Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » Vic Sotto: Proud kay Mayor Vico

Pasig Mayor Vico Sotto and dad Vic Sotto




 Sa kabila ng ECQ status ng kamaynilaan, ipinagdiwang ni Vic Sotto ang kanyang kaarawan noong Martes kasama ang kanyang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng Zoom. Mala-conference ang naganap na pagbati ng mga anak ni Vic Sotto sa kanya.

Isa sa inaabangan ang pagbati ng mayor ng Pasig na si Vico Sotto. Kinamusta muna ni Vico sila Vic, tinanong kung hindi ba sila naiinip sa bahay nila sagot naman ni Vic ay hindi dahil meron silang entertainer si Tali, 2yo na anak nila Vic at Pauleen. Nang hingan na ng mensahe si Vico ay nahiya pa sya nung una dahil Live daw.



Online chat of Mayor Vico and dad via Zoom
"Pa, Maraming marami salamat sa lahat, alam mo naman since bata ako you always make time for me and kaming lahat magkakapatid, kahit busy ka, kahit di tayo sa iisang bahay nakatira talagang grabe yung effort mo lalo na nung bata ako to spend time with us. 

Sa lahat ng kailangan namin kahit sa school kahit nga yung mga play kahit wala ako linya sa play nanonood ka pa rin.

 Kaya maraming salamat, hopefully this quarantine matapos na para magkita kita na rin tayo. Praying for good health at lagi ka maging masaya and more blessings to come." - Vico Sotto


Mayor Vico with his proud parents
Nagpasalamat at sinabi ni Vic na ituloy nya lang ang mabuting trabaho nya at proud sila sa kanya. Pahabol din ni Vic na laging mag-ingat si Vico dahil naka-expose sya, doble-ingat pa.

Nagbiro pa si Vic na parang kamukha ni Vico yung picture sa likod nito (larawan ni Vic Sotto). Kitang kita naman talaga ang pagkakahawig nilang mag-ama. 

Naghanap pa si Vic ng nakahubad, matatandaan na nagkaroon ng bold na larawan sa gitna ng pag-uulat ni Vico last week via zoom. Mukha tuloy nag ka-phobia na si Vico sa Zoom dahil uso daw ang hacking.

Sa kabila ng sitwasyon, masayang nagdiwang si Vic Sotto ng kanyang kaarawan. Nagpapasalamat din sila sa lahat ng bumati sa kanya sa social media.



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply