Sa
unang Youtube vlog niya, na-share ng Kapuso star na si Kim Domingo na
hindi naging madali ang desisyon niyang ihinto ang kanyang sexy image.
Mayroon daw na hindi naintindihan ang naging desisyon niya.
“‘Yung
mga dating humahanga sa akin, sumusuporta noong time na hubadera ako,
ang dami nila! As in, ang tunog ng pangalang Kim Domingo, pantasya ng
bayan. Hindi sa pagmamayabang, pero pumutok talaga 'yung pangalang Kim
Domingo noong nagpa-sexy ako.
“Maraming
nawala pero ang hindi n'yo alam maraming pumalit doon sa mga nawala.
Mas maraming taong nagmamahal sa akin ngayon. May mga nawala pero may
mga pumalit.”
Kuwento pa ni Kim, masaya siya dahil alam niyang ang fans niya ngayon ay nirerespeto siya.
“Ang
daming taong mas nakaka-appreciate ngayon sa akin. Doon ako nagti-thank
you. Ganito pala yung lasa ng nirerespeto ka. Mas masarap siya kesa
doon sa mga 'Ang sexy mo, ang hot mo!'
She's the sexiest star of GMA during her time |
Nilinaw naman ng aktres na hindi siya tutol sa mga nagpapa-sexy.
“Hindi
ako against sa nagpapa-sexy kasi nanggaling ako diyan. Sino ako para
manghusga. Masayang masaya ako. Gusto kong malaman ninyo na masayang
masaya ako doon. I'm free!"
Marami pa raw na gagawing YouTube videos si Kim. Ano kaya ang mga ito? Subscribe na sa kanyang channel para laging updated!
*****
Nag-share ang Kapuso actor na si Gil Cuerva sa naging epekto ng pandemic sa kanyang mental health.
“This pandemic in general, the COVID-19 virus that's been spreading has also caused me to feel a bit worse. When I say worse, it isn't helping my mental health, or it isn't helping me or it isn't helping anyone at all.
Gil Cuerva with Rhian Ramos |
Paalala ng ‘Taste Buddies’ host, seryosong issue ang mental health kaya hindi dapat ito binabalewala.
“These are very serious and concerning
issues. I think sometimes we tend to overlook it simply because it's not a physical injury or something we actually feel physically. It's all in the head. It's mental; that's why it's mental health.”
issues. I think sometimes we tend to overlook it simply because it's not a physical injury or something we actually feel physically. It's all in the head. It's mental; that's why it's mental health.”
*****
Maraming nagandahan sa soulful rendition ni Aicelle Santos sa kantang “Tuloy Tuloy Lang.”
Ayon sa Centerstage judge, alay niya ang awitin na ito sa lahat ng frontliners kabilang na ang kanyang kapatid na isang healthcare worker sa United Kingdom.
“Hindi maalis sa amin, sa buong pamilya namin na mag-alala. Kumusta ba 'yung kalagayan niya. Halos araw-araw pinapaalala naming na doble ingat.
“We're very very proud kasi 'pag sinabi mong frontliner, health worker, karamihan po diyan Pinoy talaga. At 'yung sakripisyong ginagawa po nila ay napakalaking bagay kaya maraming salamat po.”
Dagdag pa ni Aicelle, bagay na bagay ang kantang ito sa panahon na kinakaharap natin ngayon para magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan.
“Nu'ng dumating ang pandemyang ito, binalikan ko 'yung kanta. Sabi ko, 'Tamang-tama 'yung mensahe niya, very timely. May pag-asa at liwanag sa bandang huli.”
No comments: