Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
Ruel J. Mendoza

Cherie Gil






 Maraming fans and natuwa sa online acting masterclass ni Ms. Cherie Gil.

May scheduled zoom class siya sa July 11, 14, 16, at 18.

Mag-share si Cherie ng mga natutunan niyang acting methods sa loob ng 45 taon niya sa showbiz.
Acting class para sa mga batang Lumads
“I created my own syllabus. Very personalized and shinare ko du'n 'yung aking process. Hopefully, I'm able to productively engage them.”

For a good cause ang initiative na ito ni Cherie dahil mapupunta ang kikitain niya sa mga batang miyembro ng indigenous people. 

“This is an extension of Yakap Sining and I decided to focus on Save Our Schools Network, the Lumads and the children of Mindanao.”

*****

Na-miss ng fans si Miguel Tanfelix kaya laking tuwa nila nang mag-post ito ng bagong videos sa kanyang YouTube channel.
Miguel, may natutunan sa pagising sa umaga
Matagal na hindi nag-post ng video si Miguel noong magkaroon ng quarantine, kaya nasabik sa kanya ang netizens, lalo na ang BiGuel fans nila ni Bianca Umali.

Workout videos ang pinost ni Miguel. Wala pa raw kasing bukas na gym kaya may sariling workout routine ito.

“One thing I’ve learned about myself, kapag tanghali na ako nagising, tatamarin na ako buong araw. Pero kapag gumising 


ako nang maaga, mas energized ako at motivated na gawin ‘yung errands ko for the day.

“Ang una kong ginagawa tuwing umaga ay mag-tea at magbasa ng libro. Ito ‘yung parang jumpstart ko sa umaga. Ang next ay ang pagwu-workout.” 

“Mahilig ako mag-jump rope for 30 minutes. Pero kayo, kung saan kaya mas sanay, pwede kayo mag-HIIT, hula hoop, anything na magpapataas ng heart rate n’yo.”   

May pino-post din na TikTok videos si Miguel at minsan naging abala siya sa mobile games. 

Wish ni Miguel na makapagtrabaho na ulit sila sa TV dahil miss na niya ang live show tulad ng All Out Sundays kunsaan may dance segment sila nila Kyline Alcantara, Lexi Gonzales, JD Domagoso at Mavy at Cassy Legaspi.

*****

Isang inspirational song ang latest collaboration ng Kapuso Asia’s Balladeer na si Christian Bautista sa Indonesian singer na si Dolen Thamrin na pinamagatang ‘We Are Here.’
Ayon kay Christian, ang kantang ito ay nabuo dahil sa kinakaharap nating health crisis sa kasalukuyan. 

Sa kabila ng pandemic, mahalaga na huwag kaligtaan at kalimutan ng bawat isa na kumustahin at mag-reach out sa kanilang mga mahal sa buhay.

A worthy project for Christian

“We have to reach out to them. We have to reach out, to call our friends, call our family members. Yes, we're stuck in our houses but it doesn't mean we can't have calls like this or just a simple hi and hello to tell them that we are here for each other. The more that this song is shared by many other artists or people, hopefully, more people will feel encouraged to connect and help.”

Matagal na raw nilang pinaplano ni Dolen na magkaroon ng collaboration. 

“We Are Here" is available in digital stores and music streaming platforms globally katulad ng Spotify, iTunes, Apple Music, YouTube Music, Amazon, at Deezer.

«
Next
John Lloyd Cruz vs. Piolo Pascual, eskrimahan sa paninindigan
»
Previous
Andrea : Kahit pa-sexy, hiling ay respeto
Pages 22123456 »

No comments:

Leave a Reply