|
Nang mauso ang stand-up comedy, kung saan nagmula si Vice Ganda, ay prangkahin na natin, pang-aalipusta ng itsura ang usual technique para mapatawa ang mga manonood. Kaya nga "stand-up comedy aesthetic" ang bansag ng ilang film reviewers sa type of comedy na exhibited sa pelikula ni Vice, kung saan ang ginagawang punchlines eh ang pamimilosopo at pamumuna sa physical defect ng kausap.
Komedya na offending |
Ang pinaka-napuna ni Mio Akinkuolie ay ang supporting character ni Kiray Celis na nagsilbing butt of jokes. Malalang kulot as in Afro ang buhok niya dito na isa sa tinira ng punchline na "as heavy as the traffic in Manila". Napuna rin dito ni Mio ang punchline tungkol sa dugo ni Kiray na kasing-itim daw ng ink ng pusit.
Kiray Celis in Girl, Boy, Bakla, Tomboy movie of Vice |
Kahit na ngayon na maraming "pa-woke" sa social media particular na sa Twitter ay kaunti pa lang ang inimprove ng Pinoy TV and film when it comes to homophobia, racial stereotyping, at body-shaming.
Example na lang ang 'Ika-6 na Utos' currently airing sa Fox Filipino Kung saan dating mataba ang character ni Emma (Sunshine Dizon). Kung ipagbatuhan ang term na 'lumba-lumba' sa palabas na yun ay para bang mortal sin ang maging mataba and it makes you less of a person.
Barbie as Nita Negrita |
Kaya huwag na tayong magtaka na ang youth natin kapag nagtrashtalk sa Mobile Legends or me gustong ibash na nagviral to feel good about themselves eh gagamitin agad ang physical deformity ng kabilang panig para tirahin ito. 7 years ago pa ang film na ito ng late Wenn Deramas yet Pinoy humor hasn't matured much.
No comments: