|
For almost a decade Gandang Gabi Vice or GGV has been our laugh trip every Sunday night. It is our mood setter before we begin the week ahead of us. Tawa kung tawa kapag pinanood na ang GGV. Dito sa GGV nagawang paglaruan ang mga bigating personalidad tulad nila Sharon Cuneta, Harry Roque, at ang finale guest nya na si Raffy Tulfo last Sunday, dito rin sa GGV rin nagdaan ang ilang mga personality na ngayon ay mga big celebrity na tulad nila Kim Chiu, SethDrea at KyCine. Isama mo pa ang ilang mga nagtrending na ngayon ay talaga namang humahakot na ng endorsement. Sa buong pag-ere ng GGV ito ay naging show na inaabangan tuwing Linggo ng gabi, siyam na taon na namayagpag at nagtrending sa mga manonood at netizens.
Magre-reyna pa rin kaya siya tuwing Sunday/ |
Nitong nakaraang Linggong episode ay pinakita ang mga pasasalamat ng mga naging guests na celebrity. Talaga naman lubos ang kanilang taos-pusong pasasalamat dahil nung naging guest sila ay hindi pa ganun kalaki ang kanilang mga pangalan pero ngayon mga bigatin na. Teka, bakit pasasalamat na ang pinalabas akala ko ba tuloy pa rin ang saya?
Oo tuloy pa rin ang saya sa bagong pangalan ng show na Everybody Sing! Ay bakit ganun? Anong nangyari? Marami na bang naumay sa pagpapatawa ni Vice Ganda sa GGV kaya pinalitan na ang title at format ng show?
Kung mapapansin nitong mga nakaraang episodes ay halos wala na masyadong okay na content silang pinapalabas. Hindi na gaanong mabenta ang mga talkies nya with their guests kaya kung anu-anong dares na lamang ang kanilang pinaggagagawa. Si Vice nga ba o ang kanyang mga writers ang dahilan? Ganun pa man, hindi lahat ng tao ay mape-please mo. Kaya naman at marahil ang kanilang naging solusyon ay ang bagong show na Everybody Sing! Ikaw, kakanta ka ba tuwing Linggo ng gabi?
No comments: