For the first time ay walang big celebration si Benjamin Alves noong magdiwang ito ng kanyang birthday last March 31.
Dahil sa lockdown, sa kanyang condo unit lang si Benjamin, pero hindi siya lonely dahil kasama niya ang kanyang girlfriend na si Chelsea Robato. Isang chocolate cake ang pinagsaluhan nilang dalawa.
Nahanap na ni Birthday Boy ang kanyang "Forever"
“Happy birthday baby @benxalves. I love you 3000," post pa ni Chelsea sa kanyang Instagram account.
Naiinip na raw si Benjamin na bumalik sa trabaho. Nabitin kasi siya sa taping nila ni Lovi Poe ng teleserye na Owe My Love. Natigil ang taping nila dahil sa lockdown.
Kaya para hindi tumaba si Benjamin sa isang buwang lockdown, sa kanyang condo siya nagwu-workout para physically fit pa rin siya kapag nagsimula ulit silang mag-taping ni Lovi.
*****
First time ni Kapuso actor Martin del Rosario na magkaroon ng dubbing session. Sa Lenten special ng GMA Network na ‘Jesus: His Life’, si Martin ang magiging boses ng karakter ni Judas na isa sa 12 na disipulo ni Jesus Christ na kalauna’y nag-traydor sa kanya kapalit ng salapi.
Imbes na kabahan sa mabigat na karakter, masaya ang aktor na isang makulay at interesting na karakter ang napunta sa kanya.
Martin del Rosario is Judas |
“Suwerte ko na si Judas 'yung napunta sa akin kasi interesting ang character ni Judas kasi 'di ba sa pagkakaalam natin siya 'yung nag-traydor kay Jesus kapalit ng silver coins,” sey ni Martin.
Ayon pa ng award-winning actor, hindi raw madali na umarte gamit lamang ang boses lalo pa at kailangan mo ring sundan ang facial expressions ng nasa screen.
“Dito sa dubbing kasi may ibang actor, eh. Susundan mo lang 'yung boses with timing. Tapos gustuhin ko mang umarte sa mukha, ang hirap kasi dahil nagbabasa ka ng lines, tapos 'yung boses mo ina-acting mo.”Mapapanood ang “Jesus: His Life” sa Good Friday, April 10, 5:00 p.m sa GMA-7.
*****
Kuwentong kalinisan ang pag-uusapan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Manila City Mayor Isko “Yorme” Moreno ngayong Linggo (April 5) sa Amazing Earth.
Sa isang exlcusive interview, ibabahagi ng alkalde ang kanyang mga plano para gawing mas malinis at eco-friendly ang lungsod ng Maynila.
Magmula nang maupo sa puwesto, ang kanyang panukalang clean-up drive sa mga kalsada ng Carriedo at Divisoria pati na rin ang pagpapaganda ng Jones Bridge ang ilan sa mga pinuri ng marami.
Dingdong Dantes and Manila Mayor Isko Moreno |
Nag-share si Yorme ng kanyang konsepto sa patuloy na paglilinis ng Maynila.
No comments: