Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » Nude Maternity Pose, bakit trending sa mga celebrity moms?






Have you tried doing a nude maternity shoot? Well, I salute these ladies who have done this pose. Only few ladies have the guts to do this poses on camera, while on their probably last trimester of their pregnancy. Grabe ang lalakas ng loob nila to do the thing. For me? Nah, not my thing hindi naman ako ang nagbubuntis. Hahaha!

Anne Curtis, Shamcey Supsup and Isabel Oli
Alam kong maraming mga kababaihan na gustong gawin ang ganitong photo shoot not only because it is their memoir of their pregnancy but dahil na rin to prove to the world that they are not conscious of their bodies even though they are pregnant. Well, totoo naman dapat na hindi ka mahiya sa figure mo kung buntis ka because it’s natural. Sabi nga flaunt it if you’re great with it.

Pero ang kwento ko ngayon ay tungkol sa mga celebrity moms na gumawa ng nude maternity shoot. Ano bang meron bakit parang halos lahat ata ngayon ng mga nabubuntis na celebrity ay gusto magkaroon ng kaniya-kaniyang nude maternity pose? Parang naalala ko na sinimulan ito ni Demi Moore, bakit gusto ba nilang kabugin ang pose ng foreigner na celebrity o sadyang umandar ang pagiging artista na kahit buntis ay nasa limelight pa rin. Pero kahit ano pa man ang dahilan ng kanilang pag-dare to bare on camera well yan ang trip nila at walang basagan ng trip.

Divine Lee, Isabelle Daza and Lara Quigaman

Teka sinu-sino na nga ba ang gumawa ng nude maternity pose na ito? So ito ang ilan sa mga nailista ko mula 2018 hanggang ngayong 2020 – Isabelle Daza na tuwang-tuwa sa pagsalo ng kanyang dibdib at maumbok na tiyan, si Divine Lee na fashionista pa rin ang dating kahit namumutok ang belly, si Shamcey Supsup na silhouette ang effect, si Lara Quigaman na parang nagbibilang ng sasakyan sa kanyang bintana, si Isabel Oli na mala-diwata ang look, at ang nag-iisang dyosa na si Anne Curtis na parang babae sa isang renaissance na painting na dyosa pa rin ang image. Ilan lamang sila sa mga buntis na meron mga nude maternity pose.



Kung sa bagay may mga ibubuga naman ang kanilang mga datingan.

Pauso nga ba o pa-andar lang kahit buntis?

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply