Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Joshua Garcia at Benjamin Alves: Mga bagong ganap nila sa panahon ng pandemya











Ngayong quarantine, matumal ang trabaho ng mga artista given the social distancing rules at ang patuloy na dumadami na kaso ng COVID-19 sa bansa. Some, like Benjamin Alves, choose to be active sa social media accounts nila. Pero me iba na gaya ni Joshua Garcia eh July 7 pa ang last post. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng dalawa?


Gaya ng kapwa Kapuso artist na si Alden Richards, naglalaro na rin ng Mobile Legends si Benjamin. Sa post ng isang netizen named Jerence Velasquez na finafollow niya, may screenshot ng game results kasama ang GF ng actor na si Chelsea Robato.

Speaking of her, even though ang ilan sa posts ng binata ay masasabing "thirst posts" o yung posts na nakakauhaw kasi nga lantad na lantad ang kanyang yumminess na para bang naghahanap ng spectator, sa caption ng iba eh declaration of love niya sa kanyang kabiyak. We don't know him as a musician, yet napakasweet ng para sa isang MAC promo video ng kanyang GF ay ginawan niya ito ng musical scoring, at siya rin ang nagedit ng short clip.

Benjamin and Joshua

Si Joshua Garcia naman though hindi naman niya GF pa si Janella Salvador ay inaabangan ng fans ang pasabog nilang dalawa as Joshnella sa August. Nagpost kasi ang official fans club nila regarding August 15.

Matatandaan na August kasi ang anniversary month ng kanilang loveteam na nabuo dahil sa characters nila sa The Killer Bride.

Early July ay naglabas ang Mojo 12 Photography sa Twitter ng new pictorial ng Joshnella shot at ABS-CBN studio so mas napataas nito ang possibility na may pagtatambalan nga sila sa August.

Maituturing na latest social media post ni Joshua yung clip niya sa Tiktok singing and playing a guitar. It could be trip lang niya, o baka busy siya kasi nagpapractice siya ng kanyang skills para masabayan si Janella. Feeling ng maraming fans eh kung anuman ang project na yan will possibly be a short series, pero sa tingin ko eh like Ja Mill who recently released a single under Star Music eh magkakaroon din silang dalawa. Kung eto nga ang mangyayari sa kanila eh sana samahan na rin nila ng music video para mamaximize.

 *****

Pinagpistahan ng netizens ang bagong photo ni Bianca Umali na sobrang payat niya. Sa photo na ito ay nagpropromote siya ng isang cosmetics brand at nakatuealya lang siya.

Yung ibang comments ay napakaharsh at tinawag siyang bangkay at tuyot. To the rescue naman sina Ruru Madrid at Kiray Celis na pinagtanggol siya sa bashers.

Pumayat ba?
Hinamon ni Kiray ang mga walang profile pictures na ipakita ang tunay nilang mga mukha bago sila manghusga.

Ruru posted a lengthy comment:

"I don't know what's wrong with people right now. Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung magddown sa atin. Sana wala ng ganun. Sana sinusuportahan nalang natin ang isa't isa."



Benjamin Alves, may ka-"Forever" na

Benjamin Alves, The Birthday Boy
]


 For the first time ay walang big celebration si Benjamin Alves noong magdiwang ito ng kanyang birthday last March 31.

Dahil sa lockdown, sa kanyang condo unit lang si Benjamin, pero hindi siya lonely dahil kasama niya ang kanyang girlfriend na si Chelsea Robato. Isang chocolate cake ang pinagsaluhan nilang dalawa.

Nahanap na ni Birthday Boy ang kanyang "Forever"

“Happy birthday baby @benxalves. I love you 3000," post pa ni Chelsea sa kanyang Instagram account.

Naiinip na raw si Benjamin na bumalik sa trabaho. Nabitin kasi siya sa taping nila ni Lovi Poe ng teleserye na Owe My Love. Natigil ang taping nila dahil sa lockdown.

Kaya para hindi tumaba si Benjamin sa isang buwang lockdown, sa kanyang condo siya nagwu-workout para physically fit pa rin siya kapag nagsimula ulit silang mag-taping ni Lovi.

*****




First time ni Kapuso actor Martin del Rosario na magkaroon ng dubbing session. Sa Lenten special ng GMA Network na ‘Jesus: His Life’, si Martin ang magiging boses ng karakter ni Judas na isa sa 12 na disipulo ni Jesus Christ na kalauna’y nag-traydor sa kanya kapalit ng salapi. 

Imbes na kabahan sa mabigat na karakter, masaya ang aktor na isang makulay at interesting na karakter ang napunta sa kanya. 

Martin del Rosario is Judas

“Suwerte ko na si Judas 'yung napunta sa akin kasi interesting ang character ni Judas kasi 'di ba sa pagkakaalam natin siya 'yung nag-traydor kay Jesus kapalit ng silver coins,” sey ni Martin. 

Ayon pa ng award-winning actor, hindi raw madali na umarte gamit lamang ang boses lalo pa at kailangan mo ring sundan ang facial expressions ng nasa screen.
“Dito sa dubbing kasi may ibang actor, eh. Susundan mo lang 'yung boses with timing. Tapos gustuhin ko mang umarte sa mukha, ang hirap kasi dahil nagbabasa ka ng lines, tapos 'yung boses mo ina-acting mo.”
Mapapanood ang “Jesus: His Life” sa Good Friday, April 10, 5:00 p.m sa GMA-7.

*****

Kuwentong kalinisan ang pag-uusapan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Manila City Mayor Isko “Yorme” Moreno ngayong Linggo (April 5) sa Amazing Earth. 

Sa isang exlcusive interview, ibabahagi ng alkalde ang kanyang mga plano para gawing mas malinis at eco-friendly ang lungsod ng Maynila. 

Magmula nang maupo sa puwesto, ang kanyang panukalang clean-up drive sa mga kalsada ng Carriedo at Divisoria pati na rin ang pagpapaganda ng Jones Bridge ang ilan sa mga pinuri ng marami. 

Dingdong Dantes and Manila Mayor Isko Moreno
Nag-share si Yorme ng kanyang konsepto sa patuloy na paglilinis ng Maynila.

“How can I ask Dingdong Dantes to clean up his frontage if we in government can’t clean up our own backyard?” tanong pa niya.

Hinikayat din ni Yorme ang lahat na panatilihin ang kalinisin ng kani-kanilang kapaligaran para maka-engganyo rin ng iba.

“Tulad ng sinabi ng mga nakakatanda sa atin - Salamin ng iyong pagkatao ang iyong kapaligiran." 

Bukod kay Mayor Isko, makikisaya rin sa Amazing Earth si Kapuso actress Ashley Ortega na susubukan namang mangisda sa Pasig River.

Abangan ang iba pang amazing adventures ni Dingdong sa Amazing Earth ngayong Linggo (April 5) sa GMA-7.