Marian Rivera |
Saludo si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pagkakaroon ng mahabang pasensya ng asawa niyang si Marian Rivera.
Kuwento ni Dong na bilib siya sa katangian na ito ni Marian pagdating sa pag-aalaga hindi lamang sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy kundi pati rin sa kanya.
“Magkaroon ka ba naman ng mahabang presensiya 'tapos isang asawang makulit, ay talagang grabe 'yung pasensiya niya.”
Ayon kay Dingdong, nadiskubre niya ang ugali na ito ni Marian habang naka-quarantine silang pamilya ng ilang buwan.
Bukod dito, marami rin silang pinagkakaabalahan sa bahay para maging productive ang bawat araw nilang mag-anak. At isa nga rito ay ang paggigitara at pagtugtog ni Dingdong kung saan kasama pa niya si Zia.
*****
Dahil sa tatlong buwang quarantine, maraming magkakarelasyon ang nalaway sa isa't isa. Kabilang na rito ay si Kris Bernal at ang fiance niyang si Perry Choi.
91 days raw silang hindi nagkasama at hanggang video chat lang muna sila habang may quarantine. Pero ngayon na maluwag na at puwede na silang magkita, sinunod pa rin nila ang social distancing kahit gusto na nilang magyakapan at halikan ang isa't isa.
Kris and Perry are engaged engaged last Feb. 6 |
February 6, 2020 nag-propose si Perry kay Kris sa isang surprise party. Tatlong taon din silang nagkaroon ng relasyon. Mentor ni Kris si Perry sa kanyang pagiging isang businesswoman.
Wala pa silang sinisimulan na wedding plans dahil gusto raw nilang unahin ang pagbangon
ulit ng restaurant business nila para muling makapagtrabaho ang kanilang mga employees.
ulit ng restaurant business nila para muling makapagtrabaho ang kanilang mga employees.
May sariling online business si Kris noong kasagsagan ng quarantine kunsaan binebenta
****
Nagbukingan sa kanilang online live chat ang YouLOL boys na sina Rocco Nacino, Ruru Madrid, Andre Paras, Buboy Villar at Mikoy Morales.
Kinaaliwan ng maraming netizens ang biruan at minsan ay mga naughty answers nila sa ilang mga tanong kaya naman nag-trend sila sa Twitter.
May tanong kasi sa kanila kung ano ang humaba sa kanila nitong nakalipas na tatlong buwan na quarantine?
Sey ni Ruru, humaba raw ang kanyang pansensya lalo pa at di siya makalabas ng bahay.
Humaba naman daw ang balbas ni Mikoy na madalas niyang himas-himasin.
Ang kuko sa paa naman ni Andre ang humaba dahil sa pagsasara ng mga nail salon.
Ang halaman naman ni Rocco ang patuloy na humahaba na madalas niya raw diligan at kausapin.
At para naman kay Buboy, naniniwala siyang ang height n’ya ang humaba habang naka-quarantine.
Mapapanood ang replay ng kulitan ng Kapuso boys sa official YouTube channel ng YouLOL.
No comments: