Malaki ang pasasalamat ni Prima Donnas star Aiko Melendez sa veteran actress na si Coney Reyes sa ginawa nitong pagtulong sa pagpapatatag ng kanyang pananampalataya.
Sa kanyang Instagram post, binalikan ng mahusay na Kapuso aktres ang kanyang Christian baptism na pinakamasayang punto raw ng kanyang buhay.
“This is definitely one of my happiest and peaceful day ever, when I surrendered my Life to Jesus and got water baptism with one of my pastors @laryetuy,” post ni Aiko.
Kuwento pa nito, malaki raw ang papel na ginampanan ng Love of my Life actress sa kanyang buhay lalo na noong panahon na lugmok ito at sabay silang nagba-Bible study.
“it is no secret how I got closer to the Lord, Tita @coneyreyes played a big role in my life, when i was going through some rough times in life.”
Malaki ang pasasalamat ni Aikokay ms. Coney Reyes |
“To all those who are going through difficulties in life, battling anxiety, please hold to the Promises Lord Jesus gave us. He said in his words In Jeremiah 29:11,” sey ni Aiko.
Samantala, habang tigil muna sa taping ang mga serye, muling napapanood ang Onanay sa timeslot ng Prima Donnas habang My Husband’s Lover naman ang pansamantalang pumalit sa Love of my Life sa GMA Telebabad.
*****
Kinilig ang maraming netizens in quarantine sa first ever YouTube vlog ng Kapuso couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.
Para sa kanilang first vlog post ay nag-Mukbang o food trip ang dalawa.
Mabentang-mabenta naman sa netizens ang nakakakilig na video ng dalawa na pumalo na agad sa 130,000 views sa loob lamang ng 20 oras mula nang i-upload ito.
Dinagsa rin ng maraming positive conments ang vlog ng dalawa.
“Ang cute ninyong tingnan. I was smiling the entire vlog as in. Hope to see the dare vlog the soonest. And I hope you'll guest him often,” comment ng netizen na si Juliet Valdez.
Bumuhos naman ang video requests sa dalawa mula sa Can’t Say No challenge, Girlfriend Does My Makeup challenge, pati na rin TikTok Dance challenge.
*****
Sa latest video ni Mike Tan sa kanyang YouTube account, ipinakita niya ang behind-the-scenes kung paano niya sinubukang magpasalamat sa Ecuadorian fans ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ in Spanish.
Mike Tan, napasaya ang Ecuadorian fan |
Naging matagumpay ang pag-ere ng seryeng pinagbidahan niya kasama ni Yasmien Kurdi sa Ecuador na tinawag doong “Quedate ami Lado”.
Sa huli, successful ang attempt ni Mike at naipahatid niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Ecuadorian fans na sumuporta sa kanila.
No comments: