Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Maxine Medina at Winwyn Marquez.: Mga Reyna Tindera

Maxine Medina at Winwyn Marquez




  Dahil limitado na ang trabaho sa entertainment business dahil sa COVID-19 pandemic, pinasok nila ang negosyo na madaling asikasuhin kahit na nasa bahay lang sila.




 Meat Vendor


Naging online business ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ang pagbenta ng marami niyang pre-loved clothes at ang pag-supply ng meat products. Dahil sa kanyang pagbenta ng karne, natuto raw siyang magluto ng adobo, sinigang at caldereta.



Si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez ay natuto ng baking sa pagkuha nito ng online course. Pinakita nga ni Wyn ang kanyang mga binebenta na mga pandesal and other pastries sa kanyang social media accounts.


Pastry baker


Naging magandang therapy raw kay Wyn ang baking dahil hindi naging bakante ang kanyang pag-iisip at lagi raw siyang nag-iisip ng iba't ibang paraan kung paano mapapasarap ang bine-bake niyang mga pastries.

*****



Ilu-launch ng Miss Universe Philippines ang first-ever online series na Ring Light.



Isang fundraising online series ang Ring Light na ipapakita ang mga training, behind-the-scenes preparations and activities ng naturang pageant.



Mag-premiere ito on September 27, 2020 via www.empire.ph.



Composed of eight episodes, the series follows 50 aspiring Miss Universe Philippines candidates and takes viewers through their inspiring journey to the crown.




Producer of Ring Light an 8 episode online series


Sa bawat subscription, may percent na mapupunta sa chosen beneficiary ng bawat candidate. May sariling referral code ang mga candidates.



“We’re very excited to launch Ring Light, the first-ever fundraising online pageant series that willallow fans to take the same journey to the crown while making a positive impact. With this online series, we hope to inspire our viewers to find their ownlight and empowerment and show that beauty is not only skin deep,” sey ni Miss Universe Philippines National Director and Miss Universe 2011 Third Runner-Up, Shamcey Supsup-Lee. 



How to Watch Ring Light: All eight episodes, including five learning episodes, a challenge episode, the preliminaries (swimsuit and gown competition), and the grand finale, will be available to stream on www.empire.ph for a one-time fee of P299.



Excited pageant fans can also avail of Ring Light’s early bird promo of only P249 if you subscribe any time from July 22 to August 31, 2020.



*****



Natapos ni Taylor Swift ang kanyang 8th studio album habang naka-quarantine ito. Nilabas niya ang kanyang Folklore album noong July 24 at umani agad ito ng rave reviews. 



Tinawag ng maraming music critics ang Folklore as Taylor's "greatest work".




Tay]0r's 8th album is  her "Greatest work"


Sey ng Variety: "It's hard to remember any contemporary pop superstar that has indulged in a more serious, or successful, act of sonic palate cleansing."



At sey ng Billboard: "A project created in isolation, Folklore finds Swift pouring every inch of her current psyche, amidst an imperfect reality, into her songwriting. We're fortunate that she decided to share it with us."



May 16 tracks ang Folklore at ang unang music video na nilabas ay may titulong "Cardigan" na meron nang 15 million views sa YouTube when it premiered last July 23.



Bagong BL Serye in Filipino Malapit Na!

Ohm Pawat and Singto Prachaya




  One of the hit Boys Love Series this 2020, 2gether: The Series starring Bright and Win is currently airing via iWant App. This is the first Thai BL show na tagalized pagkatapos i-announced ng ABS-CBN ang partnership with GMMTV. 

Ohm Pawat and Singto Prachaya of 'Come to Me'

Talaga namang sikat na ang BL sa bansa, at dahil dito ang Dreamscape Entertainment ay naglabas nang trailer na second Thai BL na tagalized at mapapanood din sa iWant. Ito ay ang He's Coming to Me na pinagbibidahan nina Singto Prachaya as P'Mes at Ohm Pawat bilang Than. 

Story ito ni P'Mes na isang Ghost at di alam ang rason ng pagkamatay ngunit darating sa buhay niya si Than at siyang tutulong para malaman ang past life. Kakaibang istorya ito dahil sa mga twist na ganap at love serye ng isang Ghost sa isang taong buhay pa. 

Ang He's Coming to Me ay may 8 episodes, oo maiksi sa nakasanayang 13 episodes pero worth it. On August 8 magsisimula na itong ipalabas sa iWant at may bagong title na Come to Me. 




FRESH: Shaniah Rollo, Proud Pinay from 'Ireland Got Talent'

Shaniah Rollo





Matapos ilabas ang una niyang single this year titled Too Young, nasa Spotify na rin ang second single ni Shaniah Rollo titled Complicated. 
Sa panahon ng pandemya, maganda rin naman na makapakinig ng musika na masarap pakinggan. Kaya naman pasok na pasok ang awiting ito ni Shaniah, na sumabak sa Ireland Got Talent two years ago.

The song talks about how a love can get complicated while experiencing it. It also tells the process of being in love and the complications and the risks one has to go to just to be able to achieve it. Ang kanta ay prinodyus ng RJA Productions LLC.


Shaniah, a Pinay talent from "Ireland Got Talent"

Noong bata pa siya ay hindi naman daw siya mahilig sumali sa singing contests. Kaya marami ang nagulat nang malaman na nag-compete siya sa Ireland Got Talent. Sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang, most especially ang kanyang ama, she was able to conquer the whole of Ireland stage via Ireland Got Talent. Nakilala rin siya sa buong Europa nang mapabilang siya sa Eurovision Ireland.

Nadiskubre si Shaniah ng RJA top honcho na si Ms. Rosabella Jao Arribas. Matapos ang stint ni Shaniah sa Ireland Got Talent at Eurovision Ireland, pinapirma niya ito ng kontrata at ipinakilala sa Pilipinas via the song Too Young.

She is likewise thankful to Ms. Rosabella Jao Arribas of RJA Productions believing in her.

Ang bago niyang awitin na Complicated ay composition ni Dan Tanedo and musically arranged by Nino Salazar.



Proud Pinay
The song is finally out on all digital streaming and downloading platforms this July 15. Make sure to listen to her song on Spotify, Apple Music, etc. The official lyric video will be out also at the RJA Productions.

Shaniah Llane Rollo is a big fan of Megastar Sharon Cuneta. Based sa Ireland ang kanyang mga magulang pero may mga kapatid siya na narito pa rin sa Manila.

Dahil sa kanyang mommy kaya naging fan si Shaniah ni Sharon Cuneta. Personal favorite ng kanyang mommy ang Bituing Walang Ningning, na title rin ng hit movie ng megastar.

Hindi pa raw siya sigurado kung she will embark on a career as a professional singer. Sa ngayon ay naka-focus pa rin siya sa studies niya back in Ireland.

Bukod sa pagkanta, nag-compose din siya ng original Irish Gaelic song para sa 2018 Ireland’s Junior Eurovision Song Contest. She joined the contest as a gesture of appreciation and love for her adopted country.



Joshua Garcia at Benjamin Alves: Mga bagong ganap nila sa panahon ng pandemya











Ngayong quarantine, matumal ang trabaho ng mga artista given the social distancing rules at ang patuloy na dumadami na kaso ng COVID-19 sa bansa. Some, like Benjamin Alves, choose to be active sa social media accounts nila. Pero me iba na gaya ni Joshua Garcia eh July 7 pa ang last post. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng dalawa?


Gaya ng kapwa Kapuso artist na si Alden Richards, naglalaro na rin ng Mobile Legends si Benjamin. Sa post ng isang netizen named Jerence Velasquez na finafollow niya, may screenshot ng game results kasama ang GF ng actor na si Chelsea Robato.

Speaking of her, even though ang ilan sa posts ng binata ay masasabing "thirst posts" o yung posts na nakakauhaw kasi nga lantad na lantad ang kanyang yumminess na para bang naghahanap ng spectator, sa caption ng iba eh declaration of love niya sa kanyang kabiyak. We don't know him as a musician, yet napakasweet ng para sa isang MAC promo video ng kanyang GF ay ginawan niya ito ng musical scoring, at siya rin ang nagedit ng short clip.

Benjamin and Joshua

Si Joshua Garcia naman though hindi naman niya GF pa si Janella Salvador ay inaabangan ng fans ang pasabog nilang dalawa as Joshnella sa August. Nagpost kasi ang official fans club nila regarding August 15.

Matatandaan na August kasi ang anniversary month ng kanilang loveteam na nabuo dahil sa characters nila sa The Killer Bride.

Early July ay naglabas ang Mojo 12 Photography sa Twitter ng new pictorial ng Joshnella shot at ABS-CBN studio so mas napataas nito ang possibility na may pagtatambalan nga sila sa August.

Maituturing na latest social media post ni Joshua yung clip niya sa Tiktok singing and playing a guitar. It could be trip lang niya, o baka busy siya kasi nagpapractice siya ng kanyang skills para masabayan si Janella. Feeling ng maraming fans eh kung anuman ang project na yan will possibly be a short series, pero sa tingin ko eh like Ja Mill who recently released a single under Star Music eh magkakaroon din silang dalawa. Kung eto nga ang mangyayari sa kanila eh sana samahan na rin nila ng music video para mamaximize.

 *****

Pinagpistahan ng netizens ang bagong photo ni Bianca Umali na sobrang payat niya. Sa photo na ito ay nagpropromote siya ng isang cosmetics brand at nakatuealya lang siya.

Yung ibang comments ay napakaharsh at tinawag siyang bangkay at tuyot. To the rescue naman sina Ruru Madrid at Kiray Celis na pinagtanggol siya sa bashers.

Pumayat ba?
Hinamon ni Kiray ang mga walang profile pictures na ipakita ang tunay nilang mga mukha bago sila manghusga.

Ruru posted a lengthy comment:

"I don't know what's wrong with people right now. Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung magddown sa atin. Sana wala ng ganun. Sana sinusuportahan nalang natin ang isa't isa."



Vice Ganda, sablay ang unang sultada

Vice Ganda




After the State of the Nation Address from the man of the Palace, what happens next?

No idea on what he recited during the address because there were better counter programming offers that coincided with the speech. Preferred to watch my latest online fascination, the vlog collaborations of Benedict Cua and Mimiyuh which provided a lot of guffaw and kilig inducing moments. 

Happy ba si VG sa nzngyari sa Network niya
And did not bother to read the bullet points about it and all the opinions made after the recitation since we all know that such democratic expressions are futile anyway and those who continue to rally behind him, they couldn’t care less about all the political brouhaha for as long as their monthly stipend and social amelioration moolah come on time, walang kapantay ang pagmamahal nila sa Poong naka-upo.

Eh ang baklang nag-aambisyon at nag-iilusyon rin na maging poon of his own network, si Vice Ganda, kamusta naman kaya ang pakiramdam at pakiwari? Ang sa Vice Ganda Network, hindi lang sumablay ang una nitong pasabog, supot ang una nitong papatok.

Hindi pa pala talaga sila handang umere at super lame ang excuse na “technical difficulties” ang tinututurong dahilan kaya ang Little Ponies niyang busog na busog at pinalaki niya sa kanyang balahurang manner of pagpapatawa at hosting style na alam naman nating hindi of international standards at parang pang-sing along bar lang ang mga kaganapan. Nganga sa pag-aabang. Beh! Buti nga sa inyong lahat.

Sino ba kasi ang umuto kay Vice at binigyang ilusyon ang baklang nagkaka-itsura lamang dahil sa kanyang magagarang peluka at tunay na karakas na tinatago sa makapal na make up ay pwedeng magpatakbo ng isang network? Does he even have the experience and expertise of a Charo Santos? The respectability and the family background of a Carlo Katigbak? The media savvy and the knowhow what shows to acquire like a Lauren Dyogi? Does he even have they eye of who could be a “star” and who hss the potential to be an “actor” like Johnny Manahan?

Anong bago ang ihahain niya?

Kung no, nada at nay ang sagot niyo sa mga tanong, kung may investors man si Jose Marie Viceral sa kanyang network, hindsi ba kayo nag-aalala na baka malusaw lamang ang inyong ibinigay na capital lalo na nga’t pambungad na telecast pa lamang, pumalpak with a capital P and the lamest excuse talaga na “technical difficulty” ang may sala. Kung hindi pala “secure” at “sound”ang connection capacity para sila ay ma-broadcast, bakit tila minamadali na mailunsad ang network kuning-kuning?

Asan ang clamor? Meron ba? Kung meron man baka sila-sila lang ang nakaka-alam, hindi ba naman?

And please, pray tell, ano ba naman ang originality at pagkakaiba ng “Gabing-gabi na Vice” sa “Gandang Gabi Vice?” as a flagship program and the network’s carrier show? Alam naman natin what happened to the last remaining season of GGV, eat your dust na ito ratings wise sa “The Boobay and Tekla Show” tapos newly minted network supposedly ang pambungad na alay, BAGONG LUMA NA PALABAS?

Hay naku, more BL shows please na lang kesa patulan ang network na alam naman nating doomed na agad-agad. Hindi pa ba indikasyon na hindi off to a good start at will not bear good fruit ang kiyeme latik na “network” na ito? If Vice Ganda wants his public to believe na is “serious” this time. TAKE OF THE WIG AND THE MAKE UP, at be behind the camera and offer program content na out of the box and revolutionary. Ang tanong, kaya niya ba?

Ruru Madrid at Bianca Umali: Sila na ba talaga?

Bianca Umali and Ruru Madrid



 Muling naging usap-usapan ang tambalang Ruru Madrid at Bianca Umali kamakailan dahil sa Instagram post. Ipinost ni Bianca ang kanilang pictue ni Ruru pero  wala itong caption dahilan para mag-ingay ang mga kani kanilang fans.

Marami sa mga kaibigan nila ang natuwa at nagpakita ng suporta sa kanilang larawan ngunit marami din lalo na ang mga fans ang nagulat. Makikita sa larawan ang sweetness at mukhang kuha ito sa beach.

May isang nag comment na bakit si Bianca ang unang nag post, agad naman tong sinagot mismo ni Ruru na tingnan ang kanyang IG.

Bianca and Ruru, totohanan na?

Makikita sa instagram ni Ruru na nag post sya ng larawan nila Bianca sa elevator habang may hawak na milktea noong March, 2020 na may caption "Happy birthday moonlight 🌙 " at nag reply si Bianca ng heart emoji.

Naging maingay ang mga kampo nila dahil sa kani kanilang loveteam na hanggang ngayon ay marami pa din ang sumusuporta. #GabRu para sa loveteam nila Gabbi Garcia at Ruru Madrid at #BiGuel para sa Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

May, 2018 ng mabuwag ang tambalang #GabRu kung saan humingi ng pang unawa si Gabbi sa kanilang mga fans na maging positibo. Malaki din ang pasasalamat niya sa apat na taon nilang mag ka loveteam. Ngayon ay masaya si Gabbi sa kanyang career bilang Global 
endorser at sa kanyang lovelife kasama si Khalil Ramos.

Mas malinaw na kung anong meron sa dalawa?

2019 naging maingay din ang pagkakabuwag na ng BiGuel dahil sa bulong bulungan na relasyon nila Ruru at Bianca. Mariing itinanggi noon ni Ruru ang balita at sinabi magkaibigan lang sila. Nagkaroon pa ng serye na Sahaya ang BiGuel kaya hindi na siguro pinansin ang mga nagkalat na larawan nila Ruru at Bianca na magkasama. Ngunit marami pa din ang nakahalata na iba na ang
samahan ng BiGuel kaya naman sinasabi ng fans na si Ruru ang dahilan ng pagkakabuwag ng loveteam nila.

At ngayon 2020, ang post na nga ba ni Bianca ang liwanag sa kanila ni Ruru? Since wala na naman silang ka loveteam, eto na ba ang tamang panahon sa kanila? Kinailangan nga ba tapusin muna ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang loveteam para mabigyan ng daan ang kanilang personal na damdamin? Mahirap nga ba talaga pumasok sa mundo ng Loveteam?  Naku mukhang marami pa ang sasagutin ng tambalang Ruru at Bianca.

Abangan natin!!!

Nora: Inayudahan si Boy Alano

Nora Aunor and Boy Alaga



July 16, Huwebes nang ipahanap ni Nora Aunor sa kaniyang staff ang dating aktor  ng Sampaguita Pictures na si Hernando Alano o mas kilala sa showbiz bilang Boy Alano. 

Nabalitaan kasi ng aktres ang hindi magandang kalagayan ni Boy at ito ay nag-alala. Kaya naman tuwang-tuwa siya nang makita siya ng kanyang staff. 

As usual, umandar na naman ang pagiging matulungin ni Nora kaya dali-dali niya itong pinadalhan ng tulong. 
Tumolong pa rin si Guy sa dating kasamahan
Sa Sampaloc Manila naninirahan ngayon ang dating aktor sa pangangalaga ni Kagawad Jojo Sacobo. Pansamantalang naninirahan ito sa kanyang tahanan dahil pinalayas daw siya sa kanilang bahay. 

Pera, damit, grocery items at bigas  ang ibinigay ng aktres. Bukod sa pagtulong niya sa dating kasamahan sa trabaho, nakinabang din ang ilang residente sa lugar ng relief goods na galing sa kanya.

Labis ang kaligayahan ni Boy at nagpapasalamat siya at naalala raw siya ng Superstar. Sa kuwento sa amin ng staff ng aktres ay naging emosyonal daw siya nang tanggapin ang ayuda mula sa kaibigan. 

Nakarating ito kay Nora at nangako na hindi ito ang huling pagbibigay niya ng tulong sa dating Sampaguita star. 
Si Boy ay dating kasamahan ni Guy sa Sampaguita Pictures
"Mabait si Boy at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Noong nabalitaan ko ang nangyari sa kanya noon pa man pinahanap ko na siya. Wala lang makapagsabi kung saan siya nakatira," simula ng aktres nang makausap namin. 

"Maraming salamat sa Diyos at nahanap siya. Maraming salamat sa malaking tulong at hindi siya pinabayaan ni Kagawad JoJo Sacobo. Sana makatulong pa ako sa susunod."

May panawagan naman siya sa mga gustong tumulong pa kay Boy. 

"Ngayong may gustong tumulong kay Boy nakikiusap ako na huwag naman sana siyang pagsamantalahan ng ibang tao na malapit sa kanya. 
kinukupkop si Boy ng kagawad sa kanilang barangay
’’Nakikiusap ako na kung ano mang tulong ang maipaabot sa kanya ay sa kaniya na 'yun. Hayaan na nila kay Boy 'yon dahil hindi yon para sa kanila. Sana maintindihan nila."


Maraming pelikulang pinagsamahan sina Ate Guy at Boy Alano sa Sampaguita Pictures, Tower Productions at JBC Films  noong Dekada '70. Unang movie na pinagsamahan nila ay ang "Ang Pangarap Ko'y Ikaw" na ang mga bida sa pelikula ay sina Susan Roces at Eddie 
Gutierrez. 

Bukod pala kay Kagawad Jojo Sacobo, nagpapasalamat din ang aktres sa effort ng kanyang staff na si Jojo Afable at mga tagahanga at mga kaibigang sina Susan Bondoc at ang presidente ng NOW na si Edgar Castro. Of course, kay John Rendez din na kabahagi sa pagtulong ni Nora kay Boy Alano.

na nila kay Boy 'yon dahil hindi yon para sa kanila. Sana maintindihan nila."


Megan at Mikael: Relasyon na Super Budget

Megan Young and Mikael Daez





 Nakakagulat sa ilan ang nai-share na paraan sa pagba-budget ng Kapuso couple na sina Miss World 2013 Megan Young at Mikael Daez sa latest episode ng kanilang podcast na #BehindRelationshipGoals. 

Habang ang ibang married couples ay may individual at joint accounts, pinili nila Mikael at Megan na magkaroon ng magkahiwalay na accounts. 
Mikael and Megan
Ang kay Mikael ay ginagamit nila para sa ilang expenses gaya ng credit card bills, groceries, at household expenses samantalang lahat naman ng income ay pumapasok sa account na nakapangalan kay Megan.

Kuwento ni Mikael, apat na taon na raw nilang ginagawa ang naturang sistema at nasanay na sila sa ganoong paraan ng pagba-budget. 

Bukod daw sa mas organized dahil nakikita nila ang lahat ng kanilang expenses sa isang account lang, may positive psychological effect din daw na makita ang lahat ng pumapasok na pera sa iisang account. 

“I think those two are the most prominent motivations for using this style of finance, so organization and clarity and good vibes," sey ni Mikael.
*****
After one year ay muling nasilayan si Kelsey Merritt sa latest edition ng Sports Illustrated Swimsuit Edition 2020.

Si Kelsey ang kauna-unahang Filipina model na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show noong 2018.

Pinost ni Kelsey via Instagram ang kanyang naging photoshoot for
SI sa Dominican Republic.
Kelsey Merritt
“Soooo excited for Sports Illustrated Swimsuit to come out on newsstands July 21st!" caption pa niya.

Sey ni Kelsey, isa raw powerful and iconic brand ang SI that celebrates women of all color, size, age, and ethnicity.

“Whenever I see them do something groundbreaking that no one else has done before, I am in awe that I get to call this brand my family. They continue to shatter ceilings for inclusivity. I am so proud and honored at the same time to be amongst the company of strong, confident women that encourage everyone to be their true authentic self.”

Last year unang lumabas si Kelsey sa “rookie class” ng Sports Illustrated Swimsuit.

*****

Ginulat ng mag-asawang Justin Timberlake at Jessica Biel ang marami dahil sa pagsilang ng kanilang ikalawang baby.

Walang nakakaalam na buntis si Jessica at naitago niya ito sa media.

Pinanganak ni Jessica last week ang second baby boy nila ni Justin habang naka-quarantine sila sa Big Sky, Montana kasama ang kanilang panganay na si Silas.
Justine and Jessica
Nanggaling ang confirmation mula sa close friends ng mother ni Jessica na nakasama nila sa Montana.

Bumilib ang marami sa paraan ni Jessica sa pagtago ng kanyang pagbubuntis kahit active ito sa social media.

Ang sikreto ay bare minimum of selfies, none showing of Jessica's entire body for how many months at ang mag-post ng mga photos at videos from last year para walang maghinala na netizen.

Nagbigay naman daw ng clue si Justin noong nakaraang May nang i-post niya sa IG ang photo na suot nila ni Jessica ang matching robes na may nakalagay na PAPA BEAR and MAMA BEAR. 

Pero walang nakahula na buntis na pala si Jessica that time.

Rocco and Melissa:Perfect sa lahat ng bagay

Rocco Nacino and Melissa Gohing





Bilang miyembro ng Philippine Navy, personal na nagpaabot ng kanyang tulong si Rocco Nacino, kasama ang kasintahan na si Melissa Gohing, sa mahigit 200 na senior citizens sa Talim Island, Rizal.

Natuwa ang mga residente sa pagbisita ng 'Descendants of the Sun PH' actor sa kanilang lugar. Sila ang mga benepisyaryo ng ‘Help From The Heart’ fundraiser na sinimulan nina Rocco at Melissa.

Perfect couple


“Kailangan mong i-biyahe by boat so pumunta kami sa isang port. Sasakay ka ng bangka, tapos sasakay ulit pagdating do'n hanggang makarating sa barangay. Gano'n siya kalayo.

“So these are the people we wanna help that's why we are really happy na tinutulungan kami ng Philippine Navy. 'Di namin to mapu-pull off 'pag wala sila."

*****

Sinisiguro ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ang kanilang mga proyektong ginagawa ay pasok at malapit sa kanilang prinsipyo at adbokasiya.

Patunay na lang ang award-winning infotainment show ni Dingdong na Amazing Earth na layong magbigay kaalaman sa kalikasan at sa ating planetang ginagalawan.

Saksi rin ang lahat sa husay na ipinamalas ni Marian nang gumanap ito sa makasaysayang drama na Amaya.

Sa ika-70 anibersaryo ng GMA-7, pinasalamatan ng dalawa ang Kapuso Network sa patuloy na paggawa ng mga programang nagpapahalaga sa kalikasan at kultura ng bansa.

Samantala, mapapanood muli si Dingdong sa bagong episode ng Amazing Earth ngayong Linggo (July 26), 5:25PM, bago mag-24 Oras Weekend sa GMA Network.

*****

Sentro ng intriga ngayon ang TV host and producer na si Ellen DeGeneres pagkatapos na magsalita ang ilang former employees nito tungkol sa tunay nitong ugali.

Tinawag si Ellen na "evil", "awful", "rude" and "horrible boss", malayo sa pinapakita niyang image sa kanyang long-running talk show na The Ellen DeGeneres Show kunsaan lagi nitong mantra ay "Be Kind To One Another".

Sa isang Twitter thread na sinimulan ni Kevin T. Porter last May 20, 2020, naging saksi raw siya sa pinakitang "mean streak" ni Ellen noong nagkasama sila sa pag-raise ng money para sa LA Food Bank.

Bina-bashed dahil sa attitude

Hindi inaasahan na sunud-sunod ang mga tweets na dumating mula sa maraming netizens na naka-experience sa hindi magandang pag-uugali ni Ellen kapag hindi ito nakaharap sa kanyang studio audience.

Heto ang ilang sa tweets:

@nude_eel: "My sister worked for the Ellen Show for two years. This is from her: “I saw Ellen in the hallways every day and would say hello and she never once said hello back. She wouldn’t smile. She wouldn’t even acknowledge me at all. For two seasons.”

@ljamba: "My brother is a Wish kid. His wish was to be at the 12-days of Ellen, which was arranged. 1 month before they cancelled because, “Ellen refuses to interact with disabled people.” Crushed his heart."

Ten anonymous former employees ang nag-confirm sa BuzzFeed na isang "toxic work environment" ang magtrabaho sa show ni Ellen.

Kapag meron daw nag-medical leave or bereavement days to attend family funerals, wala na raw silang babalikan na trabaho dahil utos daw iyon ni Ellen.


Toni Gonzaga: Ano ang tutuong kulay sa isyu ng ABS-CBN

Toni Gonzaga



 One of the leading stars of the Kapamilya network has finally broke her silence after probably hearing the loud call of Angel Locsin during the gathering held in front of ABS CBN, encouraging her fellow actors and actresses to speak up and let their voice be heard.

This celebrity is well-known for being a well-mannered artist. Unfortunately, her breaking out from silence has somehow made a few doubting radiance to some of the netizens who have seen her post on social media. Toni Gonzaga is the celebrity, she is currently the news.
.
Ano ba ang toong kulay ni Toni?
 Dahil sa kanyang post na naipublish sa kanyang Social Media account ay nagkaroon ito ng kulay. May hindi sumang-ayon at meron din namang nagbigay ng suporta sa kanyang pahayag. Here’s the text that was posted and is being criticized, “This is not putting blame on people in position. This is a reminder to us that no matter who is in position. Jesus is still the King of Kings. This is to remind our kapamilyas, there is hope. There’s still tomorrow. We will not forget what the people who have power did to us and we respect their decision with all humility. As one We will also continue to stand up for our company who gave us so many opportunities to help our families. We don’t know what the future will bring. But we know, God is holding us in the palm of His hands. “

In my opinion, marahil sa lakas ng kalembang ng panawagan ni Angel Locsin ay napilitan na lamang na sumagot si Toni sa mga pangyayari patungkol sa network upang ipahiwatig ang kanyang suporta.

Bakit nga ba kung kelan nabigyan na ng desisyon ang franchise ay saka naglabasan ang mga malalaking artista na alam naman natin na ang network ang naging daan sa kanilang kasikatan. Ano nga ba ang dahilan? 

Sa punto ni Toni, marahil ay may tinitimbang at iniiwasang may mabangga sakaling magpahayag siya ng kanyang suporta para sa estasyon na nagbigay sa kanya ng career. Meron nga bang matatamaan kung sakaling may ipost si Toni patungkol sa franchise ng estasyon? O kaya naman ay ayaw nya lang talagang ma-involve ng todo sa sitwasyon ng network upang iwas stress.

For whatever reasons she have lahat ng tao ay may kanya-kanyang opinion at saloobin.