw talaga ang katawan natin gustuhin man natin o hindi.

Ang mahalaga, ayon kay KC, ay mahal mo ang katawan mo at sarili mo. Sinabi niya na gumagawa siya ng paraan o hakbang para makamit ang kanyang body goals.

Sinuportahan naman si KC ng mga netizens sa kanyang post na ito at sinabing sexy pa rin ang tingin nila sa kaniya ngayon.