Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Angel at Jane: Word war na pinagpipistahan ng netizen

Angel Locsin and Jane de Leon



 We all know that the shutdown of the Kapamilya Network affects a lot of people and because of this, different emotions are pouring out in each of every person. Kaya naman maraming mga celebrity ngayon ang nagkakaroon ng mga patutsadahan direct o indirectly sa kanilang mga social media platforms. Sa halip na maging isa sa panahon ng crisis ay nagkakaroon ng mga banggaan ng mga kanya-kanyang pananaw at emosyon.

One of the interesting comparison ngayon ay ang tungkol sa dalawang Darna, isang lumang Darna at ang bagong Darna. Mababatid natin na the one that we call dating Darna is the one who is always present to help others when there’s a calamity or crisis, Angel Locsin. That’s why she is coined as a real life Darna. While the new Darna is in the personality of Jane De Leon, who is by the way the replacement for Liza Soberano who is the first pick as the new Darna. Jane De Leon took over the Darna role because Liza declined due to an accident. 
May problema ba si Darna sa mga co-stars niya na deadm
So, bakit at paano nga ba nagkaroon ng mala-mukhang patutsadahan ng mga Darna. Well, it’s because of the situation of the ABS CBN artists and employees ngayon. Kung makikita nyo last week ay nagkaroon ng isang pahayag si Angel Locsin sa harap ng ABS-CBN para sa kanyang mga kapwa artista.

“Yong mga Kasamahan kong artista na hindi pa rin nagsasalita. Ano tatahimik na lang kayo? Wala na kayong network? Ano magpapacute na lang kayo sa Instagram?” 

Jane de Leon, may word war with the originl Darna

While Jane De Leon posted her expression na medyo negative ang dating sa ibang mga fans ng Darna.Though may mga pumapanig naman sa expression ni Jane. 

Eto ang ilang part ng ilang paragraph na expression nya. “My support to the current crisis that the network is facing right now is not just measured by going out in the streets in this time of pandemic. Alam kong para sa nakakarami sa atin, masakit ang closure ng ABS-CBN. Nakiki-isa at nakikismpatya raman po ako sa mga kapawa ko Kapamilya na nawalan ng kabuhayan….

 Dadagdag pa ba tayo sa lumolobong bilang at patuloy na pagtaas ng COVID cases sa ating Bansa?....”


Sa panahon ngayon maraming dapat isaalang-alang kaya’t minsan ang iniisip natin na tama sa atin ay tama rin para sa iba. Na hindi natin minsan napapansin na ang tama sa atin ay pwedeng maging mali para sa iba.

Sa tingin nyo, sino ba ang mas may ‘K’ sa role na Darna sa isip, sa salita, at sa gawa? 


Angel: May sakit na Polycystic Ovary Syndrome?

Angel Locsin



 It has been known to all of us that reel and real life "Darna," Angel Locsin, is also known for her being so grounded, humble person with a golden heart, thus, she was one of the awardees of Forbes Asia's "Heroes Philanthropy" last year, which she truly deserves. 

The beautiful and very helpful actress Angel, has once again made it to the "trending" topic. There are two reasons... first, sa isang episode n'ya sa new docu show n'ya online na "Iba Yan," mapapanood na s'ya ay nakasakay sa likod ng driver ng tricycle sa Brgy. Sadsaran, Mauban Quezon. 
Biyaheng Brgy. Sadsaran sa Mauban, Quezon
Aside from this, may eksena dun na nag-join s'ya sa salu-salo kasama ang pamilya ng mga mangingisda na sinasabing wala naman sa script. S'ya rin pala mismo ang nagprepare ng munting sali-salo na 'yun.

 It only shows na wala talagang ere at kyeme sa katawan itong si Angel kaya wapakels din s'ya kung magkamay at mawalan ng poise in front of the cam. 

Isa pang wapakels viral eksena ni Gel (Angel) ay ang kumakalat na photos n'ya na pinost ng isang Frederick Viaje, isang photographer. As you can see, wala na ang dating napakagandang curves ng katawan ng former "Darna" actress. Nakaka-experience na naman si Gel ng mga "body shaming" pero dedma lang s'ya. Sa tingin ko mas binibigyan n'ya ng importance ang pagtulong sa kapwa, ang kanyang show at ilan pang advocacy at s'yempre ang kanyang personal life most especially her lovelife. Kasa-kasama nga pala ni Gel ang kanyang fiance na si Neil Arce sa mga tapings n'ya. 
Pero bakit nga ba lumaki ng ganun si Gel? For sure 'yan ang isa sa mga tanong ng netizens. Iba-iba na nga ang reaction ng mga tao... merong nagsasabi na baka may sakit na daw si Gel na PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) kung saan ang obesity ay associated sa sakit na ito. Pero ang nauna nang sinabi ng butihing aktress ay ang pagkakaroon ng side effect nito sa iniinom n'yang gamot para sa spine condition n'ya kaya s'ya nag-gegain ng weight. 

Pero before magkaron ng "lockdown" dahil sa COVID-19 Pandemic, makikita sa mga posts at stories ni Gel na palagi s'yang pumupunta sa "The Aivee Clinic" para magpa-alaga ng katawan or mag-avail ng mga beauty treatments don. Well, dala siguro ng lockdown at super na-busy din s'ya sa kanyang fund-raising at humanitarian projects, nawalan na rin s'ya ng time for herself. 


Kaya nga matuturing na napaka-selfless nitong si Angel and isa s'yang role model na nakakapag-inspire pa di lang sa mga fellow actors n'ya sa showbiz kundi sa ating lahat! For you Gel, bilib ako sa'yo and sana dumami pa ang katulad mo! You are doing a great job!!! 


Kapamilya Channel: Legal ba umere?

Mga serye na kasama sa Kapamilya Channel





 Madami ang nagtatanong, legal ba ang pagpapalabas ng mga shows ng ABS-CBN sa bagong tatag nila na Kapamilya Channel kung saan doon lumalabas ang mga serye nilang Love Thy Woman, FPJ's Ang Probinsiyano,The General's Daughter at iba pa kung saan doon nakatalaga o' pwesto ng dating ABS-CBN na ngayon ay nakabinbin ang franchise at inilalaban pa rin ng legal arms ng kompamya para maibalik sa ere for free TV?

Happy ang mga artista ng serte dahil balik trabaho sila
Sa local cable channel ko, its the same Channel 8 ang pwesto na dating bahay ng ABS-CBN na ngayon ay naka-assign sa Kapamilya Channel.

Sa "pagbabalik"sa ere ng mga seryeng tatak ABS-CBN, merong ilan ang hindi na naka-awra like ang shows nina Liza Soberano at Enrique Gil at ang Pamilya Ko nina Sylvia Sanchez, JM de Guzman, Kiko Estrada, Rossana Roces at Joey Marquez.

Sylvia Sanchez's Pamilya K, hindi nakasama
Pansin ko, wala sa naturang Kapamilya Channel ang pinapanood ko nightly na news program na TV Patrol nina Noli Boy de Castro, Bernadette Sembrano at Ted Failon. Meron silanlocal news na ng titulo ay News Patrol, kaya kapag TV Patrol na ay change channel ako at lipat sa DZMM TeleRadyo.

Tanong ng marami, may isyu pa rin ang"ABS-CBN Black Box kung saan napapanood ang Kapamilya Channel show's like It's Showtime sa Jeepney TV at ang mga serye nina Kim Chiu, Xian Lim, Christoper de Leon, Coco Martin sa Cinemo Channel sa black box?

Tama lang ba ang ginagawa ng ABS-CBN management sa diskarte nilang ito habang inilalaban pa sa kogreso ang kanilang prankisa? Unti8l npw tuloy ang panguurirat sano[insyoko, paulit-ulitang mgatanonh na naghahanap na lang ng butas para lang magtagal ang hearing.

As of presstime,narito ang ilan na mga shows na napapanood sa Kapamilya Channel sa kasalukuyan:


1. FPJ's Ang Probinsyano
2. A Soldier's Heart
3. Love Thy Woman
4. Magandang Buhay
5. The Voice Teens
6. TV Patrol
7. Paano Kita Mapapasalamatan - Every Saturday
8. Iba Yan - Every Sunday
9. The World of a Married Couple
10. It's Showtime

Kung saan mauuwi ang laban ng ABS-CBN sankanilang franchise ay abangan na lang natin. I wish my friends sa Kapamilya Network na ang ending ay para sa kanilang kapakanan





Angel Locsin: Hindi takot tawaging terorista

Angel Locsin




 Kapag pinagdikit mo ang mga salitang "artista" at "charity", dalawa malamang ang top names at the back of your mind: Angel Locsin and Willie Revillame.

However, though si Kuya Wil ay namimigay ng sandamakmak na pera for decades now, a large portion nito ay galing sa sponsors niya. Si Angel ay mistulang anghel sa lupa dahil napakahands-on niya tumulong to the point na pumupunta siya sa delikadong lugar like nung kakasabog lang ng Taal. Ang pangdonate niya ay usually nanggagaling talaga sa bulsa niya and during some occasions ay nagoorganize siya ng fundraising campaigns for bigger projects kagaya nitong sa pandemic na kinakaharap natin now.

Naglilingkod na si Angel sa mga kababayan bago ang COVID-19

Kahit na may banta ng anti-terror bill ay napakavocal ng pag-oppose ni Angel Locsin dito, which goes to show na mapasa man ito ay di mawawala ang passion niya for helping others kahit na branded na leftist itong mga ito, matawag man siyang terorista.

Isa sa nag-viral recently ay ang ginawa niya kay Tatay Elmer na 72 years old from Piston 6 na nakulong. Tinulungan nila ito ni Bea Alonzo by sending him alcohol, face masks, and vitamins while in detention. Secret lang ito dapat but Tatay Elmer revealed it kasi gusto talaga silang pasalamatan.

Hindi na nakapagtataka na ngayon ay maghohost naman siya ng 'Iba Yan', a docu-reality show na nagstart airing ng June 14 sa Kapamilya Channel 6:15pm ng gabi at henceforth regularly mawawatch every Sunday night. 

Terorista/
Sa kabila ng kabutihan niya ay marami pa ring bashers, gaya na lang ng isa sa Twitter who implied na ipokrita siya because quiet daw siya nung may mga casualties dahil sa terrorists pero maingay sa pagoppose sa anti-terror bill.

Mahinahon na niremind ni Angel ang public na vocal rin siya noong issue ng SAF 44 at Marawi Siege. Sinupport din niya raw ang 


AFP at PNP sa ibang campaigns nila during this pandemic.

Sobrang active ni Angel sa pagmonitor ng kanyang account because even yung pag-like ni Sen. Tito Sotto sa post ng isang basher accusing her of being pro-NPA dati pa ay sinagot niya.

"Hi Sen @sotto_tito, saw that you liked this tweet. I will never support terrorists, nor will I ever support any kind of violence. You have the right to like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope we don’t get tagged as terrorist for doing so. Thank you," said Angel.

Gandang pro-NPA
Under sa bill, kapag napasa Ito at naging Anti-Terrorism Act of 2020, possibling maaccuse ang anyone in the country like Angel Locsin na very vocal about sa mga puna niya sa government kasi even ang speech or acts which could incite terrorism, na hindi well-defined, ay pwede kang madetain for 24 days.

Ang tanong, given the situation, handa kaya in the near future si Angel na mag-next level sa kanyang activism? Si Janine Gutierrez ay umattend sa "mananita" Independence Day event sa UP Diliman last June 12. Ang A-list artista ba gaya ni Angel ay kayang physical na makibaka para sa ipinaglalaban niya?


Angel Locsin: Deadma sa nega basta tuloy ang ayuda

Angel Locsin


  Kapamilya actress Angel Locsin continues to win the hearts of the public as she shows full support and gives donations for those in need during this time of pandemic. Since the rise of Covid-19 in the Philippines, Angel has been reaching out to people in need of food, PPE’s (personal protective equipment), hospital tents and other stuff.


Angel, ang tunay na Darna
Minsan nang ginampanan ni Angel ang Darna sa telebisyon. Today, she is living her role as the country’s real life super hero dahil sa maagap na pagtulong sa kapwa. More than that, people feel she has great compassion for those in need kaya kitang-kita ang dedikasyon niya sa lahat ng kanyang mga charity works. Kilala si Angel sa bigay todong pagtulong kaya naman kesehodang ibenta ng aktres ang kanyang luxury car alang-alang sa kawang-gawa. 


Sabi nga, if it’s for charity and for the love of others- it won’t hurt. Ganyan siguro ang naramdaman ni Angel nu’ng mag-desisyon siyang I-donate ang kanyang Dodge Durango para makabili ng mass testing kits para mas marami pa ang maka-avail ng testing for Covid-19. Kung ating matatandaan, nu’ng nag- super typhoon Yolanda sa Tacloban City, Leyte isa rin si Angel sa namahagi ng tulong. Hindi lang ‘yan, she even sold her luxury car which she bought pa in the States para makadagdag sa pantulong sa mga biktima ng Yolanda at ayuda sa mga biktima ng giyera. May mga nagtatanong, bakit daw ito ginagawa ni Angel? 

Hands-on si Angel sa kanyang pagtulong
Hindi hindi naman daw siya tumatakbo for public office o wala naman siyang katungkulan sa gobyerno. 

Hindi kailangan ng kahit na sino na magkaroon ng puwesto o katungkulan para tumulong sa kapwa. Kaya siguro with this in mind, Angel and her fiance, Neil Arce, have never ceased helping and reaching out to those in need. 

Patuloy pa rin ang Unitent project ni Angel na itinatayo sa mga ospital at pag-donate niya ng ibang kailangan ng mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic na ito. 

Hindi lang si Angel, pati sina Bea Alonzo, Ara Mina Kim Chiu, Anne Curtis are also doing their share sa pagtulong sa mga frontliners, mga ospital at mga biktima ng Covid-19. In fact, the I Am Foundation organized by Bea already reached a whopping 9- million pesos in donation. Anne on her part, is giving her designer Chanel sling bag for auction. 

See, hindi kailangang magka-posisyon sa gobyerno para makatulong. Patuloy nating labanan ang Covid-19 at sa abot ng ating makakaya let us reach out and help others in this time of great need.


Angel at John Lloyd: Lilipat sa Kapuso Network

Angel Locsin and John Lloyd Cruz





 Nine days from now, we will all know if the whole of National Capital Region and other key cities will have a change in quarantine status. If you are regular news followers, the digits being announced continue to escalate and the idea of “flattening the curve” continues just to be an idea, if not a dream which as of the moment, is too difficult to realize.

All the prayers for an antidote, cure and vaccine have not been heard. Pitiful to view long queues from different parts of the metro with people, unmindful of the stifling heat and hunger just to get the social amelioration package promised to them and one wonders why it is taking ages to be What is most baffling and upsetting for most, the prevailing perception that crystal and concrete plans from the gobiyerno nacional on how to put an end  to the pisting veerus and the manner on how they speed up the giving of assistance, not just to the descamisados and the outcasts, but to all the hundred and million Filipinos who are bracing this situation of biblical proportions, are nowhere to be read, heard and found.

Para maalis ang bagot, dismaya at imbiyerna, ang tanong ng bayan, sino-sino kaya sa mga ka-Dos ang magsisi-alsa ballutan sa Mother Ignacia station  at magkakandirit papunta sa Kamuning network?


Atom Araullo, happy sa GMA
Ilan sa mga dating taga-Dos na nailigtas ang kanilang sarili sa delubyo ay si papable papa Derek Ramsay, ang kinapopootan ni direk Mike de Leon, ang newscaster at heart throbbish documentarian Atom Araullo, ang starlets na forever is not sa kanilang pagiging starlets, sina Kisses Delavin at Myrtle Sarrosa, ang mga nakaka-elyang sina Jon Lucas at Paul Salas and how true, nakapag-balik loob nga ba si Rufa Mae Quinto bago maganap ang mga dapat maganap?


Angel, hindi nag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network
Kahit cry me a river si Angel Locsin sa nangyari sa Dos at nakikipag-sagutan pa siya sa bashers sa social media tungkol sa sitwasyon ng ABS-CBN, hindi maitatanggi na she is no longer under contract with the network. Hindi siya pumirma ng bagong contract.

May gift of foresight ba ang sinasabing best Darna ever at kung saka-sakaling magbabalik Kapuso siya, malulumbay ba ang kanyang mga panatiko at nenerbiyusin ang reyna – reynahan ngayon sa Kamuning na si Marian Rivera-Dantes in case Locsin wants her former throne? Imposible bang talikuran ni Angel ang Dos o highly probable na magbalik siya sa Siyete? Ang pangmalakasang tanong, may offer ba?

Ang actor in sabbatical at Kapamilya drama king, si John Lloyd Cruz, matagal na ang bulong-bulungan mula sa mga dalahira at katkatera na diumano, may standing offer ang mga ka-Siyete sa mahusay na actor?

Panahon na ba para kay Lloydie na iwan ang network na kanyang kinalakihan, iwan ang ala-ala nila ni Ellen Adarna sa Mother Ignacia at ipadama sa lahat na wala pa rin talaga siyang kupas sa aktingan at GMA 7 is the new network where he truly belongs?

Dimples,biktima ng playtime
May larawan si Dimples Romana, naka-red dress at hila-hila ang kaniyang luggage, in full Daniela Mondragon mode, na ang drama, nasa harap ng istasyon sa Kamuning? Paglalaro lang ba ito mula sa mga walang magawa at matataba ang utak, o talaang mag-oober da bakod na ang mahusay na aktres?

Well, kung may lilipat ngang mga taga-Dos sa GMA 7, buhay na patotoo na naman ito na sa showbizlandia, walang permanent friends or enemies, ang loyalties talaga maaring mabago, once you toss the proverbial money coin.


Life After Showbiz: Mga celebrities na may karir pa rin

Angel Locsin, Marian Rivera, Solenn Heusaff and Ai Ai delas Alas with their partners





It’s now more than a month of being quarantined and locked inside the house. Some of us have already grown a mustache or a beard and worse long hairs na wavy, curly at may split ends. Sa madaling salita marami na ang mga mukhang hermit at lost na ang well trimmed na hairs. At dahil nga bawal lumabas goodbye muna ang mga salon at barber shop para sa mga grooming effort.

Well, the good news meron technology na instant help sa paggupit ng ating mga unwanted hairs. Tulad ng mga nag-viral na photos and videos ng mga celebrities, sila rin ay naging intant barbers with the help ng electric hair clipper o razor pero ang iba ay the ever reliable na scissors for hair. Yes dahil nga sa tagal na ng ating quarantine marami sa mga artista ay napilitang magpagupit or maggupit for their loved ones using the electronic hair clipper or the usual scissors. Ilang sa mga celebrities na naging instant hairstylists ay sina Angel Locsin, Marian Rivera, Solenn Heusaff, Dimples Romana at Althea Ablan.

Sabi nga let us learn some few tricks during this quarantine period kaya naman ang mga celebrities na ito ay natutong maging hairstylist. At ang mga mahal sa buhay ang mga naging willing victim na pagpractisan. Pero in fairness okay ang mga gupit. Ilan pa nga ay proud sa kinalabasan ng haircut tulad ni Dingdong. 

Baka naman mawalan ng trabaho ang barbero and hairstylist kung matuto na ng tuluyan ang mga celebrity na to. Dagdag sa ikanilang resume ang pagiging barbero at hairstylist.

So, kung sakaling magtayo sila ng salon magpapagupit ka ba?

Regine: Ipinagtangol ni Mega

Regine Velasquez
Hindi napigilan ng mga tagasuporta ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang patulan ang pamba-bash sa kanilang idolo. 

Isa sa sa mga sinagot nila ay ang wala raw napapabalita na tumutulong ang aktres sa panahong ito na  may krisis dulot ng COVID-19. 

Sabi ng mga fans niya, hindi raw mahilig magyabang si Regine kahit tumutulong ito. Tahimik lang daw siya kung magkawanggawa. Hindi raw siya katulad ng iba na palaging bino-broadcast ang pagtulong.

Sharon and Regine, tahimik na tumutulong

Pinatunayan naman ito ng Megastar na si Sharon Cuneta nang magpost siya sa kanyang social media account. Iniisa-isa ng aktres ang mga artista at kaibigan niya na matatawag na mga superhero sa mga panahong ito. Kasama sa listahan niya sina Angel Locsin, Marian Rivera, Sarah Geronimo at Regine Velasquez-Alcasid. 

Angel Locsin,: Darna minus ang bato ni Ding

Sa post na ito ng Megastar ay malaking sampal ito sa mga nanlalait kay Regine. Marahil ay matatahimik na sila. Kay Regine naman, deadma lang siya sa mga ganitong isyu. Sa katunayan, may source kami na nagsasabing patuloy ang pagtulong niya sa mga frontliner. Bukod dito, palagi siyang kumakanta sa mga benefit shows online.