Ang pag-aaalaga ng halaman ang isa sa nakahiligang gawin ng maraming celebrities sa tatlong buwan na quarantine.
Kabilan
si Rocco Nacino sa nagsimula at ginawa pa nila itong negosyo ng kanyang
girlfriend na si Melissa Gohing na tinawag nilang All About Plants.
“Isa
sa mga naging hilig ko noong habang naka-ECQ tayo ay ang mga halaman.
'Di ko akalain na napaka-interesting pala mag-alaga ng mga ito.
Ipapakilala ko sa inyo ang dalawa sa mga alaga ko.
Sa
kaliwa, ang Monstera Deliciosia, at sa kanan, ang Monstera Thai
Constellation, ang mga kinababaliwan ng mga Plantitas ngayon. At yes,
Plantito na rin ako! Kaya nasimulan namin ang @allaboutplantsph!" post
niya sa IG.
Kaya naman bilang special treat sa kanyang kapwa plant parents, magsasagawa si Rocco ng isang urban gardening tutorial online.
*****
Marami raw siyang natutunan sa ilang taon niyang pamamalagi sa GMA-7.
“Ako ay natutuwa dahil bilang isang artista, lalo kong na-improve at na-develop ang talent ko bilang isang host dahil sa programang ibinigay ninyo sa akin,” sey ni Uge.
Mula Cool Center, Wachamakulit, Comedy Bar, Celebrity Bluff hanggang Dear Uge Presents, masaya si Eugene na hindi lang kasiyahan ang naibabahagi ng kanyang shows sa mga manonood kundi pati na rin kaalaman.
“Bukod sa marami tayong napapasaya ay informative din ang programa ng GMA.
“Pinagbubutihan po namin ang aming trabaho para mabigyan po namin kayo, ang mga televiewers at supporters, ng mga programang original, entertaining, and at the same time informative.”
*****
Pinost ni Lovely Abella via Instagram ang natanggap niyang certificate bilang fitness instructor mula sa New Skilla Academy.
“Goodmorning 🌞 Sharing my HAPPINESS and ACHIEVEMENT for you guys, ang daming nabago sa buhay ko ng dahil sa LOCKDOWN na to, mas naintindhan ko ang rason kung bakit nangyari to aside sa mas naging close ang family ko, madami akong nainspire at namotivate in my own ways, para makaiwas sa depression and anxiety at the same time para maging healthy para lumakas ang immune system at higit sa lahat para maging SEXY, gumigising everyday ng maaga para gumawa ng workouts , kumausap ng napakarami everyday para sagutin ang mga questions , mag basa ng magbasa, manood ng mga videos at ang dami pa, pero higit sa lahat mas naINSPIRE niyo ako to LEARN more, di pala madali pero mga ka SQUAD, mga PANGGA!! I MADE IT!! IM a CERTIFIED FITNESS TRAINER na!! Yahoooo #COACHga #lovelysfitnesssquad #lovelystransformation"
Habang may lockdown ay nagawa ni Lovely na mag-aral online para maging isang certified fitness instructor.
“Isipin mo sa pag-aaral kong 'yon medyo natuyot 'yung utak ko kasi kailangan mo palang pag-aralan ang nerves, ang brains, ang joints, ang respiratory, ang heart.
“So iba-iba pala ang function nu'n every time na nagwo-workout tayo. Dapat pala inaalam 'yun talaga.
“Mas marami akong natutunan, at the same time medyo pinagkakakitaan ko na rin siya this time," sey pa ni Lovely.
No comments: