Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });


Roderick Paulate




 Award-winning actor-comedian Roderick Paulate hasn’t done a movie for a while. His last film was Kung Fu Divas in 2013. He signed up with T-Rex Entertainment Productions last February where he is set to do two movies, one of them to be directed by Julius Alfonso.

They were already supposed to shoot the first film by March but the Covid 19 pandemic put the production on hold. The still untitled film should have been Roderick’s comeback film.

Award-winning actor Roderick Paulate started his career in showbiz as a child star and as such, he is considered an icon especially by young comedians who idolizes him and wants to follow his footsteps.


Kuya Dick, magbabalik pelikula
“Alam ko na hindi na ako ganoon kabata pero ikinatutuwa ko kapag sinasabi ng mga aspiring actors na mahusay pa rin ang acting ko,” pahayag ng former Quezon City third district councilor.

Kabilang sa mga memorable movies ni Kuya Dick ay ang  High School Circa ’65, Inday, Inday sa Balitaw, Kumander Gringa, and Ded Na Si Lolo for which he won Best Actor for Comedy at the Golden Screen Awards.

Huli siyang napanood sa comedy series One of the Baes where he played the closeted gay dad of Rita Daniella.

“When they say wala pa rin akong kupas, mas lalo akong nagiging inspirado na umakting pa.  Siguro nga may mga fans ako na naghihintay lang na gumawa ako ng pelikula at nariyan sila to support me.”

Kuya Dick is one of the best actors pagdating sa pagganap ng gay roles. Bago pa dumating sina Vice Ganda at Paolo Ballesteros, si Kuya Dick ang laging number one pagdating sa husay sa pagganap ng gay roles.


Walang kupas ang orig na bading role sa showbiz
“Alam kong maraming ang umiidolo sa akin when it comes to playing gay roles. Pero sa age ko nga, I’d like to carefully choose the gay roles offered me. Dapat kakaiba naman ito sa bading role na ginawa ko let’s say 20 years ago. 

Iba naman ang edad ko ngayon doing a gay role compared sa ginagawa ko 20 years ago. Binabalense ko sa edad ko para huwag ma-turn off ang tao kung sakaling gumanap ako na bading.”

Sabi pa ni Kuya Dick, responsibilidad ng isang artista na alagaan hindi lang ang kanyang career kundi pa rin ang mga roles na kanyang tinatanggap.

Walang duda sa husay at versatility ni Kuya Dick. He is an actor, comedian, host and a lot more. Kahit na anong papel ang ibigay sa kanya ay buong husay niyang nagagampanan.
Aminado rin naman si Kuya Dick that he missed showbiz. At ikinatuwa ng kanyang mga fans ang pagiging aktibo niyang muli.

“Nababasa ko ang mga comments nila sa Instagram na happy sila that I am back. Siguro one reason kung bakit parang na-neglect ko ang showbiz for a bit ay dahil akala ko na wala na sila. Pero nariyan pa rin sila at naghihintay lang.”

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply