Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » Clint Bondad: Niligwak din ng Thai Transgender Billionaire

Clint Bondad and Anne Jakrajutatip


 Kung si Clint ay may pa-matrix-matrix pa with his red pill, blue pill, capitalized letters, and peppermint tea code posts sa kanyang Instagram account, eh derecho na pinaramdam ni Anne Jakrajutatip, na Thai billionaire who was linked to him, ang kanyang pagkamuhi sa isang Mr. C sa kanyang Instagram.

People are speculating na ito ang weirdo na "Dark Yogi" but not a bear na ex ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

"You can play the Universe but I'm the Queen of the Galaxy...I'm too strong and won't be defeated," say niya sa kanyang IG story. Hindi pa ito nakunteto at nagpost pa ng pak na pak na clues na photos sa kanyang main IG mismo mentioning the keywords psychopath, German sausage, and tea.

Clint and rumored  lover Thai Billionaire Anne

Wala man siyang binanggit na pangalan ay napakalakas ng circumstantial evidence.

So, kung kay Clint nga siya galit, bakit kaya siya nagalit? Could it be na ang codes na in a way ay disturbing at nakakakaba ay para kay Anne talaga imbes na kina Sam at Catriona?

Possible na red herring lang ang dalawa, mga distraction sa tunay na target which is Anne. After all, may sinabing countdown si Clint pero imbes na ke Cat 'o ke Sam ang lumabas na scandal ay yung video na kung saan identified ng karamihan sina Clint at Anne being intimate.

However upon closer inspection, hindi hatred ang mape-feel mo sa replies ng mga tao inquiring about Clint, but more of concern na para bang isang ate.

"He's a good man who needs to be trained. Having the right mindset is definitely the issue," sey niya isang fan na concerned sa cryptic posts ni Clint.

Clint, wasak?
Though mayaman, hindi rin rin natin maiiwasang tingnan ang angle na baka me balak pasukin ni Anne ang Philippine showbiz. After all, siya mismo ay nagreply ng "that's what I'm doing" sa isang Clint fan na tinanong kung gusto lang ba niyang magpasikat since hindi naman namnama nabanggit ni Clint.

Kung totoong, sumasakay siya sa kasikatan ni Clint, ang tanong eh sikat na talaga ito? Yes malaki at regular ang role niya sa 'Love You Two' teleserye nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion but it is a forgettable role like his bit parts in some films he did in the past na di naman pumatok.

Though Clint pulled a stunt sa social media where sinunog niya raw ang contract niya as talent ng GMA 7, an unimpeachable Kapuso source told me nakapirma pa rin siya. That doesn't still qualify him as sikat na artista though it can't be denied na legit ang influence niya sa Instagram.
Catriona, ano ginawa mo kay Clint?
Dineny rin ni Anne sa post niya na friends with benefits sila at brother and sister lang daw talaga ang turing nila sa one another. May current boyfriend siyang British at na-meet na ito ni Clint. Obviously aware siya sa malicious rumors na pineperahan siya ni Clint so though hindi naman ito tinanong nung isang nagcomment sa account niya ay she was firm na Clint is not the type para perahan ang ibang tao.

"He has problem on maturity, mannerism, and respect. That's all," sey niya.

So, pag finactor-in itong replies niya, it seems galit siya sa immaturity ni Clint pati na rin sa ghosts of his pasts which makes it difficult for Clint to be happy. Possible din na bashers ang pinapatamaan niya.

Nakakatawa na may nagsuggest pa na ipa-Tulfo daw ni Anne si Clint para matulungan ito.

Do you believe na little brother lang ang tingin ng 40-year-old Thai billionaire kay Clint?

Type Amen kung oo.





«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply